Humigpit ang hawak niya. Gumalaw ang isang kamay patungo sa bewang ko. "Heather... I—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang humina ang music at may nagsalita.

"Good evening ladies and gentlemen!" Nagkatitigan kami ni Grant. Nginitian niya ako. Hinawakan ang isang kamay ko para alalayan pabalik sa venue. "Are you excited to start the event?"

Nakatitig ako sa baklang nasa harap na may nakakabit na lapel microphone. Mukhang local actor, I mean, actress ang baklang nasa harap.

Iginala ko ang mga mata. Maraming tao. Marami ring table na ang motif ng telang nakacover sa mga ito ay kulay rose. May mga nakahilerang waiters sa magkabilang gilid na naghihintay lang na may kumaway sa kanila.

"I supposed that the thirteen families are already here," ani naman ng babaeng katabi ng baklang host. Local celebrity din yata siya. Isa-isa niyang binanggit ang labing tatlong mga apelyido na kabilang sa Trese. "Alba, Caballero, de Carpio, Del Rio, El Grandia, Flores, Fulgencio, Loriete, Montreal, Moravia, Roa, Tuazon and Wilson. So, let's get the party started." Nakisali kami ni Grant sa palakpakan. May mga nagtoss pa ng mga kopita ng alak.

Marami pang sinabi ang dalawang hosts. Hanggang sa may nagperfrom sa harap. Wala na akong pakialam sa mga nangyayari. Lahat ng atensiyon ko... napunta na kay Grant. Umupo kami sa table na medyo malayo sa Hot Dogs at Sexy Chicks. Umiiwas talaga siya sa gulo.

Nabalik lang ako kasaluyang nangyayari nang biglang lumakas ang music. Napatingin ako sa unahan. May tatlong sumasayaw. Nanlaki ang mga mata ko.

Sumasayaw lang naman kasi ang magaling na si Jerson Quin. May dalawa siyang back-up na mga nakasuot ng pula mula ulo hanggang paa. Mukhang plinano niya na naman ang magpasikat ngayon.

Jazz ang music. Sumasayaw si Jerson na parang nang-aakit. Naghiyawan ang mga Hot Dogs, nang-aasar. Magaling sumayaw si Jerson. In fact, dancer siya no'ng College kami. Kumindat siya at ngumisi kay Shantal na katabi si Caleigh sa table at ang kanilang pamilya.

"Gago talaga!" Komento ni Grant pero tumatawa.

Nagtatawanan na rin ang mga tao. Mukha kasing tanga si Jerson sa harap pero ang hot. Jusko! Pagtatawanan niya ako kapag nalaman niyang iniisip kong ang hot niya sa ginagawa niya. Nakataas ang kanyang mga kamay sa ere at dahan-dahang gumigiling. Nakangiti. May pakagat-kagat pa ng labi. Napapailing ako pero humahagikhik pa rin. Ang kulit niya talaga.

Naglakad siya pero gumigiling pa rin. Lahat ng mata sa kanya nakatingin. Lumapit siya sa table nina Angel. Tumigil sa gitna nina Keziah at Vlaire. Nagtatawanan sina Irish at Denice.

Hinawakan ni Jerson ang kamay ni Keziah at hinila patayo. "Hey!" apila ni Kez. Hinila ang kamay.

"I thought you love to dance, Kez." Natatawang turan ni Jerson. Sa nababasa kong aura ni Keziah gusto na niyang manapak. "Dance, Kez!"

"Dude, stop that shit," saway ni Dew. Magkatabi lang ang table nila nina Angel. Dalawang table naman ang layo nila sa 'min.

Nagpalit ang music. Bumilis. Natigilan kami. Pati si Jerson, nagtataka. Napatingin ako sa harap. Naghiyawan ang lahat. Umiling-iling si Grant pero hindi pa rin tinatanggal ang kamay sa bewang ko.

"Sorry, I'm late." Sumulpot sa harap ng Hot Dogs ang leader nilang si Zyle Aldrin de Carpio. Nakatuxedo. Nakawax ang buhok at bahagyang nakataas. Seryoso ang mga matang nakatuon kay na Jerson at Keziah.

"That's usual!" Komento ni Kuya Xyrus. Binalak na makipagfist bump pero nakatalikod na si Zyle. Nagtawanan sina Cyclone at Dew. Sina Brix at Serg, nakatingin lang. Habang si Green hindi ko tinitingnan. Si Grey naman mukhang enjoy na enjoy sa tabi ng ipis. Now, kumpleto na ang Hot Dogs dito sa venue. Siyam kasi sila lahat, eh. And yes, kasama ang cockroach.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now