DGH 27

4.8K 225 27
                                    

Chapter 27

*****************************


Mathius P.O.V.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay agad namang hinimatay si Jade.

"Jade!" Sigaw ko dahil sa kaba

"Jade what's wrong" Ang nag-alala kong tanong dito pero hindi na ito sumasagot

Kaya dali-dali ko itong binuhat patungo sa sasakyan ko at mabilis na tinungo ang malapit na hospital. Agad ko namang tinawagan sina tita upang ipaalam sa kanila ang nangyari.

Nang makarating na kami sa hospital ay agad kong binuhat si Jade at nanghingi ng tulong sa emergency area. Mabilis naman ang kanilang aksyon at agad-agad din nilang ipinasok ito sa emergency room. Gusto ko pa sanang pumasok pero pinigilan na ako ng isang nurse.

"Sir bawal po kayong pumasok"

Kaya wala na akong nagawa kung di maghintay nalang dito sa labas. Ilang minuto din ay lumabas na ang doctor na nagcheck kay Jade. Agad naman akong lumapit dito.

"Doc, how was my fiance?" Agad kong tanong dito.

Sasagot na sana ang doctor nang dumating si tita habang umiiyak.

"Doc how was my daughter?" Ang umiiyak na tanong ni tita sa doctor

"Ahm ano po maam, mukhang wala..."

"Wait doc, pweding in private nalang natin to pag-usapan?" Sabat naman ni tita na mukhang natataranta

"Wait pwede naman dito tita para malaman ko naman kong anong nangyari sa fiance ko" Sabi ko naman sa kanya

"Iho, I think you should go back now, diba may meeting kapa sa company nyo baka mahuli ka, ako ng bahala dito wag kang mag-alala, babalitaan din agad kita kung ano ang resulta sa anak ko" Sabi naman ni tita sa akin

"Ok po tita, basta balitaan nyo nalang po ako agad" Sagot ko naman

Hindi na ako nagdalawang isip dahil may meeting pa akong dadaluhan. Mabilis naman akong lumakad palabas nitong hospital. Sa may emergency area na ako dumaan dahil doon ko din naiwan ang aking sasakyan. Pero habang naglalakad ako palabas ay nakita ko naman ang boss ni James na mukhang balisa at parang may hinahabol. Hindi ko nalang ito pinansin at agad na nagtungo sa sasakyan ko.

Mabilis naman akong nagtungo sa kompanya dahil may meeting pa akong hinahabol. Pero pagtingin ko sa wrist watch ko ay sobrang late na ako. Kinapa ko naman ang cellphone ko na nasa bulsa ko at agad ko itong chineck. At doon bumungad sa akin ang mga missed calls at text sa akin ng aking sekretarya.

Nang makarating na ako sa aming kompanya ay agad akong nagtungo sa aking opisina. Bumungad naman sa akin ang aking sekretarya pero isinawalang bahala ko nalang ito at agad na pumasok sa aking opisina.

"Sir pina-uwi ko nalang po ang mga board of directors and members dahil naiinip na daw po sila kakahintay sayo"

"Okay"

"Sir about this afternoon may meeting po kayo..."

"Cancel all my appointments today!"

"But sir importante po ito...."

"I said cancel it!" Galit kong sigaw dito

"Okay sir noted"

Lumabas naman agad ito sa aking opisina. At agad ko namang kinuha ang aking cellphone at tinawagan si tita

"Hello tita, how was Jade?" Ang agad kong bungad na tanong sa kabilang linya ng sagutin nito ang tawag ko

"Iho, okay na si Jade medyo di lang daw niya nakaya ang stress niya" Sagot naman ito

"Mabuti naman po kong ganon, hindi lang po ba ito nakaapekto sa sakit niya?" Tanong ko naman kay tita

"Sa awa ng Diyos iho hindi naman"

Napahinga naman ako ng malalim dahil sa narinig ko.

"Okay po tita, dadalaw nalang po ako mamaya pag-uwi ko tita"

"No, wag na iho dahil lalabas na din kami ngayon, baka bukas na siya babalik sayo, pero sa ngayon sa bahay muna siya namin magpapahinga okay lang ba?"

