"Cge iho, sa susunod nalang tayo magkwentuhan at ipagluluto ko pa kayo." Tugon naman nito

Itinuro ko kay Manang Luz ang kusina at sinabihan ko rin syang maglibotlibot sa bahay para mafamiliar niya ang pasikot-sikot dito.

Mathius P.O.V.

Naisipan kong dito kumain sa bahay, pagbaba ko ay may nakahanda nang pagkain.

"Goodmorning po Sir! Bati sa akin nang isang matanda" Nagtaka naman ako

"Sino po sila?" Ang magalang kong tanong

"Ako po yung bago niyong katulong. Si sir James po ang naghire sakin. Cge po Sir kain na kayo." Ang nakangiting sagot nito

"Cge po salamat po." Tugon ko naman

Kumain ako tapos ay umakyat para maghandang pumunta sa office. Nakasalubong ko si James, nag antay akong mag goodmorning sya pero di niya ako binati, nasanay kasi akong binabati tuwing umaga kahit di ko sya pinapansin. Hinawakan ko ang braso niya para di nya ako tuluyang lagpasan

"Bat ka kumuha nang katulong?" Tanong ko dito

"Ah si Manang Luz, eh kasi magtatrabaho na kasi ako simula ngayon, kaya naisipan kong kumuha nang katulong kasi di kita maasikaso dahil sa trabaho ko." Sagot naman nito

"Kaya naman kitang buhayin ah! You dont have to work!" Ang naiirita kong sabi sa kanya

"No! Simula ngayon di muna ako kailangang buhayin dahil ako nang bahala sa sarili ko" sabi niyo sabay tanggal sa nakahawak kong kamay sa kanyang braso.

"Sabihin mo nalang kay manang kung anong kailangan mo" Sabi niya bago tuluyang bumaba nang hagdan.

Ewan ko bigla akong nakaramdam nang lungkot. Dapat maging masaya ako dahil sya na mismo ang gumagawa ng paraan not to get attached with me.

James P.O.V.

I tried my best not to greet him a good morning. Nasanay na kasi akong nag gogoodmorning sa kanya kahit di niya naman ako pinapansin, nagulat ako nang bigla niya akong hawakan at nang matapos kong sabihin ang mga sinabi ko ay nakita ko sa mga mata niya ang lungkot. Ayokong mag assume na dahil sakin ang lungkot na yun kaya I'll continue to avoid him.

Ting!

Nabalik ako sa sarili ko nang bumukas ang elevetor at lumabas ang kasama ko sa elevetor, isasara ko na sana nang may humabol pang pumasok. Pinundot nya ang same floor na aking pupuntahan, at nang tignan ko sya ay medyo familiar ito pero medyo fierce nga lang ang dating niya ngayon.

"Lithium? Ikaw ba yan?" Mangha kong sabi, akala ko kasi di na uli kami magkikita.

"Oh! ikaw pala yan! James right?" Sabi niya habang nakangiti

"Anung ginagawa mo dito sa companya ko?" Tanong naman nito

Companya niya? Ngayon ko lang din napansin na ka business attire pala sya. Teka ano uli pangalan niya, pilit kong inalala ang last name niya, at nang maalala ko na. Tama Lithium Ward pala pangalan niya.

"Andito ako kasi I applied as a secretary ni Mr. Hill Ward, di naman siguro ikaw yung boss dahil di naman Hill ang pangalan mo." Sabi ko naman sa kanya

"Actually my name is Lithium Hill Ward, so baka ako nga ang boss mo." Ang nakangiti nitong sabi

"Ha!? Ah ganun bah! Akala ko kasi tigre ang magiging boss ko, di naman pala." Sagot ko na nahihiya

Tinawanan niya lang ako, tas binalik niya ulit ang fierce look nya pagkabukas nang elevator. Lahat nang nag uusap na employee ay binati sya at bumalik sa pagtatrabaho, di man lang niya pinansin ang bumati sa kanya, samantalang ako ay parang tutang sumusunod sa kanya.

Gabi na nang matapos ko ang pinagagawa sakin ni Lithium, di na kami masyadong nagkausap, kinakausap nya lang ako pag may kailangan sya.

"Sir! Alis na po ako." Paalam ko sa kanya

"May sasakyan ka ba?" Tanong naman nito

"Wala, magcocomute nalang ako." Sagot ko naman

"Hatid nakita dahil gabi na at baka mapano ka pa." Sabi naman niya

"Naku wag na, kaya ko na ang sarili ko." Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang nahihiya talaga ako.

Umalis na agad ako baka pilitin niya pa akong ihatid. Ayoko ko namang isipin ni Mathius na lumalandi ako.

Isang oras na ata ang lumipas pero di parin ako nakakasakay. May huminto sa harapan ko na magarang sasakyan.

"James! Sakay!" Sabi ni Lithium, di na ako umangal baka di ako makauwi.

"Thank you Sir!" Sagot ko naman sa kanya

"Just call me Lithium when we're not in the office okay!" Sabi naman nito

Pagkadating namin ay bumaba na ako.

"Salamat uli sa paghatid" Sabay babye

"Pasok kana!" Sabi naman nito

"Ingat ka Sir sa pag uwi" sabi ko naman

"I will" tugon nito

Di pa man nakakaalis si Lithium ay pumasok na ako sa bahay, naabotan kong nanunuod ng movie si Mathius na nakabusangot ang mukha,at nang tignan ko ang pinapanood niya ay comedy naman at medyo natawa nga ako pero ni hindi man lang nag iba ang facial expression niya. Uupo na sana ako para manuod nang pinatay nya ang TV, tsaka umakyat sa kanyang kwarto. Ang sama talaga ng ugali! Umakyat na lang ako sa kwarto ko para magpahinga.

***********************************

Vote and Comment

-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now