Chapter 11

27 6 3
                                    

Ilang araw na matapos iyon mangyari ngunit andito pa din at nakatatatak sa aking isipan. Hindi ko malimutan at mas lalong lumalim ng malaman kong hinalikan ni Phillip si Anne sa pisnge ng hindi niya alam.

Gusto ko siyang bigwasan ngunit ako ay nagpipigil dahil kami ay magkakaibigan. At hindi rin dapat ako umakto ng ganoon dahil wala naman akong pinanghahawakan. Nararamdaman ko lamang.

Narito ako ngayon sa ilalim ng puno sa garden sa likod ng aming paaralan upang magliwaliw at magpahangin dahil lunch pa naman. Para na din kumalma ang isipan.

Nakita ko kanina kung paanong kinulit ni Phillip si Anne na pumayag na ilibre syang muli nito ng pananghalian ngunit hindi pumapayag ang dalaga.

Inis na inis ako kaya ako ay umalis. Ilang araw ko na din silang hindi kinakausap ng matino.

Sana lang hindi nila masyadong napapansin.

Ang palagi ko lang palusot sa tuwing mauuna ako ay may bibilhin o di kaya ay may babasahin sa library upang makapag advance study.

Sana ay pinaniwalaan nila kahit papaano lalo na ang dalawa kong matalik na kaibigan dahil kung hindi patay ako sa kanila sa aking kababawan.

Nakatingala ako sa puno habang nakahiga sa paanan nito na ang dalawang kamay ay pinagsalimuot upang gawing unan at nilalasap ang masarap na simoy ng hangin kasabay ng paggalaw ng mga dahon.

Tinaas ko ang aking dalawang kamay upang mas madama ang agos ng hangin kaya sa ugat na ng kahoy na aking ulo nakapatong.

"Ang sarap" bulong ko habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa aking harapan.

Sana palagi nalang ganito ang aking pakiramdam. Maaliwalas at hindi yung parang may bagyo sa kadiliman. Maluwag hindi yung parang sinasakal na ako.

Nag isip pa ako ng mga bagay-bagay na maari kong pag ubusan ng nalalabing oras.

Kung saan-saan napadpad ang aking isipan kaya hindi ko na namalayan na may umupo sa tabi ko.

"Hanggang kailan mo iiwasan?" sabi ng tumabi sa akin na si Ceddie.

"Iiwasan ang alin, Ced?" pagkukunwari ko rito habang paupo. Alam kong hindi bebenta sa kanya ang aking pagpapanggap pero mas mabuting subukan kesa sa hindi.

"Talaga lang ah" sabi niya sabay lapag ng mga pagkain sa aming harapan.

"Dinalhan na kita ng pagkain at baka mamayat ka baka kami pa pagalitan ni Tita niyan" dagdag nito.

Sa paglagi ko dito ay nakalimutan ko ng mananghalian. Mabuti na lamang at dumating si Ceddie kung hindi baka nalipasan na ako ng gutom.

"Salamat, bro" pagpapasalamat ko rito sabay dampot ng tubig na dala nito. Pag kainom ay saka dumampot ng tinapay na mamon at lamon dito.

Hindi ko na namalayan na gutom na gutom ako kaya pala ganon na lamang kasarap ang paghiga ko kanina.

"Dahan-dahan lang baka mabulunan ka abutin kapa dito. Iiwanan talaga kita dahil hindi ako ang dadagok sa likod mo kapag nabulunan ka" sabi niya habang kumakain ng sitsirya na kaniyang dala.

Wengya! Kahit kailan talaga. Saka dagok? sira ba sya?

Hindi ko na lamang siya pinansin at nagpatuloy sa aking pagkain.

"So hanggang kailan mo nga sila iiwasan?" sira niya sa katahimikan.

Akala ko nalimutan na niya!

Just a Friend (On-Going)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن