Inirapan na lamang siya ni manang at nag-umpisa nang kumain.

Napuno ng katahimikan ang buong silid kainan. Ni isa sa amin ay walang may gustong magsalita pa.

"Balita ko ay isa kang propesor sa isang tanyag na eskwelahan?" muling pag-uumpisa ni manang.

"Yeah, I'll start next week," matipid na sagot ni Sir Luci.

Tahimik lamang ako habang nakikinig sa pinag-uusapan nilang dalawa kahit wala akong maintindihan.

"Ikaw ba, hija? Hindi ka ba mag-aaral ngayong pasukan?" biglang tanong sa akin ni manang.

Naupo ako ng maayos at saka umiling bilang sagot sa kaniya.

"Aba'y dapat kang mag-aral," masayang turan niya.

Hindi ako nakasagot sa kaniyang sinabi dahil hindi ko alam ang isasagot.

"Gusto mong mag-aral?" biglang tanong ni Sir Luci.

Nanlalaki ang aking mga matang napatingin sa kaniya. Hindi ko inaasahang itatanong niya iyon.

Ngunit agad akong nanlumo ng maalalang hindi ko kayang pag-aralin ang sarili ko.

"Hindi mo na kailangan pang alalahanin ang pambayad sa iyong martikula dahil ako ang sasagot." Gulat akong napatingin muli sa kaniya.

Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.

"Mag-aaral ka, ate?" masayang tanong ng aking kapatid ngunit hindi ako nakasagot dahil ang paningin ko ay nanatiling na kay Sir Luci.

"Ayon naman pala, hija. Wala ka ng problema pa," masayang turan ni manang.

Hindi ko magawang alisin ang aking paningin kay Sir Luci. Nag-uumapaw ang tuwang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya.

Nangingilid ang aking mga luha habang nakatitig sa kaniya.

"What?"masungit nitong tanong nang mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya.

Hindi ako sumagot at nanatiling nakatitig sa kaniya.

"Will you stop staring at me?" Kunot-noo nitong ani.

Nahihiyang napayuko ako nang matauhan ako sa ginagawa kong pagtitig sa kaniya. Sadyang natuwa lamang ako sa sinabi niya, sino ba naman ang hindi? Makakapag-aral ka ng libre at ni isang kusing ay hindi mo na aalalahanin pa.

"Ikaw namang bata, hayaan mong titigan ka ni Heaven," panunukso ni manang na siyang ikinapulang muli ng aking muka. "Nako, hija. Namumula ka nanaman,"  dugtong niya pa at sinabayan ng hagikhik.

Dahil sa hiya ay napayuko na lamang ako habang kagat-kagat ko ang pang-ibabang labi ko.

"Stop teasing her, manang." saway ni Sir Luci kay manang. "And you, stop bitting your damn lips," may dinugtong pa siya ngunit hindi ko naman narinig, hindi ko rin naman siya naintindihan.

Lucifer's Innocent Baby (Slow Update)Where stories live. Discover now