Chapter 11

183 8 1
                                    

Ken's Pov

         Nagtungo ako sa likod,gusto kong umalis pero paano ako aalis kung ako mismo hindi makatayo o makalakad man lang,tinawag ko si manang.

"Manang?! Manang?!". Tawag ko kay manang.Agad naman s'yang lumapit sa'kin.

"Yes sir?!". Sagot naman n'ya.

"Manang,pakikuha 'yung saklay  sa bodega." Utos ko dito.

"Ho? Ano hong gagawin n'yo sa saklay?". Tanong naman n'ya sa'kin.

"Manang,basta! Pakikuha na lang." Utos ko at pakiusap sa kan'ya.

"Sige po Sir." Pang-sang-ayon n'ya sa'kin.Agad s'yang umalis para sundin ang inuutos ko.Tinawagan ko si Angello.

"Hello Angello?.............. Pumunta ka dito sa bahay may pupuntahan tayo...............Basta,wag ka ng matanong." Ibinaba ko na ang cellphone ko,tsaka rin naman dumating na si manang at dala ang pinapakuha ko. "Salamat manang!". Sabi ko at kinuha ko ang mga saklay ko.

"Bata ka,saan ka pupunta?". Tanong sa'kin ni manang.

"Manang please,ako na ang bahala sa sarili ko at kasama ko naman si Angello eh,manang don't worry, okay?". Sabi ko naman kay manang.

"Alam ko naman na kaya mo ang sarili mo,noon!!pero ngayon,mahihirapan ka na........." Sabi pa n'ya,pati ba naman ikaw manang,kakaawaan mo rin ako.

"Manang,please!!!! Iwan mo 'ko dito!!". Medyo mataas kong boses na sinabi.

"Sige,pababayaan kita,pero ipangako mo na mag-iingat ka?". Bilin sa'kin ni manang,simula bata pa kasi si manang na ang nag-alaga sa'kin kaya gano'n na lang s'ya mag-alala.

"Pangako." Sabi ko at nginitian ko s'ya,tsaka naman dumating si Angello,lumapit s'ya sa'min. "Manang,wag n'yo na lang sabihin kay kuya kung nasaan ako." Bilin ko rin naman kay manang.

"Sige, Angello ingatan mo 'tong kaibigan mo ah?". Paalala naman ni manang kay Angello.

"Opo manang." Sagot naman ni Angello. "Tara na Ken?". Aya naman ni Angello sa'kin at itinulak ang wheelchair ko,sinabi ko sa kan'ya na sa likod na kami dumaan para hindi mapansin kami ni kuya.

        Nakasakay na ako ngayon sa kotse ni Angello.Tahimik lang ang biyahe namin nang basagin n'ya ang pananahimik namin.

"And Ken, saan naman tayo pupunta?". Pambabasag n'ya sa pananahimik namin.

"Kung saan tayo madalas pumunta nung nakakalakad pa ako." Sagot ko naman pero hindi ko s'ya tinatapunan ng pansin.

"Woah!!!! Talaga? Magha-happy na ulit tayo like what we do before?!". Halata sa boses n'ya na tuwang tuwa s'ya.

"Oo kaya, bilisan mo marami pa tayong paaasahin na babae ngayon." Sabi ko naman,hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yun? Bumalik na naman siguro ako sa pagka-playboy ko.

————————————————

Rita's Pov

         8:30 na ngayon,hindi pa rin ako makatulong,hindi ko alam kung bakit ko naiisip si Sir Ken ngayon? Okay lang kaya s'ya ngayon? Natigil lang ang pag-iisip ko ng magring ang phone ko.'Di ko alam ang number na 'to ah,unknown number ah,bahala ka!! Ibaba ko sana 'yung phone ko ng mag-ring ulit ito,hindi ko na ito tiningnan ito at sinagot ko na lang bigla.

"Ano ba?!! Sino ka ba,ha?! Hoy,alam kong budol budol ka,scammer,kung maghahanap ka ng mabibiktima? Hoy!! Wag ako!!". Napalunok na lang ako ng marinig ko ang boses ng tumawag.

"Rita?". Sagot ni Allan mula sa kabilang linya. "Hindi ako scammer at mas lalong hindi ako budol budol,si Allan 'to." Dagdag pa n'ya.Tinakpan ko ang speaker ng phone ko.

Once Cupido Hits Your Stone HeartWhere stories live. Discover now