I'm already losing her.
Napabangon naman ako dahil doon, I can't keep on wasting time. She can't wait forever and maybe she's already done waiting for me but who cares? Kung ayaw na niya sa'kin, okay lang kahit hindi na niya ako mahal. I'm sorry, Cat, but I can't afford to lose you, too.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko at kinuha ang susi ng kotse ko. Its now or never.
Kapag pinagpabukas ko pa 'to ay baka mawalan na naman ako ng lakas ng loob na sure akong pagsisisihan ko habambuhay.
Medyo natagalan ako sa pag-dr-drive dahil sa traffic pero ayos lang, dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko kapag nando'n na ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya pero pakiramdam ko ay kapag hindi ko siya nakita ngayon, hindi ko na siya makikita ulit.
Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng bahay namin ay ilang beses pa akong huminga ng malalim bago ko napagdesisyunang buksan ang pinto.
Pagkapasok ko ng apartment ay bumungad sa'kin si Hecate na nag-s-slow dance mag-isa, yakap niya ang sarili habang nakapikit kaya naman hindi niya ako napansin na kakapasok lang. Malakas din kasi ang pinapatugtog niya na 'Unchained Melody' ng The Righteous Brothers.
Naglakad naman ako palapit sa kaniya then a sudden memory came rushing into my mind, three kids cleaning a treehouse and dancing with music on.
Kinuha ko namang pagkakataon iyon para titigan ang mukha niya. Isang buwan ko ring hindi nakita ang maganda niyang mukha. I missed her so much. Oh, how I want to hide her from everyone and keep her for myself... but who am I to do that? I hurt her, I'm the one who she must be protected from. How ironic... I'm the one who promised to protect her and yet she's the one who's been protecting me.
Naramdaman niya sigurong may nakatingin sa kaniya kaya siya tumigil. Pagkamulat ng mga mata niya ay halata ang gulat sa mga ito ngunit napalitan din agad iyon ng lungkot pagkatapos ay nag-iwas siya ng tingin sa'kin.
I can't blame her if she hated me now, I deserve it. I'm too selfish and an arsehole and stupid.
"Hecate." Pagtawag ko sa atensyon niya ngunit hindi pa rin siya tumingin sa'kin. "Can we talk?" Pagkasabi ko no'n ay saka lang siya tumingin sa'kin, nabasa ko ang hinanakit sa mga mata niya.
"It's okay, Iniko. Kahit ano namang sabihin ko hindi ka maniniwala. Even though I confessed my love for you, I don't have any intention of ruining your perfect relationship. It's okay, pagod na akong habulin ka." Nagpaparayang sabi niya. Naramdaman ko naman ang pagtulo ng mga luha ko at pagsikip ng dibdib ko. Alam kong tuluyan na siyang nawala sa akin pero gusto ko pa ring marinig niya ang gusto kong sabihin.
"N-Naiintindihan ko pero sana... Sana bigyan mo pa rin ako ng pagkakataon na kausapin ka." Napansin ko naman na parang huminga siya ng malalim bago tumango at tumalikod sa'kin.
"Alam kong buo na ang desisyon mo, hindi ako naparito para ipagpilitan ang sarili ko sa'yo. Kasalanan ko naman kung bakit ayaw mo na sa'kin ngayon." Hindi ko alam kung anong reaksyon niya sa sinabi ko dahil nakatalikod pa rin siya kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsasalita.
"But will you go home with me? I'll tell you everything, you don't have to act as if nothing happened... This will be the last time then after that I won't bother you again." Pagkasabi ko no'n ay tumingala siya at pagkalipas ng ilang segundo ay humarap na siya sa'kin.
"We can talk here." Kalmadong sabi niya.
"I'm sorry but please, just this one." For a split second, I saw the longing in her eyes before it became cold again. Too fast that it's making me doubt myself if what I saw was real or not.
YOU ARE READING
No Strings Attached
RomanceGxG story. I was bored. Started: August 7, 2020 Finished: January 4, 2021 Published: January 5, 2021
NSA: 29
Start from the beginning
