NSA: 24

468 16 0
                                    

Pagkarating namin sa resort ay may mga tao doon na nag-aayos ng pool area. Pinupuno na rin ng tubig ang infinity pool, mukhang pinapalitan nila ang tubig no'n. Dumiretso naman kami sa kitchen area may mga staff din doon pero may space naman kami dahil sa dirty kitchen sila nagluluto.

May less than five hours pa kami bago ang party kaya naman sinimulan na namin ang paghahanda ni Cat.

Habang nag-ba-bake kami ay dumating naman si Mr. Torres.

"Ms. Hecate, nandito na ang mixologist. Nagpasama na rin ako ng bartender para mas maganda." Proud na sabi niya.

"Ihiwalay mo ang egg yolk, Iniko." Sabi ni Cat nang makitang babasagin ko na ang itlog sa bowl ko.

"On it." Sagot ko naman.

"Great! Pwede na silang mag-setup, thank you." Sagot naman niya.

"Iniko?" Nag-angat naman ako ng tingin para tignan ang kung sinumang tumawag sa'kin at nakita ang dalawang magandang babae.

"Uhh... Yes?" Confused na tanong ko.

"Hindi mo na siguro kami naaalala, the girl from the bar?" Natutuwang sabi niya. "Alex and Autumn?" Duktong niya pa.

"What bar?" Naguguluhang tanong ko.

"Oh, and she's that girl who pulled you that night." Sabi niya habang nakatingin sa gawi ni Cat. Pagtingin ko naman sa kaniya ay masama ang tingin niya sa babaeng kausap ko, saka ko naman naalala ang tinutukoy niya.

"Ohh, Alex!" Namamanghang sabi ko.

"I think you know each other so I'll leave now, excuse me." Sabi ni mr. Torres at nag-exit na.

"Yup! So, are you two together?" Tanong niya at umupo na sa stool chair, ginaya na rin siya ng kasama niya.

"Nope! She's my best friend." Sabi ko naman at tinuloy na ang ginagawa ko.

"Really, huh?" Sabi niya.

"Yup!"

"You're single then."

"I'm not, I have a girlfriend." Sabi ko at napangiti nang maalala ang girlfriend ko.

"Oh, shoot! I forgot to invite her." Bulalas ko. "Wait a sec!" Sabi ko kay Cat at lumayo muna sa kanila ng kaunti para tawagan ang girlfriend ko.

"Hello?"

"Babe, free ka ba tonight?" Tanong ko sa kaniya.

"Oh, that. I have a meeting with my mom tonight, why? May date ba tayo later?" Tanong niya.

"Birthday kasi ni Rin, i-invite sana kita kasi i-su-surprise namin siya mamaya." Malungkot na sabi ko.

"Awe, I'm sorry. Bawi na lang ako next time, ha? Pakisabi na lang kay Rin, Happy birthday. Sige na, mamaya na lang. Love you." Sabi niya at binaba na ang tawag.

Tahimik naman akong bumalik sa ginagawa ko.

"So--"

"Why not start setting up your booth and we'll talk again later. Okay?" Putol ni Cat sa sasabihin sana ni Alex.

"O-Okay." Sagot naman ni Alex.

"Pasensiya na sa abala, mauuna na kami." Rinig kong sabi naman ni Autumn.

Nang makaalis na ang dalawa ay saka siya nagsalita. "Hindi siya makakapunta, 'no?"

Napabuntong hininga naman ako saka tumango. "Busy siya mamaya, work stuff."

"May next time pa naman." Sabi niya at tinunggo ako gamit ang hip niya. Napangiti naman ako dahil sa ginawa niya.

"Yeah."

Tinapos na namin ang pag-ba-bake at nang mailagay na namin ang ginawa namin sa oven ay ihinabilin na lang 'yon ni Cat sa isang kitchen staff na napadaan para makapaghanda na rin kami.

**

Naka-setup na ang lahat sa pool area pero nandito kami ngayon sa loob ng clubhouse.

"Hindi niyo naman na kailangan na i-surprise ako." Masayang sabi ni Rin matapos i-blow ang kandila. Nakaupo na siya sa kabisera ng mahabang lamesa kung saan maraming pagkain ang nakahanda.

"Pa-showbiz ka pa, sabihin mo na lang na nagustuhan mo." Pag-epal ko.

"Bitter ka lang d'yan dahil 'di ka pa na-su-surprise." Masungit na sabi niya.

"I'm not a fan of surprises anyway and there's nothing special about birthdays." Masungit na sabi ko at nagsimula nang kumain. Gustuhin ko mang umalis na lang dahil ang awkward pero birthday niya ngayon kaya hahayaan ko na lang, kasalanan ko rin naman.

"Anyway! Let's eat everyone, the real party will start outside." Pag-iiba ng usapan ni Cat. Bumalik naman ang ingay at nagsimula na rin kumain ang mga katrabaho namin.

"Sorry." Rinig kong sabi ni Rin.

"It's fine." Sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko.

Maraming lumapit kay Rin para batiin siya ng personal at iabot ang mga regalo nila para sa kaniya. Masaya naman niyang tinanggap ang mga 'yon.

Kinuha ko naman ang cake na ginawa ko para ibigay sa kaniya. Ang cake kasi ni Hecate ang nilagyan ng kandila kanina.

"Oh." Sabi ko habang inaabot ang cake sa kaniya.

"Anong gagawin ko d'yan?" Nagtatakang tanong niya.

"Ilalagay sa mukha mo." Sarcastic na sabi ko. Sinimangutan naman niya ako. "Ako nag-bake niyan."

"Hay nako, Mate. Sabi ko na nga ba, ako ang favorite cousin mo e'. Hindi naman sa pagiging demanding pero baka may idadagdag ka pa?" Masayang sabi niya pagkakuha ng cake sa akin.

"Meron, sampal. Gusto mo?" Sabi ko at pinakita pa ang palad ko sa kaniya.

"Ito naman, joke lang." Sabi niya pagkatapos ay nag-pout. Napairap na lang ako. "You said something about traveling around the country before and because of the company, you're unable to fulfill that." Nagningning naman ang mga mata niya dahil sa sinabi ko.

"So, you're making that happen?" Excited na tanong niya.

" So, I'll fulfill that for you. Kailangan ka ng company. Don't worry, hindi ko kakalimutang mag-picture for you." Masayang sabi ko.

Parang maiiyak na hindi maipinta naman ang itsura niya kaya hindi ko na napigilang tumawa.

"Just kidding! Yeah, nakaayos na ang lahat. Ako muna ang bahala sa company, may one month ka." Nilapag naman niya ang cake na ginawa ko sa malapit na lamesa sa'min saka ako sinugod ng yakap.

"You're the best talaga! Kailan ako pwedeng umalis?" Parang kinikilig na sabi niya.

"Kahit kailan mo gusto." Sabi ko at humiwalay na sa pagkakayakap niya.

"Thank you." Madamdaming sabi niya.

"You're welcome. Tara na at baka maubusan na ako ng alcohol sa labas." Sabi ko. "Pero itabi mo muna ang cake dahil ako ang nag-bake niyan. I-appreciate mo naman!" Masungit na sabi ko.

"Uubusin ko 'yan, Mate. Wala akong ititira, promise!" Masayang sabi niya.

"Good. Magpapalit lang ako, ikaw rin. May bikini ka na sa taas." Sabi ko at nagtungo na sa kwarto kung nasaan ang bikini ko.

This will be one heck of a night.




No Strings AttachedOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz