NSA: 19

568 19 2
                                    

"Wala ba kayong mga assignment o project na kailangang ipasa?" Tanong uli ni Cat sa dalawa habang kumakain kami ng pizza.

Busy ang mga itong manood ng SpongeBob, nag-away pa nga sila kung anong panonoorin dahil mas gusto ni Hexane ang SpongeBob at gusto namang manood ni Aki ng Adventure Time. Nanalo naman ang kapatid ko nang mag-rock paper scissor silang dalawa.

Sinabi pa nitong nadaya raw siya ni Aki dahil hindi siya sanay gamitin ang kaliwang kamay niya dahil injured ang kanan niya. Hindi raw niya nagamit ang hundred percent niyang lakas ngunit hindi siya pinansin ni Aki kaya wala na itong nagawa kung hindi sumimangot sa tabi nito. Pagkatapos ng isang episode ay binigay niya ang remote kay Hexane na masaya namang inilipat ang palabas sa SpongeBob.

"Mga anak, mag-ingat kayo sa pag-akyat panaog. Malalaki na kayo, alagaan niyo 'tong bahay niyo." Sabi ni Dada sa'min nina Hecate matapos kaming dalhin sa tree house namin na tapos nang ayusin.

Isang buong araw namin itong hindi napuntahan dahil pinagawa ni Dada ang tree house para sure na matibay at para maging mas komportable kami kapag pumupunta kaming tatlo doon.

Magiliw namang tumango sina Hecate samantalang nakasimangot naman ako. Inaalala ko kasi ang paborito kong spot sa tree house.

"Sige na, umakyat na kayo. Ang mga saksakan, huwag niyong kakalimutang bunutin, ha?" Bilin pa nito pagkatapos ay isa-isa kaming ginulo ang buhok.

Hindi na tinago pa nina Hecate ang excitement at hinila na ako paakyat.

Pulido ang pagkakagawa sa hagdanan paakyat ng tree house, unang bumungad sa'min ang isang kama na kasya ang tatlong tao at lamesang may tatlong maliliit na malambot na sapin bilang upuan. May may mini microwave, electric fan at maliit na ref. Nilagyan na kasi ng solar panel ang puno. Parang may bahay na talaga kaming sarili.

Masayang lumapit naman ako sa kama dahil ang pinapatungan nito ay mini bookshelf. Agad na kumuha ako ng isang libro at umakyat sa bintanang katabi nito at doon umupo.

Dumiretso naman siya sa mini balcony namin at masayang tumingin sa langit habang si Hecate ay inusisa ang laman ng ref. Hindi ko naman napigilang mapangiti lalo nang umihip ang sariwang hangin.

"Anong iniisip mo, ha?" Nagbalik naman ako sa kasalukuyan nang may magsalita.

"H-Huh?" Wala sa wisyong sagot ko.

"Nakatulala ka kasi d'yan habang nangingiti mag-isa. Si Lilith ang iniisip mo 'no?" Nanunuksong bulong ni Hecate.

Naramdaman ko naman ang pag-iinit ng mukha ko dahil sa sinabi niya.

"Hindi siya ang iniisip ko," mahinahong pagtanggi ko.

"Sus, huwag ka nang mahiya. Gano'n yata talaga kapag in love." Pang-aasar pa nito habang nakangiti. Kabaliktaran naman ng masaya niyang ngiti ang mga mata niyang parang ang lungkut-lungkot.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko maiwasang itanong. Parang may iba kasi sa kaniya.

"Oo naman! Bakit naman ako hindi magiging okay?" Sagot ni Cat at tumawa pa. Kung anu-ano na yata ang nakikita ko.

"Sure ka?"

"Sure." Sabi nito at nag-thumbs up pa.

Linggo ng tanghali ay sumamang umuwi si Hecate sa mga bata. Gustuhin ko mang sumama ay hindi pwede, kapag nalaman nina Mimi na pumunta ako kanila Hecate subalit hindi ko man lang nagawa silang puntahan ay paniguradong magtatampo ang mga ito.

Hindi pa ako handang umuwi sa bahay.

At dahil ako ang naiwan ay ako na ang sumundo sa clinic na pinagdalhan namin kay Cookie.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now