Chapter 9

143 7 0
                                    

          Pagkatapos naming mamili ng kung ano ano para kay sungit,ay inihatid na ako dito ni Allan sa bahay,pinapasok ko muna s'ya sa loob.

"Pasensya na Allan hindi kalakihan ang bahay namin ah!". Sabi ko naman sa kan'ya. "Upo muna kayo!". pag-aaya ko at agad naman s'yang umupo.

"Wala ka bang kasama dito?". Tanong n'ya.Bakit ka gan'yan magtanong? May balak ka ba sir? Choz!!!! Lang.

"Meron,si Isha,kaming dalawa lang dito eh. Gusto n'yo ba ng maiinom?" Tanong ko naman.

"Wag na,paalis na rin naman ako eh." Sabi n'ya,sakto namang dumating si Isha at may dalang chips at soft drinks.

"Hi beshie.......................oh,may kasama ka pala,hi pogi?". Bati ni Isha kay Allan with matching kindat.

"Hoy Isha ano ka ba?!........." Pigil ko naman. "Oo nga pala  Sir Allan,si Isha s'ya 'yung kasama ko dito sa bahay." Pagpapakilala ko naman kay Isha,tumayo si Sir Allan at inilahad ang kamay n'ya kay Isha.

"Allan Samonte?". Sabi ni Allan.

"Isha, beshie ni Rita". Pagpapakilala naman ni Isha at tinanggap ang kamay ni Sir Allan,agad naman silang nagbitaw.

"Nice meeting you!". Nakangiting bati ni Sir Allan kay Isha.

"Totoo nga ang sabi ni beshie,napakagwapo nga at..........." Lumapit at ninoot ang amoy ni Sir Allan. "Tsaka ang bango pa!" Sabi ni Isha, pinandilatan ko naman s'ya. "Kuwento pa nga n'ya sa'kin,parehas kayong gwapings na magkapatid pero 'yung isa raw pinaglihi sa ampalaya sa sobrang kagaspangan ng ugali,napakagwapo sungit pa nga eh!". Dagdag na kuwento pa ni Isha kay Sir Allan.

"Hehehehe". Nagkunwari akong tumatawa." Ito talagang si Isha kung ano ano ang lumalabas sa bibig,ah, Sir Allan pasensya na kayo sa kaibigan ko ah medyo pasmado ang bunganga nito eh." Sabi ko naman.

"Sinasabi ko lang naman 'yung natandaan ko sa sinabi mo eh!". Sabat naman n'ya.

"Isha!!". Pagsuway ko naman sa kan'ya.

"Sabi ko nga,tatahimik na 'ko eh!". Sabi n'ya sabay inom ng soft drinks.

"Don't worry Rita,naiintindihan kita." Sabi naman ni Sir Allan.

"Sorry po ulit!".

"No need,ah, Rita, Isha mauuna na ako ha?". Paalam ni Sir Allan.

"Sige po Sir ingat kayo,ihahatid ko na po kayo sa labas!". Sabi ko at sinamahan ko s'yang lumabas.

"Rita thank you sa pagsama sa'kin kanina ah?". Pasasalamat na naman n'ya sa'kin.

"Wala 'yun at tsaka ginusto ko rin namang samahan kayo." Sabi ko naman.

"Thank you pa rin,'una na ako." Paalam n'ya at sumakay na s'ya sa kotse at minaneho n'ya ito palayo.Pumasok naman ako sa loob at naupo sa upuan,napabaling ang mukha ko sa binili ko,kinuha ko ito at pinagmasdan.Napangiti ako dahil naalala ko na naman si Sir Ken,nawala lang ang ngiti ko ng pansinin ako ni Isha.

"Anong nakakangiti sa dragon na 'yan?". Takang tanong n'ya.

"Ito?." Tanong ko sabay hinimas ang ulo ng laruan. "May naalala lang ako!". Nakangiting sinabi ko.

"Sa dragon? Ano namang maaalala d'yan?". Takang tanong na naman n'ya tsaka kumain ng chips.Hindi ko s'ya sinagot at ngumiti na lang ako.

——————————————————

Ken's Pov

        Alas-otso na ako ng umaga nang magising pero wala pa ang mga damit at towel na gagamitin ko.Nasaan si Rita? Don't tell me late s'ya? Napaka-iresponsable talaga n'yang babae,alam naman n'yang may trabaho s'ya at toka n'ya na asikasuhin ako ngayon pa s'ya wala! Wala akong choice kun'di kumilos mag-isa,sinubukan kong sumakay sa wheelchair pero nagsala ang aking pag-upo kaya ako'y napabulagta sa sahig,napasigaw naman ako sa sakit.

Once Cupido Hits Your Stone HeartWhere stories live. Discover now