CHAPTER 9

77 7 0
                                    

Chapter 9

**--**

TO START

Kawawa naman si Ken at inabala ko pa talaga, napagod siguro sa kakabantay sakin

Pinagmasdan ko siya.. kahit side view ang gwapo niya talaga

Nag uumapaw na nga ang  appeal tapos ang gwapo pa.. hay Ken bakit ka single?

Aayusin ko sana ung bangs niya kaso nagulat ako ng bigla siyang nagsalita "do you want it?"

Sa gulat ko nauntog tuloy ako sa headbord ng kama ko

"hahaha.. sorry"sabi ni Ken at bumangon na inayos niya yung magulo niyang buhok

"Okay lang mas masakit pa din ung ginawa nila sakin"

Kahit pag aayos ang gwapo pa din.. kainis sana sa kanya na lang ako nainlove

"Are you okay?"tanong niya

tumango ako "medyo masakit lang ang mga mata ko"

"puffy eyes"sabi niya at pinindot ang ilong ko

"hoyy ang sakit ah"

"Bangon na.. kumain ka muna"sabi niya

"ayoko ikaw na lang"sagot ko at nahiga ulet

"heyy"pangungulit niya sakin

"hindi pwedeng d kakakain, d ka na nga kumain kahapon"

"wala akong gana"sagot ko

"edi hindi na din ako kakain.. uwe na ako"sabi niya at tumayo na

"Uy kumain ka muna bago umalis.. naabala na nga kita ng sobra"

"ayoko"sagot niya

"baket?"

"wala akong gana"panggagaya niya sa sinabi ko kanina

"nakakainis ka"sabi ko at tiningnan siya ng masama

"Bumangon kana kasi at kumain na tayo, hindi magandang magmukomok ka lang"

"Mahirap kasi.."malungkot na sagot ko

"oo alam ko napagdaanan ko na yan"

"H-how can you manage?"

"gusto mo malaman?"

"Oo"

"bumangon ka muna"

"ha? anong connect?"

"mamaya ko sasabihin bumangon kana diyan at kumain"

"ang daya mo"

"hindi ah.. ang tawag dito strategy.. intayin kita sa baba cge ka hindi ko sasabihin sayo"

"tss"sabi ko at bumangon na para maligo

Naisahan ako don.

---

"Ang tagal mo.. akala ko uuwe na ako"bati niya agad pagkakita sakin

Hindi ako sumagot at naghila na lang ng upuan

"umiyak ka na naman"sabi niya

"hindi no"

"hindi yun tanong.. statement yon"sabi niya

"tss"

"oh kain na"

"sasabihin mo ba talaga? baka naman iisahan mo na naman ako"

"I'll tell"

"you sure?"

"yes. promise"

"simulan mo na"

THROUGH THE TIME (completed)Where stories live. Discover now