Chapter 9

3 0 0
                                        

Iris Elizabeth's POV

"Ah. Okay." Hindi naman masakit e, tsaka paghanga lang naman 'to. Ano ba namang laban ko roon sa babae? Ang ganda niya, mukhang mayaman, matalino, parang lahat nga nasa kanya na e.

"Are you okay?" Bumalik lang ako sa wisyo noong nagsalita na si Clio. Pinilit kong ngumiti. Atleast, Cassius can be happy.

"Mhm, yep." Okay lang naman kasi ako. OA lang siya.

"Ano..uh..magiikot-ikot nalang muna ako. Hindi pa naman nagr-ring 'yung bell." Paalam ko sa kanilang dalawa.

"Samahan na kita." Tatayo na sana si Clio nang pigilan ko siya.

"Hindi na, kaya ko naman." Hindi ko na siya hinintay na mag-salita at umalis na ako roon.

Dumiretso ako sa rooftop ng school, mahangi kasi roon maganda mag-emote. Habang papunta ako roon ay narinig ko ang boses ng babae ni Cassius. 

"Ayun lang naman ang kondisyon ko, Cassius. If you can't do it, edi fine. I won't come back to you." 

"Okay, if that's what you want. Sige, gagawin ko."

"Mhm...deal. See you later." Nakita ko pang hinalikan nung  babae sa pisngi si Cassius. Yuck.

Dumiretso nalang ako sa rooftop. Pagkarating ko roon ay dinama ko ang hangin. Akala ko pa naman ay masaya itong araw na 'to. Nagkamali ako. 

May naramdaman akong tumabi sa akin at nagbigay ng panyo.

"Kunin mo na. Ang ingay mo umiyak. Naudlot tuloy 'yung tulog ko." Sabi nito.

"S-salamat." Pinunasa ko ang pisngi kong kanina pa pala basa at hindi ko namalayan. 

"Sino ba kasi nagpa-iyak sa'yo? Ang ganda mo kaya."

"Bolero. Sino ka ba ha? Nagm-moment 'yung tao dito e." Sino ba  'to? Hindi ko nga kilala 'to e. Sabi ni Mommy, don't talk to strangers.

"May binisita lang."

"Pangalan mo 'yon?"

Tumawa siya. "Alam mo ang ganda mo, pero ang tanga mo." Aba.

"Lumayas ka nga rito. Nakakairita ka."

"Fine, miss.  See you." He winked. What?

Tumingin ako sa wrist watch ko. Shoot! Malapit na pala mag-bell. Dali-dali akong tumakbo pababa para makapunta sa building namin.

Nang makarating ako roon ay wala pa halos kalaman-lama ang classroom. Nakita ko si Clio na kumakaway sa 'kin. 

"Hi. Ayos ka lang?"Panimulang bati niya.

"Oo naman. Wala namang dahilan para hindi maging okay." Natatawang sambit ko.

"Mhm. Let's focus now. Nand'yan na si Miss."

Tumango na lang ako. Lumipas ang ilang minuto ay hindi talaga mawala sa isipan ko 'yung mga nakita, narinig at nalaman ko. Wala naman akong karapatan, pero bakit ganito nalang ang reaksiyon ko?

"Ms. Alarie, are you ok?" nabalik ako sa wisyo noong nagsalita na si Miss. Napansin ko ang naga-aalalang tingin ni Clio at ni Cassius. Huh?

"Yes, Miss."

"Namumutla ka. You are not ok." Sabi ni...Cassius?

Ngumiti ako sa kanya. Sa wakas, napansin niya rin ako.

"C'mon. Sasamahan na kita." Tumayo siya sa upuan niya at lumapit sa 'kin. Aangal pa ba ako? Edi syempre sumama ako.

"Ano ba kasing pinagaga-gawa mo at namutla ka, iha?" Tanong nung nurse pagkarating namin sa clinic.

"Stress lang po siguro." Sagot ko. pinaupo niya ako sa kama roon.

"Kung gayon, dapat mong iwasan kung ano 'yung nagbibigay sa'yo ng stress. Maupo ka rito at magpahinga." Sabi niya tsaka siya lumingon kay Cassius.

"Ikaw, iho? May kailangan ka?" 

"Kasama ko po siya."

"Ah, siya ba nagbibigay ng stress mo, iha?" Nagulat ako doon.

"P-po? Hindi po a-ah." 

"Mhm, kaya mo ba? Kasi kung hindi mo kaya ay tatawagan ko ang mga magulang mo." Mas mabuti na siguro na nasa bahay ako. Hindi ko ata kaya na makita ulit si Cassius tsaka 'yung babae niya na napag-alaman ko na Nyx ang pangalan. Sa pagkaka-alam ko ay Goddess of Night si Nyx sa Greece. Kampon ng dilim.

"Medyo sumama rin po pala pakiramdam ko. Tawagan niyo nalang po sila Mommy." Tumango-tango 'yung nurse.

"Sige, maiwan ko muna kayo ha." Sabi nito at lumayo. Para ata tawagan sila Mommy.

"Pwede ka nang bumalik sa room. Hindi naman ako paralisado." 

"I know. Gusto lang kitang samahan." Hindi na ako umimik.

"Iha, papunta na sila. Hindi ka naman ba nahihilo?" Umiling ako.

"Sige, pakihintay nalang ang mga magulang mo."

"At ikaw, bumalik ka na sa klase mo." Baling niya kay Cassius.

"Is she ok?"

"Unli? Oo nga." 

"Ok, then. I'll see you tomorrow. Rest, please." Baling niya sa'kin. Saktong pag-alis ni Cassius ay saktong pagdating nila Mommy.

"Princess, what happened?" Alay ni Daddy sa'kin.

"Medyo nahilo lang ako, Dy." 

"Sana po ay si Manong Victor na lang po ang inutusan niyong sumundo sa'kin."

"Hija, willing kami ng Daddy mo na iwan ang trabaho para sa'yo." 

That made my heart melt. I love them both.

"Let's go, baka masama pa ang pakiramdam ng prinsesa namin." Daddy said while smiling. 

"Let's go." Sabi ni Mommy habang nakaalalay sa'kin.

Pinagbuksan kami ni Daddy ng pintuan ng sasakyan. Si Mommy ay nasa shotgun seat habang ako ay nasa back seat.

"Tulog muna ako, Dy. Medyo nahihilo pa ako."

"Ok, darling. Rest well."

Ipinikit ko ang mga mata ko at hinila na ako ng antok.



Memory in the Clouds [ ON GOING ]Where stories live. Discover now