DGH 34

9.8K 460 678
                                    

Chapter 34

Philips P.O.V.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa may elevator dahil tumawag sa akin ang pinsan kong si Lithium na may emergency daw na nangyari sa kanya.

Habang naglalakad ako ay nakita ko naman sa di kalayuan si Jade habang nakangiting nakipag-usap sa kanyang telepono. Hindi naman ako napansin nito kung kayat nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Nang medyo malapit na ako sa kanyang pwesto ay parang may nag-udyok sa akin na makinig sa kung ano ang pinag-uusap ng kanyang kausap sa telepono. Agad naman akong nagtago sa likod ng isang halaman. Ewan ko sa sarili ko kung bakit ako nagtatago ngayon, eh pwede naman akong makinig sa kanya kahit di nagtatago. Medyo nani-bago din ako sa sarili ko.

"Yes mom, tumawag sa akin si Mathius kanina na pinirmahan na daw yung annulment nila nong bakla niyang asawa"

"Haha uto-uto din kasi ang gagong Mathius na yon eh, akala niya talaga mom na mahal ko siya, hahahaha asa siya"

"Kaya nga mom eh, buti nalang at napaniwala talaga natin si Mathius na may sakit ako!"

"Buti na nga din na hindi tayo nabisto! Muntik na nga yong kahapon"

"Yes mom, don't worry! Makukuha natin ang lahat para sa atin, pati narin ang kompaya na ito!"

At dahil sa mga narinig ko mula kay Jade ay para naman akong natuod sa aking pinagtatago-an, hindi ko alam kung ano ang i-rereact ko sa lahat ng narinig ko. So all this time niloloko lang pala ni Jade si Mathius?

"So it means tama nga ang sinabi ni James na nagpapanggap lang na may sakit si Jade. Oh come on!" Parang baliw na sabi ko sa aking sarili

Agad namang umalis si Jade at nagtungo sa cr nitong kompanya. Umalis naman ako sa pagtatago ko at dali-daling sumakay sa elevator. Madami ang bumabagabag sa isipan ko, pero ang tanging nasa isip ko lang ngayon ay kailangan malaman ni Mathius itong lahat sa lalong madaling panahon.

Kasalukuyan akong naglalakad patungo sa condo unit ni Lithium ngayon. Nang makarating ako ay agad naman akong nakapasok dahil alam ko naman kung ano ang password ng unit niya. Pagkapasok ko ay agad akong nagtungo sa kwarto ni Lithium at doon nakita ko ang pinsan kong nag-iisang umiinom ng alak habang umiiyak.

Nagulat naman ako ng makitang puro kalat at sirang gamit ang kumakalat sa paligid niya.

"Ano ba naman itong nangyayari sa pinsan ko!" Asik ko sa aking sarili

Lumapit naman ako sa pwesto niya, iinom pa sana ito ng alak ng inagaw ko na ito mula sa kanya.

"Lithium stop this! Kung may problema ka nandito lang ako handang makinig sayo. Wag naman ganito insan, lahat ng problema napag-usap" Ang medyo inis kung sabi sa kanya

Bigla naman akong niyakap nito at malakas na umiyak na parang bata.

"Hey, what happened?" Usisa ko sa kanya

Hindi naman ito sumagot bagkos mas lalo pa itong umiyak. Kung kayat hinayaan ko nalang itong umiyak. Hihintayin ko nalang ito na sya na mismo ang mag-oopen sa akin kung ano talaga ang problema niya.

Halos kalahating oras na ang lumipas nang napansin kong tumigil na ito sa kakaiyak, kaya tinignan ko naman ito at nakita kong nakatulog na pala ito sa bisig ko.

"Tsk! Itong lalaking to talaga!" Ani ko sa kanya

Binuhat ko naman ito patungo sa kama niya at maayos na pinahiga. Kumuha naman ako ng maligamgam na tubig para pangpunas sa kanya. Habang pinupunasan ko siya ay doon ko lang napansin kung gaano kabigat at problemang dinadala niya. Bigla namang nagflasback sa akin ang nangyari dati sa pinsan ko, parang ganito din siya noon. Natatakot ako na baka bumalik na naman ang trauma nito.

