"Sure! Payag ka naman, right? Grandis?" excited na sambit ni Jaz.

"Oo naman, mas prefer ko rin naman diyan sa upuan mo since mas malapit sa board." tinignan ko naman nang masama si Liam at nagtaas naman siya ng kilay.

Bakas sa mukha ni Jaz ang tuwa dahil katabi niya ang crush niya. Sino ba namang Hindi matutuwa kung makakatabi mo ang crush mo, hindi ba? Hindi lang ako makapaniwala na crush niya itong lalaking ito.

Naglakad na ako pauwi. Nakita ko pa ang sasakyan ni Liam pero hindi ko yon pinansin pa, nagpatuloy ako sa paglalakad pauwi.

Kumatok ako nang nakarating na ako sa amin. Matagal pa bago magbukas ng pinto si Mama.

"Pasensya ka na, natagalan ako dahil nagluluto ako ng ulam natin." saad ni Mama pagkabukas ng pinto.

"Okay lang po Ma." sagot ko naman. Naaamoy ko na ang niluluto niya at natatakam na talaga ako. Masarap talagang magluto si Mama, likas talaga sa pamilya namin ang magaling magluto.

"May tanong ako." biglang saad ni Mama.

"Ano yon, Ma?" takang tanong ko.

" Naisip ko lang, gusto mo ba ng cellphone?" tanong sa akin ni Mama.

"Ma, aanuhin ko naman yun? Hindi ko yun kailangan. Ipunin niyo na lang po."

"Pero Grandis, highschool ka na. At nag apply ako kila Cong bilang katulong. Kailangan natin ng komunikasyon." ani Mama.

"Kila Cong po?"

"Oo, naghanap sila ng katulong. Salamat sa Diyos at nakapasok ako." saad ni Mama habang tinitikman ang bagong lutong afritada.

"May pera po ba kayo pangbili ng phone?" tanong ko.

"Meron, binigyan ako ni Mrs. Cong ng pera." malumanay na sabi nya.

"Pero, mabait ba ang ugali ng mga Cong?" tanong ko.

"Mabait sila, binigyan pa tayo ng pera." ani Mama.

"Oh, sige po. Kayo po ang bahala. Support lang po ako sa inyo." ngumiti ako. Masaya ako para kay Mama dahil matagal na niyang gustong magtrabaho.

"Ikaw na ang bumili, pumunta ka ng mall ngayon. Bukas na kasi ang start ng trabaho ko." utos naman ni Mama.

"Sige po." sagot ko.

Nagbihis muna ko. Nakasuot ako ng floral yellow dress at white flat shoes. Maraming tao sa mall, nakakahiya naman kung magmumukha akong pulubi.

Nag-ayos na ko at umalis. Naglakad ako papuntang mall. Medyo malayo rin yon kaya sumakit ang paa ko, mas malayo compared sa school namin.

Pumasok na ko sa mall. Madaming tao dahil sale pala, halos mapatalon ako sa gulat ng may kumalabit sa'kin. Si Jaz lang pala at may kasama siyang lalaki.

"Hi Grandis, nandito ka rin pala?" masaya niyang sabi.

"Ah oo, may pinapabili yung mama ko." ngumiti naman ako.

"Okay, nga pala eto nga pala ang kuya ko. Magkakambal kami pero mas matanda siya sa'kin, Jedrick." pagpapakilala niya sa kuya niya. May kakambal pala siya.

Classmates pala kami kaya familiar. Hindi ko siya gaanong napapansin.

"Sana andito din si Liam." si Jaz.

"Kayo bukas ang seatmate, 'di ba? So, makakatabi ko si Grandis?" tanong ni Jedrick.

"Yes, kuya! Kaya what are you waiting for, ligaw-" hindi na nasabi pa ni Jaz ang kaniyang sasabihin nang takpan ni Jedrick ang bibig niya.

"Ah sige, maiwan ko muna kayo. Magkita na lang tayo sa food court dito." paalam ko.

"Sige, food court ah. Hihintayin ka namin." natatawang sabi ni Jaz at tahimik naman si Jedrick.

Umalis na ko at pumunta sa tindahan ng mga cellphone. Saan dito? Ang dami nito.

Pumasok ako sa isang phone store at nakita ko ang naggagandahang cellphone. Pumili ako at napili ko ang black ang color. Blue naman ang kay mama pero same style din.

Pagkatapos kong bumili ay pumunta na ko sa food court. Wala pa sila doon kaya nag muni-muni muna ako. Ngunit nahagip ng mata ko si Liam na nakapila sa counter.

Agad kong tinago ang mukha ko. Baka laitin niya ko sa itsura ko. Kunwari na lang na wala akong kilala dito.

Kinalikot ko muna ang cellphone na binili ko, maganda ang napili ko. Ginawa ko na ang lahat pero wala pa rin sila. Baka kasama nila si Liam, kaya hinanap ko si Liam.

Nakita ko si Liam na hawak ang phone. Pinuntahan ko siya, hindi na ako napansin dahil busy s'ya sa cellphone. Tinitigan ko siya nang mabuti, gwapo sana kaya lang ang pangit ng ugali.

"Sayang ka talaga. Ang gwapo mo pa naman." bulong ko.

"What?" nagulat ako nang nagsalita siya at tumingin sa akin.

"Wala, sabi ko ang pangit mo." pang-aasar ko. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

Love Departure (Doctors Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon