18: HALLUCINATION

118 10 0
                                    

Caidence's POV

"We're here." Ishmael snapped me out of my reverie.

Napatingin agad ako sa labas ng kotse atsaka ko lang napagtanto na nandito na kami sa tapat ng bahay.

"Do you want me to open the door for you?" He asked again, just like what he did last night.

"No need... Thank you." Binuksan ko na ang pinto at lumabas. "Ingat ka, bye—"

"Caidence..."

"H-Ha?"

"Nothing."

"Oh... Okay, I'll go now." Nang maisara ko na ang pinto ay saka lamang ako nakahinga nang maluwag. Pumasok na agad ako sa loob at hindi na siya hinintay pang makaalis. Mahirap na at baka nasa paligid lang ulit ang killer. Mas safe kung nasa loob lang ako ng bahay.

As usual, wala pa si Dad. Nasa company pa siya kapag ganitong oras. Nakita ko rin siya kagabi na maraming ginagawang paper works. Baka may mga bagong investments, not sure. Hindi naman kasi siya nagkukwento ng tungkol sa kumpanya kapag magkasama kaming dalawa. Siguro para hindi ako masyadong ma-pressure? Wala nang ibang magmamana ng family business namin kundi ako... instead of Kuya Chance.

Imbes na umakyat sa kwarto ay dumiretso ako sa basement—or should I say, to my own archery room.

Binuksan ko ang lahat ng ilaw dahilan para makita ko ang buong paligid. Nilapag ko sa mesa ang bag at phone ko pagkatapos ay kinuha ko iyong pinakamahal kong pana. This is an Elite Kure, it has a perfect draw cycle that is elite, obviously. I lied at Eagan last time, hindi naman milyon ang isang 'to but this is the most expensive bow I have and I don't want anyone to touch this except me. Hindi ako nagdadamot. I simply adore this bow more than the others I own.

Kumuha rin ako ng palasong kulay itim. Metal iyon at may masasabi talaga ang timbang. I positioned myself and released the arrow. It hits the center point in an instant. 

I heaved a deep sigh.

The killer... Heather's brother... where is he right now? Sinusundan niya ba ang mga kaibigan ko ngayon... o nasa labas lang siya ng bahay at nagmamasid?

Pumikit ako at umiling nang makailang ulit. Kumuha muli ako ng palaso atsaka iyon pinosisyon. Iniisip kong iyong killer ang nasa dulo ng kwarto. I aimed for his forehead and his heart but I failed.

Hindi ko nagawa dahil nahawakan niya ang palaso ko. Napaatras ako nang magsimula siyang maglakad palapit sa akin.

Sinigawan ko siyang lumayo pero mas lalo akong natakot nang hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Kumuha ulit ako ng palaso atsaka siya pinatamaan. Nanlaki ang mga mata ko nang mahuli niya iyon just by using his one hand.

He suddenly smiled at me. Sa isang iglap ay nakita ko na lang na pabulusok sa direksyon ko ang palasong hinuli niya kanina.

Akala ko sa akin na tumama pero nakaramdam ako ng malamig na hanging dumaan sa tenga ko. Napalingon ako para sundan iyon ng tingin and there I saw him... Ishmael.

The arrow hits his chest...

Blood... there's so many blood.

"NO!" I screamed and then everything went black.

***

"Nasaan ang Kuya Chance mo?" Tanong sa akin ni Siam.

"Nagbakasyon sa pacific ocean kasama sina Clayton at Mommy." Nakanguso ko namang sagot.

"Ha? Bakit hindi ka sinama?" Takhang tanong naman ni Avia.

Extraordinary Sixth Sense |Completed|Where stories live. Discover now