"Nako tita okay lang po, wag po kayong mag-alala dahil aalagaan ko po ng mabuti ang anak ninyo"

"Okay iho aasahan ko yan, but I want you to file an annulment dyan sa bakla mong asawa sa lalong madaling panahon, dahil kong hindi, baka hindi ko na ipagpatuloy ang kasal nyo ng anak ko!" Ang seryoso at istrikta nitong sabi sa akin

"Makaka-asa ka po tita" Sagot ko naman at agad naman niyang ibinaba ang tawag

Napabugtong hininga nalang ako ng malalim dahil hindi ko pa alam kong ano ang una kong gagawin.

"Yow pare, musta na!" Biglang sigaw ni Philip habang nakasunod sa kanya si Stanley

"Oh tulala ka dyan pare, mukang malaki ata ang problema natin ah" Sita naman sa akin ni Stanley

Di ko alam na napatulala na pala ako

"Sino ba yang bumabagabag sa isipan mo pare?" Tanong ni Philip

"Wala to pare" Pagtatanggi ko

"Sos wala daw, baka yong dalawang asawa mo ang iniisip at pinoproblema mo" Sabat naman ni Stanley

"Fuck you"

"Tama na nga yan" Sita naman ni Philip sa amin

"Oh so ano ngang problema mo?" Ang seryosong tanong ni Philip sa akin

" Ano kasi nag-alala lang ako kay Jade kasi isinugod siya sa hospital kanina, baka kasi maapektuhan yong sakit niya kinakabahan lang ako pre" Sabi ko naman sa kanila

"Bakit ano bang nangyari sa kanya?"

"Pinanghinalaan kasi siya ni James na nagpapanggap lang na may sakit"

"Eh gago pala yong bakla mong asawa eh" Sabat naman ni Stanley

"Tsk! Baka naman nagsasabi ng totoo ang tao pre, malay mo niloloko kalang ng Jade nayan" Sabi naman ni Philip

"So sinasabi mo na niloloko lang ako ni Jade?" Tanong ko naman dito

"Hindi naman sa ganoon pre, dapat kasi makinig ka sa bawat isa sa kanila"

"Paano ako makikinig pre eh halata namang gumagawa ng paraan si James upang mapalayo ang loob ko kay Jade. Una sinabihan ako ni James na walang sakit si Jade at pangalawa sinasaktan ni James si Jade pare. Kaya nga natatakot ako na baka lumala ang sakit ni Jade" Sabi ko naman dito

"Bakit sino ba ang mas mahal mo sa dalawa? Yung asawa mo o yung fiance mo?" Tanong naman ni Philip sa akin na ikinatahimik ko

"Sagot" Sigunda naman ni Stanley

"Una sa lahat ay napilitan lang ako sa letching fixed marriage na yan! Nang dahil sa walang mudong kasunduan na yan ay nagkahiwalay kami ni Jade. Pero ngayon dahil nakuha ko na siya ulit ay hinding-hindi ko na sya bibitawan pa" Ang pursigidong sabi ko sa kanila

"So you mean mas mahal mo si Jade kaysa kay James?" Ang nang-aasar na sabi ni Stanley

"Yes mahal ko si Jade at handa kong saktan si James alang-alang sa ikabubuti ng pagsasama namin ni Jade" Ang taas noo kong sabi

"Sana nga pre, dahil sa oras na magkamali ka ng taong pinili mo, im off! Wala kang Philip na masasandalan kahit kaibigan pa kita" Ang seryosong sabi ni Philip sa akin

Napatingin naman si Stanley sa kanya at mismo ako ay nabigla sa sinabi niya. Di ko alam pero mukhang nag-iba si Philip ngayon, mukang hindi ito ang Philip na kilala ko.

Makalipas ng ilang oras ay ibinabad ko nalang ang aking sarili sa pagtatrabaho. Pero nabigla naman ako ng may bumukas sa pintuan ng opisina ko.

"Mathius!"




*******************************

Happy Reading!

Vote and Comment


-Geraheart_17

Desperate Gay Husband (BOYXBOY)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu