CHAPTER 15

91 4 0
                                    

AUTHOR'S NOTE
Malapit ng magtapos ang through the time, masaya ako dahil may nakakaappreciate na mag basa ng story ko
Thank you talaga sainyo.

---

CHAPTER 15

"I-is that h-him?"tanong ko at binalik na sa kanya ang phone niya

Hindi ko akalain na kaya niyang gawin yun. Baliw na ba siya? bakit kailangan pa niyang sabihin sa mundo

"Ikaw naman kasi bakit d a nagbbye sa kanya, ayan tuloy ginamit na niya ang pagiging sikat niya para mahanap ka lang.. infairness ang sweet niya sa part na yon"sabi ni Myra at sinimulan uket iplay yung video

It was Ken's interview, he said that he's looking for his girlfriend which is me?

'At first, it was not serious.. I mean me with her kasi madami kaming problema siya na may issue sa ex fiancee niya at sa bestfriend niya tapos ako na hirap makamove on sa dating minahal.. kaya siguro nag come up kami sa ganong plano.
hindi naman namin inakala na magtatagal ng ganon basta we hang together and realized that we like the company of eachother drinking buddy and then naging friends. We became close friends to the point na hindi ko akalain na maiinlove ako sa kanya ksi ang alam ko lang dati
tutulungan ko siya makamove habang ako nagmmove on din.. but in a process..' tumigil siya

'I want to stop our fake relationship, kasi alam ko na mali tayo nagsimula..But I'm scared.. scared to be rejected na marinig ko mismo sayo na mahal mo pa siya'

'Pero sana pala sinabi ko na lang agad lahat sayo, para d tayo umabot sa ganito.'

'Mas lalo lang ako nahirapan nung pumutok na ang balita about our fake relationship, Tapos nasaktan ka pa.. ang sabi mo sakin galit ka sa sarili mo kasi ikaw yung sumira sa image ko, sa image na matagal kong binuo..'

'Pero hindi mo alam ikaw talaga ang kumupleto sa imahe na sinasabi mo.. I'm not complete without you, without my Bethsaida Salutillo beside me'

'Kaya nandito ako at nanawagan sainyong lahat kung sino man po ang nakakita sa nag iisang babae sa buhay ko you can please contact me I badly miss her,

'I'm sorry Betty, kasi sabi mo you need space pero d ko akalain na mawawala ka na lang ng walang pasabi na yun na pala yung hiling kita ko sayo..'

'I really miss you baby..'sabi niya kaya rinig na rinig sa background ang iritan ng mga tao na nanunuod

---

"That was 1 hr ago pero million views na agad besh, grabe ang sweet naman kasi ni Papa Ken may ganyan pala talaga syang side.. yung tipong magpapakabaliw para sa Baby niya ayyieeee"

hindi ako makapag salita .. I was like damn.. ginawa niya talaga yon? I can't believe it

"Is that really Ken?"tanong ko

"Oo besh.. anong pinakain mo don at binaliw mo naman ng sobra? parang gusto ko din ng ganon para samin ni Ethan"

"Ano babalik na ba tayo ng manila?"

"No, naguguluhan pa din ako"sabi ko sa kanya

"we know na madaming consequences ang ginawa niya pero.. d siya nagdalawang isip at ginawa pa din niya para sayo.. tapos ayaw mo pa din siya puntahan?"

"Natatakot pa din kasi ako, hindi ko alam ewan ko ba"

"Pero gagawa at gagawa pa din un ng paraan para mahanap ka at sana okay kana sa panahon na yon"sabi niya at umalis sa counter para salubungin yung customer

Pano ba natin malalalaman  na okay kana?

na handa kanang sumugal ulet?

Alam ko naman na kapag nagmahal ka hindi maiiwasan yung sakit kasi parte na yun ng buhay, pero yung doubt at trust yun ang kinatatakutan ko

THROUGH THE TIME (completed)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz