CHAPTER 24

115 10 0
                                    

KEN'S POV

            Tinatawagan ko si Rita sa cellphone ko pero ayaw n'yang sagutin,tinitiis n'ya ba ako ha!? Ako na nga tong nanunuyo s'ya pa ang umiiwas,tapos sasabihin n'ya wala akong pakialam sa kan'ya,na hindi ko naiintindihan ang feelings n'ya.Gusto ko nang ibato ang cellphone ko pero napigilan ako ng boses ni Angello na nakita kong papalapit sa kinakaupuan ko.

“Paano kung s'ya ang tumawag sa'yo? Edi hindi mo na magsasagot kasi sira na ang phone mo.” Pagpigil sa'kin now Angello at naupo sa katapat ko. “ Patient bro!”.

“Nauubusan na ako ng patient,bakit ba ang hirap n'yang suyuin,kapag pumunpunta sa bahay n'ya Wala s'ya run,ang nandun lang 'yung Xander na Yun!”. Pagmamaktol ko naman.

“Hindi kaya sinisiraan ka nung Xander na Yun,hindi n'ya sinasabi Kay Rita na pinupuntahan mo kaya siguro hindi ka kinakausap ni Rita?“. Hinala ni Angello.

“Siguro nga gano'n.................”

“May gusto s'ya kay Rita! Kaya sinisira ka n'ya.”

“Talagang masisira ako kay Rita kapag nalaman n'ya ang totoo!”.

“Totoo?”. Takang tanong sa'kin ni Angello. “What do you mean?”.

ALLESANDRA POV

         Pumasok na ako sa loob ng bahay ni Ken,Wala akong pakialam kahit ipagtabuyan n'ya ako ng paulit-ulit,hindi ko s'ya titigilan hanggat hindi s'ya bumabalik sa'kin.Lalapitan ko sana sina Ken at Angello pero napatigil ako nang banggitin ni Ken ang salitang ‘Totoo’ Anong totoo kaya yung sinasabi ni Ken? Kung makakasira yun sa kanila ni Rita,dapat kong malaman yun para sa'kin babagsak si Ken!! Pinili kong magtago ng bahagya para makita at marinig ko ang pinag-uusapan nila.

“Totoo?”. Yan ang takang tanong ni Angello kay Ken. “What do you mean?”.

“Lalo s'yang magagalit sa'kin kapag nalaman n'ya na ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang n'ya......” Sagot ni Ken sa tanong ni Angello. What!?? Paano nangyari Yun,is Ken a criminal!?

“Ha!? Paano nangyari yun!?”. Takang tanong ni Angello.

“Ako ang dahilan kung bakit s'ya nawalan ng magulang,nung mga oras na iniwan ako ni Allesandra,nung hindi n'ya tinanggap ang proposal ko sa kan'ya.Lasing na lasing ako nun habang minamaneho ko 'yung kotse ko,hindi ko alam kung anong nangyari tapos pagtingin ko na lang sa unahan ko may mabubunggo akong taxi,hindi ko na s'ya naiiwas Kasi nga biglaan,sa taxi'ng yun,Doon nakasakay ang mga magulang ni Rita.” Dagdag na Kwento ni Ken sa kaibigan n'ya.

“Alam ba ni  Rita Yan?”.

“Kung alam ba ni Rita Ange totoo,tingin mo ba sasagutan n'ya ako!? Kinasusuklaman n'ya ang taong pumatay sa magulang n'ya at ako Yun!!”.

“Mahal ka ni Rita,I am sure na maiintindihan ka nun!!!”.

“Hindi ko alam,Hindi naman sa lahat ng pagkakataon sapat ang pagmamahal eh.....,.....galit ang kapalit nun lalo na sa kaso ni Rita,ako ang dahilan kung bakit s'ya nag-iisa ngayon,ako ang dahilan kung bakit kulang ang buhay n'ya,kulang ang pagmamahal sa puso n'ya.”

“Kung ako sa'yo Ken,hindi ko na hihintaying sa iba pa n'ya malaman ang totoo,kung aamin ka sa kan'ya baka mapatawad ka pa n'ya,Kung malalaman n'ya iba baka isipin pa n'ya na gusto mo talaga s'yang saktan............. ayoko kitang pangunahan pero nagsa-suggest lang ako............” Payo ni Angello kay Ken.

“You're right Angello!! Pupuntahan ko si Rita para malaman n'ya na ang totoo.”

        Oh, that's the reason!!! 😏😏 Sa oras na malaman ni Rita,sisiguraduhin ko na hindi muna maabutan Ken si Rita, sisiguraduhin ko na malalaman n'ya ang totoo mula sa'kin at hindi sa kan'ya.

