Chapter 15

156 9 1
                                    

           Lumipas na ang linggo,hay salamat at makakapahtrabaho na ako kaso nga lang makikita ko na naman si ampalaya,nakita ko s'yang nakasaklay habang naglalakad papuntang swimming pool,naalala ko tuloy 'yung panaginip ko kahapon.

"Waggggggggggggggg". Pigil ko ng makita kong hahalikan ni Sir Angello si Sir Ken.

Shit naman oh!! Hindi naman ako makakaiwas kay Sir Ken kasi s'ya ang boss ko maliban na lang sana kung magresign na lang ako,pagkaupo ni Sir Ken sa tabi ng pool ay tsaka ko naman s'ya nilapitan.

"Good morning Sir?". Bati ko naman sa kan'ya.Parehas kaming naiilang sa isa't isa,dapat ako lang eh kasi ako ang nanaginip eh.

"Ba't ka nan'dito?". Tanong sa'kin ni Sir Ken pero 'di n'ya ako tinatapunan ng tingin.Naupo naman ako sa tabi n'ya.

"Aalagaan ka!". Napansin kong hawak n'ya ang ibinigay kong little dragon kaya napangiti ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?". Masungit na tanong n'ya.

"Sir Ken,nagustuhan n'yo ba ang gift ko sa in to?". Tanong ko naman.

"Ughhh." Himig n'ya na sagot sa'kin. "Sabi mo kamukha ko 'to,paano?".

"Eh Sir Ken kasi naman tingnan n'yo 'yung itsura n'yo sa itsura n'yan gan'yan na gan'yan ang itsura n'yo kapag nagagalit kayo,kapag nakasimangot kayo............." Tuloy tuloy kong sinabi kay Sir Ken,Napatigil na lang ako ng tiningnan n'ya ako ng masama. "Sorry."

"Thank you!". Sabi n'ya pero hindi n'ya ako tinitingnan.

"Wala 'yun Sir................ah Sir Ken may sasabihin ako sa inyo." Sasabihin ko na nga 'yung panaginip ko para wala na akong itinatago sa kan'ya.

"Meron din ako!". Sabi rin n'ya.

"Sir kasi may--------------------" Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang boses ni Sir Angello habang papalapit sa'min.

"Angello?!!". Gulat na pansin ni Sir Ken.

"Sir Angello?". Gulat din naman na pansin ko.

"Oh,bakit ba gulat na gulat kayo?". Tanong naman n'ya sa'min. "Never mind,but may sasabihin ako sa'yo Ken.........." Lumapit ai Sir Angello kay Sir Ken at inilapit ang labi n'ya sa tainga ni Sir Ken,napailag naman si Sir Ken.

"Teeeeeeeeeeeeeekaaaaaaaaaaa." Mahabang sinabi ni Sir Ken habang umaatras.

"Waggggggggggggggg". Sabi ko naman at napatingin sa'kin si Sir Angello.Tumayo na s'ya at puno ng pagtataka ang mukha n'ya.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa,ha?!" Takang tanong naman n'ya.

"Kasi............... Sir Angello............may..............ano.............." Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko ngayon eh,paano ko ba ipapaliwanag na guntik n'ya ng mahalikan si Sir Ken sa nakakatawang panaginip ko.

"Kasi Angello.........may sakit ako,may lagnat.........oo lagnat,baka lang kasi mahawa ka pa sa'kin,ang mabuti pa pumasok ka muna sa loob,susunod na lang ako." Utos naman ni Sir Ken kay Sir Angello.

"Okay.weird n'yong dalawa ah." Pumasok na si Sir Angello sa loob at nagkatinginan kami ni Sir Ken.

"Sir?". Bigla ko na lang nakita ang babaeng itsura ni Sir Ken kaya napakusot ako ng mata.

"Okay ka lang ba Rita?". Tanong naman n'ya.

"Oo Sir."

"Bakit mo pinigilan si Angello?".

"Eh bakit hindi Sir,Malay ko ba na halikan ka n'ya tulad ng nasa panaginip ko?" Sabi ko naman at napatigil ako.

"Ano?".

"Wala Sir.............."

"Napanaginip mo rin ba 'yun?". Taka naman n'yang tanong sa'kin.

"Ikaw rin Sir?". Gulat ko namang tanong sa kan'ya.Napatango na lang kami sa isa't isa. "Kaya pala naiilang ka sa'kin kanina at kay Sir Angello........" Nakita ko si Sir Ken na napatakip ng mukha. "Sir Ken Bakit?".

"Wala!". Sagot n'ya pero hindi n'ya ako tinitingnan.

"Nahihiya ka no?". Natatawa ko namang tanong.

"Hindi!".

"Ang ganda ganda mo kaya dun at tsaka ang sexy mo pa,talagang mainlove sa'yo si Sir Angello eh."

"Tumigil ka nga!". Masungit na sinabi n'ya. "Tulungan mo na lang ako pumasok sa loob.

       Inalalayan ko s'ya patayo pero na-out of balance kami kaya natumba s'ya sa gilid nh pool habang ako naman ay nasa ibabaw n'ya.

"Gustong gusto mo talaga na nasa ibabaw ko ah!". Mayabang n'yang sinabi.

"Ikaw nga ang may gusto,kasi lagi kang natutumba!".

"Baka gusto mong tumayo na at ako ay nahihirapan na buhatin ka sa ibabaw ko,ang bigat mo kaya!". Utos naman n'ya.

"Hmmmmmm........"

"Kapag hindi ka tumayo hahalika kita!". Panghahamon naman n'ya.

"Edi gawin mo,hindi mo naman kaya eh ka----------------". Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng angkinin n'ya ng walang pasabi ang labi ko,sandali lang naman 'yun pero hindi madaling kalimutan.

"Oh,Ayan nagawa ko na,pwede ka na bang tumayo?". Pagtatanong n'ya,nakuha pa n'yang magtanong ah.Tumayo ako,paalis  na sana ako ng tawagin n'ya ako.

"What about me?". Tanong n'ya.

"Tumayo kayo mag-isa n'yo." Sabi ko at iniwanan ko s'ya.

"Hey............ bouncer............tulungan mo ako!! Shit naman oh!!!" Napangiti na lang ako ng maalala na hinalikan ko s'ya.

Once Cupido Hits Your Stone HeartWhere stories live. Discover now