Chapter 7

64 12 6
                                    

"Anne..."

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng kaniya akong iwan.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako.

Hinalikan niya ako!!!

Hindi ko alam ang magiging reaction ko sa kanyang ginawa.

Sobra akong nagulat, sobra-sobra at hindi ko inaasahan gayong maaaring may  makakita ngunit hindi dahil mga abala sila.

Hindi ko alam ang aking gagawin. Ilang minuto na akong nakatayo dito sa aking pwesto habang hawak-hawak ko ang aking pisnge na kaniyang hinalikan.

Pakiramdam ko napaka pula kona.

Napakalaki ng naging epekto nito sa aking sistema. Halos hindi na ako makakabalik sa huwisyo kung hindi lang may tumili na isa. Si Angella na wari koy kaisa-isang nakakita sa nangyari dahil sinubaybayan niya ng tingin ang pinsan niya patungi sa akin.

"Kyahhhhhhhhh!!!!!! O. M. G!!!!!" sigaw niya habang nakahawak ang dalawang kamay sa pisnge at may nanlalaking mata na nakaawang ang bunganga.

"Totoo ba iyong aking nakita?!" dagdag niya pa.

Hindi ako makasagot. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Masyado akong nabigla. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring iyon.

"Sumagot kayo! Kyahhhh!" dagdag na tanong nito sabay tili ng malakas.

Pinagtitinginan na ng lahat si Angella. Marahil iniisip nila kung ano ang ikinasisigaw nito at siguro ang iba ay iniisip na baliw na siya.

Wala namang paki ang dalaga sa paligid niya sa halip ay mas nag usisa.

"Ano? Sagot?!" kinikilig pa ding sabi niya.

Wala akong takas sa kaniya dahil siya mismo ang nakakita. Ang kailangan na lamang ay manggaling sa isa sa aming dalawa.

Sasagutin ko na dapat siya ng katotohanan ng sumingit ang aming kaibigang si Ced.

"Anong nangyayari dito? At bakit ba tumitili ka diyan ha, Angella? " sa tanong na iyon ay nabalik ako sa aking huwisyo at  pinaglakihan ng mata si Angella.

Wag mong sasabihin kung hindi walang tigil na asaran nanaman ito!

"Huh? Anong nangyayari? Wala naman ah?" sagot nito kay Ced na mausisa kaming tinignan na dalawa at marahil sinusuri ang dahilan.

"Bakit ka kinikilig at tumitili diyan?" tanong nito kay Angella.

"Masama bang magsaya paminsan minsan?" mataray nitong sagot.

Bumalik nanaman siya sa pagkamataray niya!

"Konti pa iisipin ko na baliw kana"

"Bahala ka" sabay siring sa binata.

"So ano ngang dahilan at tumitili ka diyan na parang timang?" sabat na tanong ni Kyle na nakiusosiyo na at tumabi kay Ced.

Si Angella, Kyle, Ced pati nadin si Anne na akala mo'y walang ginawa ay nandito.

Nakatayo lamang siya na parang walang naganap. Natural lang kumbaga.

Pano niya iyon nagagawa gayong ako'y halos atakihin na sa gulat at kaba!

"So bakit ka nga sumisigaw, Angella?" ulit na tanong ni Kyle sa dalaga na ngayon ay nakakunot na ang noo sa harap ng kausap.

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now