Mail

25 1 0
                                    

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.



Isang mensahero ang aking nadatnan nang dumungaw ako sa labas ng bintana habang may inihulog siyang isang sobre ng sulat sa mailbox. Nagkukumahog akong tumakbo pababa ng hagdanan dahil sa pananabik na nadarama sa sulat na naghatid sa'kin ng kagalakan.
Sulat na naman ito galing sa aking pinakamamahal na si Bernadette na kasalukuyang nawalay sa'kin sapagkat lumipat na sila ng tirahan sa ibang bansa.

"Maligayang kaarawan aking mahal! Batid kong nakaukit ang lungkot sa iyong puso dahil wala ako ngayon sa piling mo ngunit sana ang aking pagbati ay magdudulot sa'yo ng saya. Kaunting panahon na lang at muli na kitang makakapiling."

Lubos ang aking saya sa sulat na kaniyang pinadala. Ilang taon na lang at makakauwi na rin siya galing sa America. Ako'y nananabik sa kanyang pagbabalik.

"Maligayang ikawalong anibersaryo, mahal! Gusto ko nang masilayan kang muli, ika'y laging nasa aking isipan at sa puso'y hindi ka makakalimutan. Ibaon mo sana sa iyong isipan na mahal na mahal kita, aking Ruru."

Lumalim ang aking kasulukan ng aking mga labi sa bawat matatamis na salitang hatid sa akin ay kagalakan. Gayunpaman ay sinusulatan ko rin siya pabalik upang mabigyang kaalaman sa bawat kaganapan ng aking buhay. Malayo man ang distansya naming dalawa, mayroong sulat na nag-uugnay sa aming dalawa.

Subalit labis ang aking pag-aalala sa loob ng isang taong hindi ako nakakatanggap ng sulat galing sa kaniya. Tuluyan na kaya niya akong kinalimutan at hahayaan ko na lamang ba na magwakas ang aming pag-iibigan?

Halos araw-araw pa rin akong nakadungaw sa labas ng bintana upang hintayin ang mensahero sapagkat hindi ito dumarating. Laking surpresa ko na lang na may mensaherong naghulog ng sulat sa mailbox.

"Pasensiya ka na mahal kong Ruru at ngayon lang muli akong nakapagsulat sa iyo sapagkat maraming bagay lang ang aking inaasikaso at kailangan kong ayusin. Mag-iingat ka sana at huwag mong pababayaan ang iyong sarili dahil wala na ako sa iyong tabi."

Nabigyang linaw din ang aking pangamba ngunit hindi pa rin mabura sa aking isipan ang anumang bagay ang bumabagabag sa kanya.

Sa ilang taong lumipas ay sa wakas ito na ang nakatakdang araw ng aming pagkikita. Samo't saring handa ang inilapag ko sa lamesa at nakapormang polo at pantalon ang aking isinuot upang maging pormal sa harapan ng aking minamahal.

Naghihintay ako ng ilang araw at unti-unting nababagot dahil hindi pa siya dumarating. May masama kayang nangyari? o hindi kaya'y natagalan lang din?

Maya-maya pa ay may nadatnan akong mensaherong naghulog ulit ng sulat. Kakaiba ang kulay at korte nito.

"Inaanyayahan kita sa aming kasal ngayong ikadalawangpu ng Hunyo..."

Hindi ko na makita ang kasunod na letra sa nangingilid kong mga luha. Hindi ko lubos maisip na ang aking paghihintay ay hahantong sa ganitong eksena.

Ang sakit ng pagtataksil, ang puot na hindi maikubli ang bumabalot sa puso kong kay hapdi. Sa loob ng labing-isang taong pagiging matapat ay napawi ng pagkabigo. Naiwan sa kawalan habang ang pagmamahal ko'y nasayang.

Mahal kong Bernadette,

Batid kong liligaya ka na sa piling ng iba. Marahil ay hindi ako naging sapat at mas pinili mong ilaan ang pag-ibig mo sa kaniya. Nais kong malaman kung saan ba ako nagkulang ngunit kahit anong katuwiran pa ang iyong bibigkasin ay mawawalan rin ito ng katuturan sapagkat ikakasal ka na.

Ayaw ko na muling makatanggap ng sulat pa dahil sa lahat ng sulat na iyong ipinadala, ang pinakamasakit ay ang ikakasal ka na. Ipinapaubaya na kita sa kaniya.

Nagmamahal,
Ruru

One-shot/Short StoriesDove le storie prendono vita. Scoprilo ora