NSA: 16

490 17 1
                                    

"Iniko, sure ka bang ikaw ang girlfriend ni Lilith at hindi si Percy?" Magkasalubong ang kilay ni Cat nang itanong niya 'yan sa'kin.

"Oo naman, bakit mo naman natanong 'yan?" Natatawang sabi ko.

Akala pa yata nito prank lang na girlfriend ko si Lilith.

"N-Nothing." Sabi nito at hindi na ulit nagsalita.

Isinawalang bahala ko na lang ang tanong nito kanina. Baka naisip niya lang 'yon dahil close si Percy at Lilith. Hindi ko rin naman siya masisisi kung ganoon ang naisip niya dahil minsan feeling ko ako ang third wheel sa'ming tatlo kapag magkakasama kami.

Ewan ko sa dalawang 'yon at bigla na lang naging close or close na sila talaga dati pa at ngayon ko lang napapansin kasi kapag magkasama kami ni Lilith dati ay hindi naman kasama si Percy dahil kapag nagkikita kami ay 'business' ang inaatupag namin.

Okay lang naman sa'kin ang closeness nila dahil hindi naman ako selosa at kaibigan ko si Percy.

Ilang linggo na rin ang nakalipas magmula noong pinakilala ko si Lilith bilang girlfriend ko. Minsan ay pumupunta siya sa apartment namin ni Cat at doon natutulog, minsan naman ay doon kami sa bahay niya.

"Iniko?" Natigil naman ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagtawag ni Cat.

"Hmm?"

"Do you love her?" Tanong nito habang nakatingin sa fries niyang nadurog na dahil sa pinaglalaruan niya lang iyon gamit ang tinidor niya.

"H-Huh?"

"Do you love, Lilith?" Pag-uulit nito ng tanong pero ngayon ay nakatuon na ang atensyon niya sa'kin. Hindi ko naman mapigilang mapatitig sa mga mata niya, black din naman ang kulay ng mata ko pero ang ganda lang ng sa kaniya. It feels like being drawn into a black hole, it's scary yet fascinating.

Nabalik naman ako sa realidad nang may pumitik sa ilong ko. "Ouch!" Maarteng sabi ko habang nakahawak sa ilong kong nasaktan. "Bakit mo naman ako pinitik?" Nakasimangot na tanong ko.

"Nakakadalawang ulit na kasi ako ng tanong sa'yo, hindi mo pa rin ako sinasagot. Alam mo namang ayaw ko ng paulit-ulit." Masungit na sabi nito at inirapan pa ako.

"Ay, sorry po kamahalan. Pasensiya na po at nasayang ang enerhiya niyo sa pagpitik sa isang mortal na katulad ko." Sarkastikong sabi ko sa kaniya. Ang hilig talaga manakit ng babaitang 'to. "And to answer your question, of course."

"Why do you love her?" Tanong niya pa at hindi pinansin ang pang-aasar ko sa kaniya. Bihira lang hindi pumatol sa'kin 'to, ganoon ba kahalaga sa kaniya malaman ang nararamdaman ko?

Why though?

"Hindi pa ba halata? Ang ganda kaya ng girlfriend ko, kahit sino ma-i-in love sa kaniya." Walang kwentang sabi ko at nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Seryoso kasi!" Naiiritang sabi nito.

"Seryoso naman ako, ah?" Dipensa ko.

"Minsan talaga ang sarap mong itapon." Inis na sabi niya. Bwisit na naman 'to sa'kin kasi hindi siya satisfied sa nakuhang sagot niya.

"Alam mo minsan, iniisip ko kung kilala ba talaga kita. Sometimes it feels like I'm talking to my best friend and sometimes I feel like I'm talking to a total stranger. Sana pwede kong mabasa ang iniisip mo." Parang wala sa sariling sabi nito.

"Ayaw mo no'n? There are no dull moments every day because there's more to discover in me." Nakangiting sabi ko pagkatapos ay kinindatan ko siya.

"But you're like the hidden forest, you're breathtakingly beautiful... Every day I explore you, and I thought I could solve the mystery of you but now I'm lost. It's dark in here and all I can see is your wall. The beautiful forest was just your front, you never gave me the chance to know you." Sabi nito at nginitian ako.

No Strings AttachedWhere stories live. Discover now