"Fine." Sa huli'y pagsang-ayon niya.

"Thank you, Cat! Thank you very much." Hindi ko naman naitago ang saya nang pumayag siya.

"Yeah, sure." Sabi niya at pumunta na sa tapat ng kwarto niya. Bago pa siya tuluyang makapasok ay nagsalita ulit ako. "See you tomorrow at 5 AM, okay? Thank you."

It's weird to feel happy right at this moment because tomorrow, everything will end but I can't help it. I want to cherish this happiness without feeling guilty about it. I want to let myself be genuinely happy without worrying about the pain after this... Just this one... For the last time.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga para maipagluto si Cat ng breakfast pagkatapos ay naligo na ako. Magtatapis palang ako ng tuwalya nang biglang bumukas ang pintuan ng bathroom namin. Ang kaninang namumungay dahil sa antok na mga mata ni Cat ay agad na nanglaki nang makita ako.

Kitang-kita ko kung paano mabilis na tinignan ni Cat ang katawan ko bago tumingin ulit sa mata ko saka tumalikod.

Alam kong pulang-pula na ang buong mukha niya dahil kita ko ang pamumula ng tainga at leeg niya. Naka-messy bun kasi siya.

"S-Sorry... I... I thought... Bakit kasi hindi ka nag-lock!" Hindi ko naman napigilang matawa ng mahina dahil sa sinabi niya. Mula sa nag-pa-panic ay naging galit ang tono ng pananalita niya. Ang cute talaga.

Naglakad naman ako palapit sa kaniya nang maayos ko na ang tuwalya ko. "Excuse me."

Nabigla yata siya nang magsalita ako sa likod niya at dahil yata sa panic ay bigla siyang napaharap sa'kin para pumasok sa loob.

Nagkatitigan naman kaming dalawa bago ako gumilid para mauna na siyang makapasok. Pagkalabas ko ay kakausapin ko sana siya pero sinaraduhan niya agad ako ng pintuan kaya naman nagsalita na lang ako kahit sarado na ang pinto. "I'm sorry, I'll lock it next time." Hindi naman siya sumagot kaya pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis.

Buong byahe ay hindi kami nag-usap. Tahimik lang siyang kumain at natulog pagkatapos. Ako naman ay pinilit mag-focus sa pag-dri-drive habang iniisip kung paano ko siya kakausapin kapag nasa bahay na kami.

Hindi ko akalain na babalik pa ako sa lugar na 'yon. Our old house.

"Iniko?" Sabi ng isang magandang babae na older version ni Aki. "Hi, Mi." Medyo awkward na sabi ko. Sinugod naman niya ako at mahigpit na niyakap.

"Oh, sweetie! I've missed you so much!" She said then hug me tighter. Niyakap ko naman siya pabalik. "I'm sorry, sweetie." Maya-maya'y malungkot na sabi niya pagkalipas ng ilang segundong pagyayakapan.

Nagsimula namang manlabo ang mga mata ko dahil sa luha kaya naman pumikit ako at huminga ng malalim para pigilan ang sariling umiyak.

"It's okay, Mimi. It's not your fault. By the way, kasama ko po si Hecate." Pagkasabi ko no'n ay niyakap niya pa ako ng mas mahigpit bago humiwalay sa'kin. Mabilis naman siyang nagpunas ng luha bago bumaling ng tingin kay Cat.

"Hello po, Tita Yuno." Lumapit naman si Mommy sa kaniya at niyakap siya. "Hecate! Mabuti naman at napadalaw na kayong dalawa rito ni Iniko. Kumusta ka na, anak?" Sabi nito pagkatapos niyang pakawalan si Cat.

"Mi, can we do that later? We're going to the treehouse." Unti-unti namang nawala ang ngiti nito at napalitan ng pag-aalala.

"Are you sure?" Nag-aalalang tanong ni Mommy.

Nag-iwas naman ako ng tingin bago sumagot. "O-Of course! After all, I came here."

Walang dahilan para hindi ako makapunta do'n gayong nakabalik ako rito sa bahay na 'to.

May inutusan naman siyang isang kasambahay namin para kunin ang susi. Pagkatapos kasi ng nangyari ay pinasarado nina Mimi ang buong lugar. It's been 12 years since I've entered that place.

If there's a place that I would love to destroy, it's this house. This used to be my home but this is where my nightmares were made.

Hindi sila umalis dito kahit na nangyari 'yon, and I don't know how they do that.

By the plain sight of this fucking house, I'm already out of breath. It's suffocating, the elegance of this house may conceal its rotting smell but not to me. But I've missed my home, maybe this is the center of my hell but this was once my safe haven... My favorite place. 

Naglakad naman kami papunta do'n. Just like the old times. It's nostalgic, how I wish we could go back in time. I wish we stayed being innocent and never had to experience those horrible memories.

Nakarating naman kami ng mabilis sa lugar. Sinalubong kami ng guard na tinawagan ni Mimi.

"Magandang tanghali po, Lady Iniko at Lady Hecate." Sabi niya at kagaya ng iba naming mga tauhan ay yumuko rin siya.

"Huwag na po kayong yumuko at Iniko na lang po." Sabi ko. Nag-angat naman siya ng tingin saka sumang-ayon sa'kin.

"Kada ikalawang buwan pong nililinis ang lugar pero wala pong binabago, hindi pa po iyan nalilinis ngayong buwan kaya marami pa pong kalat." Kwento niya. "Tawagan niyo na lang po kami kapag may kailangan po kayo." Duktong niya pa pagkatapos ay inabot sa'kin ang isang walkie talkie.

"Mauuna na po kami. Salamat po." Sabi ko pagkatapos niya kaming pagbuksan ng gate.

Nang malampasan namin ang mataas na pader na nakaharang sa gate ay bumungad sa'min ang isang lumang playground at isang tree house.

Puno ng mga natuyong dahon ang buong paligid. "How I miss this place!" Hecate said and proceeded to go on a swing. Tahimik naman akong sumunod sa kaniya.

"Are we here to relieve our childhood, Iniko? Oh, wait! What am I supposed to reminisce anyway, when you suddenly disappear?" She said with fake enthusiasm.

"I-I'm really sorry, Cat. I don't know what to do back then, we didn't mean to leave you hanging." Malungkot na sabi ko. "I want to explain everything, I'm ready to talk now. I know it's too late but please, hear me out. Let me tell you what happened to her. What happened to us and what went wrong..."

Sleeping is our greatest escape from the nightmare we're living in.



No Strings AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora