CHAPTER 12

57 4 0
                                    

CHAPTER 12

***

Pagbaba ko sa sasakyan ni Myra dumiretso na ako sa rooftop

Para bang hindi ako makahinga..

Para akong kandilang nauupos

All this time..

Ganon yung iniisip niya sakin?

Ganon na ba ako kalandi sa mga mata niya na papatol ako sa may asawa?

Malinaw naman nuon na hindi ko na mahal si Hubert alam niya yon pero..

Ganito na ba talaga ako kasamang tao para mangyare sakin ang lahat ng to?"

dahan dahan akong lumakad hanggang sa makarating ako sa pinaka dulo

Ramdam ko ang hangin na sumusuot sabuong kalamnan ko

Mula dito kitang kita ko kung gaano kaganda ang mundo mula sa taas

Ang mga ibat ibang ilaw na nagmumula sa mga gusali

Ang maitim na langit kasama ang bituin at makinang na buwan

"Ganito din yung nakikita ko sa paboritong lugar ni Ken"

Tumungtong ako pataas at matapang na tumayo

Tumingin ako sa baba at kita ko mula dito ang mga gumagalaw na sasakyan para akong higante sa liit ng mga ito

Mararamdaman ko pa ba ang sakit na to kung tatalon na ako?

Matatapos na ba lahat?

Makakasama ko na siguro si Jaymaine at ang mama niya

Mas masaya siguro kung nasa taas na lang ako at pinagmamasdan ang ikot ng mundo

walang nararamdaman at di na masasaktan..

Masyado na akong madaming pinagdaanan at bahagya ng lumalaban

Akala ko ito yung bagong simula na sinasabi ng lahat..

Pero bakit parang wala namang nagbago..

Sa una lang masaya ..

Sa una lang okay ang lahat

At sa huli dito din pala ako babagsak

Yung cycle ng buhay ko paulet ulet na lang nakakasawa na

Isang hakbang na lang at matatapos na ang lahat..

Hindi ko na kinaya ang sakit kaya sumigaw ako sobrang lakas





"Ayyst kainis naman naunahan ako"

nagitla ako kaya napatingin ako sa gilid

"who are you?"takang tanong ko sa lalaking nagsalita

"just random guy, balak ko din sanang tumalon kaso naunahan mo ko sa spot ko"

"w-what?"

"Pano ka naging doctor kung bingi ka?"iritadong sabi niya sakin at umakyat din at tumayo sa may gilid ko

"careful!"sigaw ko kasi parang naoout of balance siya"

"hahahhaha"biglang tawa niya

"Why are you laughing?"tanong ko

"nothing so ano tatalon ka pa? kasi kung hindi mauuna na ako sayo ah"sabi niya at inangat ang kanang paa

"hah? TEKA"sigaw ko at hinawakan siya

"baliw kana ba? bakit ka tatalon?"sita ko sa kanya

"Para mawala na yung sakit"casual na sagot niya

THROUGH THE TIME (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon