Binasa niya na naman ang isip ko, tss.

Naglakad na ako palapit kila Ishmael pero hindi ako nagpakita. Masyadong manipis ang mukha ko para harapin siya.

Maraming nagpapa-picture sa kaniya at kita talaga sa mukha niya ang saya at satisfaction. He truly deserves the first place. Hindi sa pagiging bias pero siya talaga ang pinakamagaling sa lahat ng nag-perform. His moves were all well-executed compare to the other contestants. I couldn't help but feel proud. Feeling ko ay maiiyak na rin ako.

I heaved a deep sigh and smiled weakly.

"I want to congratulate him... but how?" Nanlulumo kong bulong sa sarili.

"Tell it to your ex-mommy." Muli ko na namang narinig ang boses ni Asher sa likod ko.

"You know how to tease, huh?"

"I know how to roast too."

Inis ko siyang sinuntok sa dibdib. Kaya nga siya ang sinama ko rito kasi akala ko, hindi niya ako aasarin kay Ishmael. Bwisit.

"Caid? Asher?" Sabay kaming napalingon nang marinig ang boses ni Tita Ice.

Pakshet talaga.

"Hello po... Tita." Nahihiya kong bati with matching kaway pa. Hindi ko mapigilang ma-awkward-an dahil 'mommy' ang tawag ko sa kaniya dati-three years ago.

Alam kong matagal na pero hindi naman kasi naghihiwalay ang mga landas namin sa isa't isa. Hindi ko rin mapigilang manghinayang. Dalawang beses na akong nawalan ng ina. Dumodoble 'yung sakit na hinihintay ko na lang mamanhid.

"Did you watch Ishmael's performance?" She asked.

"Caidence wants to support your son, Tita. Nagpasama pa siya sa 'kin." Panlalaglag sa akin ni Asher. Mas lalo akong napayuko dahil sa kahihiyan.

Mamaya ka sa akin pag-uwi, Killian Asher Helix!

"Really? That was... so sweet." Nag-angat ako ng tingin at napansing kakaiba ang ngiti ni Tita. Umabot na tuloy sa sukdulan ang kahihiyan ko ngayong araw.

"Yeah, she's sweet." Gatong pa ni Asher.

"I... I'm sweet?" Takha kong tanong. Hindi ko sila maintindihan! Anong sweet? Sinong sweet? Bakit sweet?

Narinig kong tumawa si Tita atsaka ako hinawakan sa magkabilang balikat.

"Come with us. We're going to celebrate." Then she winked at me.

"Po? Ano po kasi..." Gusto kong tumanggi pero may part ding gusto kong sumama.

Kainis naman. Bakit ba ang hirap turuan ng puso? Feeling ko tuloy ang tanga-tanga ko.

"What? Don't tell me nahihiya ka." Tita Ice pinched my cheeks lightly.

"Yes, she is." Siniko ko si Asher nang sumabat na naman siya.

Nakakailan ka na sa 'kin! Tignan mo lang talaga mamaya pag-uwi.

Saglit na nagbago ang kulay ng mga mata niya nang magkatinginan kami. Ngumisi lang siya nang mabasa ang iniisip ko.

"Baka po kasi... ayaw akong makita ni... Ishmael." I bit my lower lip as I stuttered.

"Huh? Bakit mo naman naisip 'yan? Let's go na." Bigla niya na lang akong hinila papunta sa crowd kaya halos sumabog ang dibdib ko sa kaba.

Nagsitabihan naman ang ibang mga babae at tinaasan pa ako ng kilay. Napapikit na lamang ako sa hiya.

"Who's that?"
"That's Ishmael's mother."
"Bakit kasama niya ang mommy ni Ishmael?"
"Omg! Sumisipsip ba siya?"

Agad akong napadilat nang marinig ang mga boses nila sa isip ko. Mga boses na mapanghusga at walang ibang ginawa kundi mag-isip ng masama sa kapwa.

"Let me take you a picture!"

Nanlaki ang mga mata ko nang itulak ako ni Tita papunta sa tabi ni Ishmael. Dumistansiya naman agad ako nang magdikit ng isang segundo ang mga braso namin.

"What are you doing here?" Malamig niyang bulong.

"I... supported Carlo, the candidate number five from Cebu-" Hindi ko na natapos ang pagsisinungaling ko nang magsalita ulit si Tita Ice.

"Closer, bilis!" Binigyan niya pa ako ng mapanuyang tingin.

Grabe, number one shipper talaga siya ng love team namin!

Kaso iyong love team na 'yon ay three years ago nang namaalam. Namaalam nang walang sinasabing dahilan.

Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin alam kung bakit.

Kung bakit bigla siyang napagod.

Kung bakit bigla siyang nagsawa.

Kung bakit bigla siyang nagbago.

Ang daming tanong sa isip ko na hanggang ngayon ay walang makapagbigay ng sagot.

Nakakapagod ba ako kasama?

Nakakasawa ba ako kausap?

Masama ba akong girlfriend para magbago siya?

Gusto ko na naman tuloy umiyak dahil hindi ko malaman kung saan ba ako nagkulang o kung may kulang ba talaga sa akin.

I trusted him at alam kong wala siyang ibang babae... pero kahit na gano'n, ang gulo pa rin. Gusto ko siyang tanungin, ilang beses kong sinubukang itanong pero natatakot akong baka pagsisihan ko lang sa dulo. Baka mas lalo lang akong masaktan.

But here I am, sinusuportahan ko pa rin siya sa kahit saang contest. Mapa-international o national, lagi akong nasa likod... nanonood at nagdarasal.

Kung pwede lang sana na maibalik ang dati...

Kung pwede lang sanang kami na lang ulit...

Hindi ko na sana siya hinayaang umalis at talikuran ako...

Hindi sana ako nagpalamon sa emosyon ko...

Dapat hindi na lang ako sumama sa camping na 'yon...

"Step closer." Ishmael suddenly demanded.

"H-Huh?"

"Tss."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong higitin sa bewang at hilain palapit sa kaniya.

"His name is Carlos, contestant number 6 from Davao." Aniya habang nasa harap ang paningin.

"W-What?" He just caught me lying!

"Okay! 1, 2, 3, smile!" And then a camera flashed on us.

//.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now