IAR [8]

136K 3.7K 599
                                    

-8-

Otanjoubi omedetou. Otanjoubi omedetou. Otanjoubi. Otanjoubi. Otanjoubi, Xhaiden.

Kinusot ko ang mga mata nang tumama ang sinag ng araw. Inabot ang alarm clock sa maliit na wooden table na katabi ng kama pero hindi ko maabot.

Otanjoubi omedetou. Otanjoubi omedetou.

"Arg!" Bumangon na ako at kinuha ang personalized alarm clock na tumutunog. Ito ang kumakanta ng 'Birthday' song in Japanese tune. Hindi ko alam kung si Grant ang may pakulo nito. Pero kung siya nga...

Hindi ko na napigilan ang mapangiti. Hindi naman panaginip ang nangyari kagabi, 'di ba? Sigurado akong totoo iyon. Nakakainis lang dahil no'ng oras na magtanong ako kung bakit niya ginagawa 'yon, hindi niya itinuloy ang gustong sabihin.

Ngumiti lang siya at sinabing... "Just eat, Heather."

Nakakafrustrate. Pero wala, eh. Nginitian ako, eh.

Napaalis ako sa kama nang makitang 3:33 PM na. Geez! Seryoso? Triple 3?

Dali kong inilapag sa mesa ang alarm clock at nagsuot ng tsinelas. Birthday na birthday ko tapos kalahating araw akong tulog. Natigilan din ako sa pagmamadali nang may napansin akong kakaiba.

Birthday ko, 'di ba? Nasaan na sila? Sina mommy at daddy? Si Kuya Xyrus? Sina Angel at Brix? Ang Hot Dogs at Sexy Chicks? Si Grant?

Wala sa sariling pumasok ako sa banyo. Naestatwa na lang nang makita ang maliit na note na nakadikit sa pinto. Kulay pula ito kaya agaw pansin.

'Happy birthday, baby. Take a bath now and get ready for the party.' ~ Mommy.

Napatutop ako sa bibig. Kinuha ko ang note. Dali akong pumasok sa loob ng banyo at nagwisik. Hindi naman wisik, basta naligo ako nang hindi normal na ligo. Nagmagic lang yata ako kaya agad akong natapos. Lalabas na sana ako nang may napansin ulit na pulang note sa salamin.

'Baby, baby, it's your birthday and I'm so happy. Gusto na kitang gisingin at batiin kanina pa. Kaso, si mommy in-under na naman ako. Pasensiya na baby, ha? At 'wag kalimutang isuot ang nakalagay sa itim na paper bag na nasa gilid ng bathtub.

PS: Don't forget baby, hihiwalayan ako ni mommy kapag hindi mo sinuot. Huhuhu :'(

~ Daddy'

Si daddy talaga takot kay mommy. Napailing na lang ako sa 'Huhuhu' at sad face niya sa dulo ng note.

Nakita ko naman agad ang itim na paper bag. Tumambad sa 'kin ang plain black two piece nang halungkatin ko ang paper pag. Strapless pa ang pang-itaas. Walanjo! Napanganga na lang ako. Bakit ito ang susuotin ko? Seryoso?

Wala rin namang silbi kung mag-iinarte ako. Sinuot ko na lang dahil ayoko namang hiwalayan ni mommy si daddy. Kahit hindi niya naman talaga kayang gawin 'yon.

Napapailing ako nang lumabas ng banyo. Napangiti ako nang mapansin ang mga red petals ng roses na nagkalat sa sahig. Meron na ba 'yan kanina?

Sinundan ko ito hanggang sa matapat ako sa main door ng k'warto ko. May pulang note na naman na nakadikit.

'Hoy babae! Bilisan mo ha. Gutom na ako. Tagal mong magising. Alam mo bang pinagsuot nila ako ng costume ni Tinkerbelle? Tangina. 'Di naman ako bata. Cosplay event ba itong party mo? Dapat pinag-Darna na lang nila ako. At least katukayo ko si Angel Locsin. Pasalamat ka birthday mo. HAPPY BIRTHDAY pala. Bilisan mo. Nangangawit na ako sa heels ko. Leche.

~ Gel'

Napaangat ang isang kilay ko. Walang hiya talaga 'yon si Angel. Tiningnan ko ang likod ng papel at humalakhak ako sa katangahan niya.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now