Epilogue

36 16 0
                                    

Gaian did what he said to me that day. He really never stopped pursuing me. Lahat ginawa niya. And it seem Mama like him, she's in favor with Gaian.

I just wonder if Mama also knew about Gaian's personality. He was different from us.

"Mama, saan mo po nakilala si Gaian?" kuryoso kong tanong. Ramdam ko kasi ang lapit ng koneksyon nilang dalawa.

Napabuntong-hininga siya bago ako sinagot.

"Hindi mo talaga alam?" aniya habang hinarap ako at inaayos ang mga nakatakas na hibla ng aking buhok. "Isa siya sa mga manliligaw mo noon pa man. Lubos lang ang paghanga ko sa batang iyan, Dayday, dahil siya lamang ang nakita kong mabait."

Napatango ako bilang pagsang-ayon.

"Akalain mo iyon siya ang kauna-unahang lalakeng nagpunta rito sa atin para manligaw sa iyo at siya lang rin ang hindi pa sumuko magpahanggang ngayon," pagpatuloy ni Mama.

Nakangiti kong tinanaw si Gaian habang pawis na pawis na nagiigib ng tubig. Araw-araw na niya iyang ginagawa pero hindi ko nakita sa mata niya ang pagod.

"Iho, halika ka muna dito. Magpahinga ka muna," alok ni Mama ng inilatag niya na sa kusina ang mga dala niya.

He looked at me but I avoided his glance. Alam kong nagdadalawang-isip siya kung lalapit.

"Dito ka, magluluto lang ako ng meryenda natin!" Tumayo si Mama at ibinigay ang kanyang inuupuan kay Gaian. Umalis siya na para bang natural lang sa kanya iyon. Naiwan kaming dalawang tahimik sa ilalim ng puno ng mangga.

There was an awkward moment between us. I reminisce those night when he heave me. Dito yun.

"Alam kung magkaiba ang pagkatao nating dalawa, Dayday," pagpuputol niya sa namayaning katahimikan sa pagitan naming dalawa. "Pero kaya kung kalimutan kung ano ako at ang pagiging mataas ko sa lahat ng mga kasapi ko basta makasama ka lang sa habang-buhay."

Lumingon ako sa kanya. He was serious after all kaya napanatag ang loob ko. Napangiti ako.

Pagkatapos ng meryenda. Napagpasyahan muna niyang umuwi sa kanila. Napaisip lang ako kung bakit hindi na niya isinasama si Daza. Kinabukasan, natural lamang ang takbo ng aming pangaraw-araw na pamumuhay. Ngunit ang ipinagtataka ko lamang ay hindi sumipot si Gaian gaya ng kanyang ginagawa natapos na lamang ang hapon.

Sumuko na ba siya? I let a deep breath. Nakapanlumbaba ang dalawa kong balikat habang bumabalik sa aking silid pagkatapos naming kumain. Tila'y nawala ang sigla ko.

Hinapit ko ang aking palda bago umupo sa dulo ng aking kama. Nanatili akong tulala sa ganoong posisyon sa mahigit limang minuto ngunit tumayo rin ako kalaunan para humiga na ng maayos sa aking kama. The sounds of the crickets was all I've heard at ito ay nakakabingi.

Malalim na ang gabi ngunit hindi parin ako dinadalaw ng antok. Nagpagulong-gulong na ako sa aking kama ngunit wala paring nangyari. Agad akong naalarma ng makarinig ako ng kaluskos ng gitara sa ibaba ng bahay namin. Ito ay gawa lamang sa mga kahoy kaya rinig na rinig ko talaga iyon.

Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis kong binuksan ang aming bintana at tinanaw iyon. Lumundag ang aking puso ng makita ang lalakeng kanina ko pa hinahanap. Isang matamis na ngiti ang kanyang iginawad sa akin ng magtagpo ang aming mga mata. Naalala ko tuloy ang huli niyang sinabi bago umalis ng bahay kahapon.

"Kaya kong gawin ang maprosesong ginagawa ng normal na tao para lang marinig ko ang matamis mong 'Oo',"

Ito na yata ang kahulugan sa kanyang mga isinambit kahapon. Hindi ko mapigilang mamula. Hindi lang pala mukha ang panlaban niya, kay ganda rin pala ng kanyang boses.

"Wala naman sigurong hindi nagagawa ang lalakeng ito." sambit ko sa aking isipan.

Tanging ang kanyang magandang tinig ang namayani sa kalaliman ng gabi. Bumaba ako para pagbuksan siya ng pinto. Baka madapuan pa siya ng lamig. Nag-iisa lamang ulit siya.

"Pumasok ka muna," nakangiti niya akong tiningnan habang bitbit ang kanyang gitara. Tumingala ako ng marinig ko ang mahinang halinghing ni Mama. Nakapulupot ang kanyang kamay sa braso ni Papa habang kilig na kilig niya kaming pinagmamasdan.

Pinagtimplahan ko siya ng kape.

"Hayaan na natin silang dalawa," rinig kong pasya ni Papa. Naramdaman ko ang kanilang mga yapak sa taas na patungo na sa kanilang silid.

"Iyan ba ang rason kung bakit hindi ka sumulpot kanina?" nahihiya kong tanong.

He scratched his nape shyly at tumango. "Oo, kaso parang hindi mo yata nagustuhan."

"Hindi naman sa ganun. Nabigla lang kasi ako pero hindi ko naman sinasabing hindi ko nagustuhan," puna ko. Pansin ko ang pagliwanag ng kanyang mukha.

I noticed his smile while sipping on the cup. He looks cute like I want to pinch his cheeks.

Weeks have passed he's still the same, nothing change of how eager he is to hear my answer. Walang araw na hindi siya pumarito sa amin para manligaw. Lahat ng mga gawaing bahay mapanlalake man o babae ay halos inako na niya.

"Hindi mo na kailangan pang kalimutan at talikuran kung ano ang pagkatao mo. Dahil walang balakid sa taong nagmamahalan." Marahan kong hinaplos ang kanyang maamong mukha. "Mahal rin kita, Gaian."

"Tanggap ko kung ano ka. Ramdam ko, Oo, noong una pa lang na dinala mo ako roon, na may kakaiba talaga sa inyo," napangiti ako. "Pero hinayaan ko lang ang sarili kong mahulog sa iyo dahil kahit sino man ay hindi ito kayang pigilan kapag tumibok na."

Itinuro ko ang aking kanang dibdib kung saan ang aking puso.

"Nakita ko na sa iyo ang hinahanap ko sa isang lalake." nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga. "Kaya sa araw na ito. Sinasagot na kita, Gaian!"

Isang mahigpit na yakap ang ibinigay niya sa akin. He gave me a sweet peck on my forehead. Hindi niya man sinabi pero ramdam ko ang lubos niyang saya kaya napangiti ako.

Naganap ang kasalan sa simbahan. The wedding was just a normal one, hindi ito masyadong magara at bilang lang din ang mga inimbita.

"Mahal na mahal kita!" Mula sa puso niyang saad bago naglapat ang aming labi. We exchanges our hot kisses that night.

He who heave me into the dark was the one I've never imagined to be my love for the rest of my life.

THE END

He Who Heave Me Into The Dark (Novelette) - (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora