Prologue

15.4K 505 75
                                    

Prologue

Sa bawat araw na nakakasama ko si Jade sa iisang bahay ay mas lalong tumitindi ang galit ko sa kanya.

Inagaw niya lahat ng para sakin, she played all the role na para sakin. Nagmumukhang background nalang ako sa storyang binuo ko kasama si Mathius.

Kahapon lang ay Lolo Romulo called para sabihin sakin na may family dinner raw kami ngayon, di man lang ako sinabihan ni Mathius. I put some make up to make myself presentable, dahil ito ang first time na makakasama ko magdinner ang family ni Mathius. Kahit wala akong kasama ay safe kong narating ang restaurant na sinabi ni Lolo Z
Romulo. Pero I think I'm too late, pagdating ko kasi ay wala nang space. Talagang it's too late dahil may naka upo na sa tabi ni Mathius, wala man lang naglakas loob na tawagin ako, I meet gaze with some of my husband's relatives, I know they had recognize me dahil I saw them attended sa kasal noon namin ni Mathius, pero di man lang  nila ako tinawag. Parang tanga akong nag antay na may makapansin sakin, pero wala ata talagang may kailangan sa presensya ko kahit si Mathius ay di ako nakita, nakatalikod kasi sya sa direction ko.

After a long wait nagpasya na akong umalis dahil sinasayang ko lang ang oras ko sa kakaantay.

"Iho! James ikaw ba yan?" Tanong saakin ni Lolo Romulo, nabangga ko kasi sya at mukang galing ito sa CR.

"Naku, sorry po. Ikaw pala yan Lolo Romulo" Sabi ko habang nagmamano.

"Oh iho mukang paalis kana ah, diba may dinner pa tayo" Sabi naman nito

"Naku Lo! Alis na lang ho ako dahil mukang di naman kailangan ang presensya ko don" Ang malungkot kong sabi.

"Dahil ba ito sa fiancee ni Mathius?"  Tumango lang ako.

"Alam ko ang pinagdadaanan mo, pero iho wag kang susuko, ipaglaban mo yang pag ibig mo sa apo ko, I can see in your eyes kung gaano mo kamahal ang apo ko. At alam mo ba ayoko sa fiancee ni Mathius, mas deserving kang mahalin kesa don sa babaeng yun." Sabi naman sa akin ni Lolo

"Ewan ko po Lo, parang di ko na kasi kaya, wala na akong lakas ng loob para ipagsiksikan ang sarili ko sa apo niyo, di ko alam kong makakaya ko pa bang ipaglaban ang pagmamahal ko." Sabi ko naman sa kanya

"Just don't let go, nararamdaman ko na mahal ka ng apo ko. Kaya don't let that girl beat you." Saad naman nito

"Buti pa kayo Lolo Romulo nararamdaman niyo na mahal ako ni Mathius pero ako ni minsan di man lang naramdaman yun" Sumbong ko sa kanya

"You know what iho, everything happens for a reason kaya wag kang mag alala, things will fall into places rin in the right time. At marerealize rin ng apo ko how lucky he is to have you." Sabi naman ni lolo

"Sana nga po, sana nga po di pa huli ang lahat for realization." Ang malungkot kong sabi.

"Ok, let's end this drama at pumunta na tayo sa table." Biglang sabi nito

"Naku po, uuwi na lang po ako." Pagrarason ko

"Iho, you have to show that you are strong, so halikana."

Wala na akong nagawa kundi sumama kay Lolo.

"What take you so long Lo?" Tanong ng cousin ata ni Mathius.

"Nag usap lang kami sandali ni James" Sagot naman niya at don lang napansin ni Mathius na nandito ako dahil sa sobrang busy niya kay Jade.

"Goodevening!" Sabi ko while kissing Mathius cheek.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Pinilit kasi ako ni Lolo!" Sabi ko habang pinipilit wag mapiyok, sobrang sama niya sakin.

"Goodevening sa inyong lahat!Goodevening po tita,tito!" Bati ko sa parents ni Mathius.

At parang wala man lang nakakarinig sakin.vNagpakuha ng isang upuan si Lolo para sakin at pinaupo ako sa tabi ni Mathius. At talagang I can feel it I'm not welcome, nag uusap silang lahat at di ako kasali.

"Kuya Mathius,kailan ba ang kasal niyo ni ate Jade?" Masayang tanong ng babaeng kasing edad ko lang din.

Bago sumagot si Mathius ay tumingin mo na sya sa akin.

"Pag na annul na ang kasal namin ni James." Sagot naman nito

Yumuko nalang ako. Kung anu ano pa ang narinig ko, keso daw mas bagay sila dahil parehong galing sa maranyang pamilya, na mahal niya talaga si Jade at handang ipagpalit lahat para kay Jade.

"Iho kailan niyo ba kami bibigyan ni Jade ng apo?" Ang nakangiting tanong ng mommy ni Mathius.

"Naku tita malapit na po!" Ang nakangiting sabi ni Jade.

Wow!

Grabe!

Sobrang nakakasikip ng loob ang mga pinag uusapan nila pero mas pinili kong wag magsalita at tanggapin na talagang wala na.

"Excuse me!" Sabi ko at tumayo, pero parang si Lolo lang ang nakakakita sakin.

"Oh bakit iho?" Saad ni lolo

"Punta na po muna ako sa CR!" Sagot ko naman

"Oh sige iho, balik ka agad." Sabi naman nito

Naglakad ako papuntang exit dahil it's not worth staying their. Nag uunahang pumatak ang mga luha ko, pero bago paman ako tuluyang makapara ng taxi ay may kumuha ng kamay ko.

"James!" Ang mahinahon niyang sabi.

Agad kong pinahid ang mga luha sa pisngi ko.

"SORRY!" Sabi nito

"Wag kang mag alala ok lang yun nasanay na rin naman ako." Sabi ko naman

"Bakit ba kasi pumunta ka pa?" Ang medyo galit niyang tanong.

Tinignan ko sya mata at sumagot.

"Kasi, you never introduce me to your family, never mo akong ipinakilala sa parents mo, I know you're not proud or shall I say you never love me enough para formally ipakilala sa pamilya mo. Ayokong maghiwalay tayo ng di ko man lang nakikita ang parents mo. Pero mali pala talagang ipagsiksikan ko pa ang sarili ko, dahil kahit sa pamilya mo ay walang may gusto sakin bilang asawa mo" Ang madamdaming sabi ko habang pinipigilan ang mga luha ko.

"Sige, balik kana don baka hinahanap kana ng fiancee mo." Sabi ko namn sa kanya

"Hatid na kita!" Sabi naman nito

"Wag na! Baka umasa na naman ulit ako. Hayaan mo konti nalang at susuko na ako. Konti nalang, you can live a happy life with Jade. Konti na lang ay di mo na kailangang magpanggap that you care for me." At Inalis ko ang nakahawak niyang kamay sa braso ko at dagling sumakay ng taxi at umuwi.

***************************

Vote and Comment 🙏

Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Where stories live. Discover now