Iris Elizabeth's POV
"D-dad."
Si Daddy. Narinig niya ba kung anong pinaguusapan namin ni Mommy? Malamang, oo. Nagtanong nga diba?
Binigay ni Daddy 'yung dala niyang mga pasalubong tsaka siya umupo sa sofa sa may tapat namin at nagpakuha ng maiinom kay Manang. Pagkatapos non ay bumaling siya sa amin ni Mommy na kanina pa pinagmamasdan ang mga galaw niya.
"Sino 'yung nabanggit niyong Cassius? Tama ba?" Seryosong sabi ni Daddy. Malokong tao si Daddy pero nakakatakot magalit parang papatay huhu.
"Uhm, anak. Sige, umakyat ka muna sa kwarto mo, magbihis ka na at gumawa ng mga homeworks mo. Sige na." Sabi ni Mommy. Tatayo na sana ako ng magsalita si Daddy.
"Sundin mo lahat ng sinabi ng Mommy mo. Pagkatapos mo gawain lahat ng 'yon, bumaba ka at maguusap tayong tatlo." Sabay tayo at umakyat papuntang kwarto nila.
"Huwag mong pansinin 'yun. Masyado lang papansin 'yang Daddy mo, pero sundin mo nalang. Mahirap na. Sige, akyat ka na para mabilis mo matapos 'yung mga dapat mong gawin." Sabi ni Mommy at niyakap ako.
Dali-dali akong umakyat papunta sa kwarto ko at naligo na muna.
Dinalian ko lang ang pagligo dahil madaming assignment na ibinigay sa amin kanina. Tinext ko muna si Clio kung tapos na siya o nakikipang-lampungan na do'n kay Zane. Feeling ko may something 'yung dalawang 'yun e. Ayaw lang sabihin.
To: Nysa
Clio, tapos ka na sa mga assignment? Pakopya naman oh. Need ko matapos agad 'to. Nalaman kasi ni Daddy 'yung tungkol kay Cassius e huhu. Bilisan ko daw tapusin. Pls. Reply ASAP.
Text ko sa kanya at nagreply naman agad.
From: Nysa
Nasa isang café ako. Ako nalang gagawa nung iyo pagka-uwi ko.
Hala, bumait bigla 'to ah. Di bale na, ang mahalaga 'yung assignment. Terror pa naman prof sa subject na 'yon.
To: Nysa
Thank you, Nysaaaa. Btw, bakit ka nand'yan? Di ba sabi mo umuwi ka na?
Hula ko, kasama nito si Zane.
From: Nysa
Pa'no ba naman. Pauwi na ako tapos napansin kong may naka sunod sa'king motor. Edi tumabi ako sa gilid tas huminto din siya. Sa mismong harap ko pa ha. Ang walang hiya si Zane, tapos ayon sapilitan niya akong pinasakay sa motor niya at dinala dito.
Tumpak! Si Zane nga.
Magre-reply pa sana ako nang may kumatok. Pinagbuksan ko naman ng pinto.
"Ay. Hi po, Manang. Bakit po?" Si Manang pala. Nagtanong pa ako kung bakit. Malakas naman kutob ko na pinapababa na ako ni Daddy.
"Bumababa na ka na daw, hija. Pinasusundo ka ng ama mo. Ano bang ginawa mong bata ka?" Pati si Manang, stress.
Bumababa naman kaming dalawa ni Manang.
"Wala naman po akong ginagawang masama e. Nalaman niya lang pangalan ng crush ko e."
Natawa naman si Manang. Anong nakakatawa do'n sa sinabi ko?
"Ikaw talagang bata ka. Dalian na natin at baka mapagalitan ka ng ama mo."
BẠN ĐANG ĐỌC
Memory in the Clouds [ ON GOING ]
Teen FictionIris Elizabeth Alarie comes from a wealthy family. Her father is well known when it comes to the business world. That is why she is famous at the university she attends but for her, her popularity is nothing if Cassius Jace André, the man she is cr...
![Memory in the Clouds [ ON GOING ]](https://img.wattpad.com/cover/236237239-64-k877824.jpg)