*Flashback*

Kasalukuyan kaming nasa loob ng isang mamahaling coffee shop na pag-mamayari nitong pinsan ko. Kakatapos lang naming magdecorate dahil napagplanohan nitong pinsan ko na magpropose na sa kanyang long time girlfriend na si Jia.

Jia is a cute girl, napakabait at sobrang humble kaya maswerte itong insan ko na to dahil nakabingwit ito ng isang napakagandang babae. Pero iba si Jia sa ibang mga babae na kilala ko dahil napakaboyish kung umasta. She has a short hair na panglalaki at medyo may kaliitan din ito, kaya palagi ko itong kinakansyaw na tibo.

"Oh insan ready kana?" Tanong ko sa kanya

"Sh*t insan kinakabahan ako" Ang sabi nito habang hindi mapakali sa kanyang pwesto

"Sos, easy lang insan, kaya mo yan. Napa-oo mo nga siya nong nililigawan mo pa siya, how much more kung magpropose ka na" Pag-aalaska ko sa kanya

"Iba kasi yong dati insan eh, ngayon kasi hihingin ko na ang kamay niya para maging asawa ko" Sabi naman nito

"Okay relax, breath in, breath out" Pang pa relax ko sa kanya

"Ganyan nga insan, dapat relax ka lang dahil alam ko ito ang pinaka dabest na araw para sa inyong dalawa ni Jia"

Bigla namang tumunog ang cp nito na hudyat na may nagtext.

"Insan nasa labas na daw si Jia" Sabi naman nito sa akin

"So okay, wag na wag mong kalimutan yung napagplanohan natin okay?"

"Yes Insan"

"Good" Sabi ko sabay abot sa kanya ng isang buquet of flowers para sa girlfriend niya

"So ano tara" Aya ko sa kanya

"Wait insan, okay naba itong suot ko? Bagay ba? Wala bang dumi ang mukha ko?"

"Easy insan chill! Wag kang kabahan okay. Bagay na bagay sayo ang suot mo ngayon. Napakagwapo mo at sigurado akong makukuha mo ang matamis na oo ni Jia mamaya"

"Salamat talaga insan"

"Walang anuman, malakas ka sa akin eh"

Agad naman kaming lumabas sa coffee shop at nakita namin si Jia na nasa kabilang bahagi ng kalsada habang nakangiting kumakaway sa amin.

"Baby" Sigaw nito kay Lithium

Ito namang pinsan ko namula at wagas kong makangiti. Mga ilang minuto din ang lumipas ng medyo wala ng masyadong dumadaang sasakyan ay syaka naman tumawid si Jia na may ngiti sa kanyang mga labi.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay may biglang humaharurot na sasakyan na parang nawalan ng preno.

"Jia/Baby!" Sabay na sigaw namin ni Insan

Pero huli na ang lahat ng mahagip na ng sasakyan si Jia at tumilapon ito sa kilid ng kalsada, habang ang sasakyan naman ay bumangga sa poste na malapit sa isang kanal.

Para naman kaming natuod dahil sa nasaksihan naming pangyayari.

"Baby!" Malakas na sigaw ni Lithium habang tumatakbo patungo sa nakahandusay na katawan ni Jia

"Shit! Tulong! Tulungan niyo kami!" Buong sigaw ko sa mga taong nanonood

"Please tumawag kayo ng ambulansya please!" Ang umiiyak na sabi ni Lithium

"Jia! Hey, Jia"

"Baby, wake up! Baby please im here now! Baby!"

Napakaraming dugo ang umagos mula sa ulo ni Jia at nang hawakan ito ni Lithium ay doon namin nakita ang napakalaking sugat na parang initak.

"Jia!" Malakas na sigaw ni Lithium habang umiiyak

*End of Flashback*

********************

Vote and Commet

-Geraheart_17

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Apr 28, 2022 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora