NAULIT NA KASAYSAYAN

55 1 0
                                    

Sakto namang may bente minutos pa kaming naiwan sa klase. Pakiwari'y iba ang laman ng isipan ng aming guro ngayon.

"Guro, may problema po bang bumabagabag sa iyong isipan?" Putol ko sa kanyang malalim na pag-iisip.

"Pasensya na." Tumingin siya sa kanyang relos at bumalik ang tanaw sa amin lahat.

Isa sa pinaka misteryosang babae ang guro namin sa Kasaysayan na si Bb. Cortez. Hindi siya malimit mag kwento ng kanyang sarili kaya Bb. ang tawag namin sa kanya. Hindi rin namin alam kung may asawa't anak ba siya o hindi. Ni iniiba niya ang diskusyon kung sa personal na buhay ang pinag- uusapan. Ngunit, ako ang  kanyang pinupunta at inaasahan palagi. Kaya ang mga grado ko sa kanya ay sobrang taas. Magaan ang kanyang damdamin pag magkausap siya sa akin. Ngayon, parang umiba ang ihip ng hangin.

"Kayo ba'y buong puso'y makikinig sa aking sasabihin?"

"Isang kwento parin ba yan ni Rizal? Nakakabagot na po." Sigaw ng nakakayamot na mukha ng aking kaibigan.

"Hindi." Ngumiti siya sa amin. "Kung mamalapatin niyo'y ito'y kwento ng personal na buhay ko. Hindi ako pumipilit kung ayaw niyo makinig—"

"Hindi po guro! Gusto po namin lahat." Ang mga mata'y naging mata ng isang agila at tengang naging sing talas ng paniki. Lahat kami ay umayos sa pagtindig.

"Maraming salamat. Sa inyo ko lang ito nabanggit. Pero ako sana'y humingi ng—"

"Ng ano po guro?" Tugon ko.

"Ng pangako ninyo, mga estudyante. Sa inyo at inyo ko lang ito sasabihin, at wala nang iba pa. Kaya pinapangako niyo bang walang ibang makaka-alam nito maliban sa inyo?"

"Pangako po." Banggit namin lahat.

Umupo siya sa lamesa at humarap sa amin. Inisa isa niyang tiningnan kami kung lahat ba ay interesado sa kanya.

"Bata pa lang ako noon. Nasa pitong taong gulang. Bago kaming salta sa isang mahirap mahanap na baryo. Isang liblib. May isang naging matalik ko na kaibigan. Si Elliot."

"Elliot? Kapangalan siya ng Lolo ko." Napatawa ako.

"Kasing-edad kami noong una kaming nagkakilala. Araw- araw kaming sumasabay sa pagpasok sa eskwela. Hindi siya parehas na eskwela ngayon. Kundi nasa lulok kami ng kalsada at simula alas nwebe ng umaga hanggang alas diyes ang aming klase. Ang mga pari ang nagtuturo sa amin. Pagkatapos ng klase. Sabay kaming pupunta sa bandang dulo ng bundok sa may puno ng langka. Umu-uwi kami ng alas dos ng hapon pababa at kapag alas kwatro na, sabay kaming naglalaro sa palayan. Naalala ko pa noong may kalabaw ang itay ko. Araw araw niya akong kinakarga para maka sakay sa kalabaw pauwi ng aming bahay. Ni minsang hindi nagalit ang itay ko sa pagsakay."

Tumigil na siya sa pagsasalita. Parang kinakapos na siya ng sasabihin.

"Maaari niyo pa pong ituloy guro, may diyes minutos pa pong naiiwan." Banggit ng kaklase ko.

"Sige. Ilang minuto nalang noon ay sasapit na ang bagong taon. Pareho kaming nasa labas ng bahay kasama ang aming pamilya. Naalala ko pa noong dahan dahang hinawakan ni Elliot ang aking mga kamay. Yon ang pinakamagandang nangyari sa tanang buhay ko. Hinding- hindi ko iyon makakalimutan. Tanda ko pa noong pumikit ako upang namnamin ang pangyayari, ngunit—" huminga siya ng malalim. "Pasensya na. Wala nang oras."

"Pakiusap po guro. Tapusin niyo na." Bumabagabag na sa amin ang nangyari sa kanya. Hindi namin kayang maiwan na lang doon ang kwento.

"Ngunit, sa pagdilat ko ng aking mga mata, ibang tao na aking nakita. Ibang tao na ang lugar, ibang pangyayari na at kasuotan. Oo, pitong taon parin ako noong nangyari iyon. Inisip ko na Isa lamang iyong panaginip. Ngunit hindi ko kayang magising. Pumalagi ako sa ibang taon hanggang naging guro ako. Oo, ang taong iyon ay ngayon." Tinutukan niya ako. Alam kong hindi na niya kayang pigilan ang kanyang mga luha.

"Naging guro na ako at ngayon, nakapag turo na ako, sa inyo. Nakalimutan ko na rin ang lalaking nagpapatibok ng puso noong pitong taon pa ako. Ngunit, bumalik ang nakaraan."

"Isang minuto nalang guro." Sigaw ng kaklase ko. "Ipagpatuloy niyo pa po."

"Bumalik lahat ng dahil sa isa ninyong kaklase."

Naging manghang mangha kami sa aming nadinig. Nauutal utal kami lahat. Sino kaya iyon? Bulong ko sa aking sarili. Dalawang segundo nalang at tutunog na ang kampana; hudyat na tapos na ang klase. Ngunit di pa tapos ang kwento ng aming guro.

"Sino iyon ma'am?" Tanong ko. Kundi, isang tanong rin ang aking nakuha.

"Elias," tumingin siya sa akin. "May kakilala ka bang ang pangalan ay Elliot?"

"Opo, guro. Ang Lolo ko ay si Elliot." Isang malakas na batingaw ang aming narinig, hudyat na tapos na ang klase. Ngunit hindi parin kami tumatayo lahat. "Bakit po guro?"

"Kamukhang- kamukha mo ang nagpapatibok ng aking puso, mula noon hanggang ngayon." 

- WAKAS

The Tales of my Bleeding Pen Where stories live. Discover now