RITA'S POV

            Nakailang tawag na sa'kin si Ken,gusto mang sagutin pero sinabi sa'kin ni Xander na wag na,hilomin ko muna raw ang sakit na nararamdaman ko.Baka tama rin si Angello baka magsinungaling lang sa'kin si Ken.May kumatok sa pintuan namin,binuksan ko ito at bumangad sa'kin si..................


KENS POV

              Nasa tabing kalsada kami ni Angello,nagflat-tire ang gulong ng sasakyan namin ni Angello.Bakit ngayon pa nagyari 'to? Inaayos ngayon ni Angello ang gulong pero ang bagal n'ya din.

“Wala ka na bang ibibilis,ha!?”. Tanong ko kay Angello.

“Duh.........bro,hindi ganoong kadali magpalit ng gulong,no!!........just calm down walang humahabol sa'yo!”. Sabi naman sa'kin ni Angello.

“Bwesit!!”.

“Ang tanging humahabol lang sa'yo,is yung conscience mo about what happened in the past.”

“Nang-aasar ka ba,ha!? Can you just focus on what you're doing?”. Utos ko kay Angello.

“You know, sometimes I am wondering,am I your friend or your servant?”.

“Gawin mo na lang yan!”. Utos ko at inirapan na lang ako ni Angello.

RITA'S POV

           PAGBUKAS ko ng pinto,so Allesandra ang bumungad sa'kin.Anong ginagawa n'ya dito? Nandito ba s'ya para ipamukha sa'kin na ikakasal na sila ni Ken!?

“Anong ginagawa mo dito?”. Kunot noong tanong ko kay Allesandra.

“Oh this is your house!!”. Sabi ni Allesandra at wala-walang hiyang pumasok sa loob at naglibot.

“Pinapasok ba kita?”.

“No need to say................nagtataka pa rin ako kung bakit ka pinatulan ni Ken,ni hindi ka nga kasing kinis ng balat ko,kasing puti ko,kasing tangkad ko,kasing sexy ko inshort kasing perfect ko..........ni sa kuko ko wala kang panama.” pang-iinsulto sa'kin ni Allesandra.

“Pumunta ka lang ba rito para sabihin sa'kin kung gaano ka kaperfect ha!?”. Tanong ko.

“Actually yes.........” Naupo s'ya sa upuan bago magsalita. “Alam mo Rita,kung ako sa'yo hindi na ako aasa na babalikan pa ni Ken? Alam mo ba Kung bakit,ha? Kilala ko si Ken,Alam ko ang tipo n'ya at hindi ikaw yun..........oh!!! Naging girlfriend ka lang ni Ken kasi nalulungkot s'ya kasi namimiss n'ya ako,Yun yung totoo,actually kasasabi n'ya lang sa'kin nyun........”

“Tapos?”.

“Then..........” Tumayo s'ya at tumayo sa harapan ko.“Then you should stop dreaming...............nagbalikan na kami ni Ken and tuloy ang happily wedding namin,Inimbitahan ka nga pala ni Ken sa kasal namin,wag ka raw mawawala.......................Stupid!!”. Nakangiti n'yang sinabi at paalis na sana..................

“Allesandra!?”. Tawag ko.

“Yes!?”.

              Sinampal ko si Allesandra at sinabunutan ko s'ya,hindi ko alam kung anong kademonyohan ang sumapi sa'kin ngayon,ang gusto ko lang,saktan s'ya dahil sa masasakit na sinabi n'ya sa'kin.

“Stop it!!”. Sigaw sa'kin ni Allesandra.

“Bwesit kang lumaklak ng glutathione!!!!”. Sigaw ko din sa kan'ya,habang sinasabunutan ko s'ya.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

“Rita!? Rita!? Rita!? Rita!???????????”.

             Nagising lang ako sa reyalidad ng paulit ulit akong tinawag ni Allesandra sa pangalan ko.

“Ha!?”.

            Imahinasyon ko lang pala 'yung nakita ko,buti na lang at hindi totoo yun,kung Yun man yung mangyayari ngayon at least alam ko na ang lalabas sa bibig ng bwesit na to at ang mangyayari.

“Anong ginagawa mo dito? May kailangan ka ba?”. Tanong ko kay Allesandra.

“Yes,may kailangan ako sa'yo and this is important,it is about the accident of your parents a years ago......” Sabi ni Allesandra.

“Paano mo nalaman ang tungkol dun!?”. Tanong ko naman.

Once Cupido Hits Your Stone HeartNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