PEMPEM 30

126 4 1
                                    

February 3, 2016

PEMPEM'S POINT OF VIEW

NAKANGITI AKONG TUMUNGO kanila Andrei, sa girlfriend niya at saka sa mga kaibigan niya. Uwian na kasi at sa ibang gawi na ako dadaan. Nagpaalaman pa kami sandali bago ako tuluyang umalis.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil unti-unti na kaming nagiging close, saka unti-unti na rin akong nakakapag-move on kay Andrei. Natatanggap ko na hanggang magkaibigan lang talaga kami at kuntento na ako roon.

Natigilan ako nang biglang mamatay ang mga ilaw ng poste kung kaya't biglang dumilim sa paligid. Nakaramdam ako ng takot kaya binilisan ko nang maglakad pero natigilan ako nang biglang humangin nang malakas. Napakapit ako sa posteng katabi ko dahil sa sobrang lakas ng hangin ay baka matangay ako.

"Pempem.."

May bumubulong mula sa hangin ng pangalan ko at hindi ko alam kung saan nanggagaling iyon. Nagpalingon-lingon ako sa paligid, nagbabakasakali na mahahanap ko kung saan nagmumula ang tinig na iyon.

Mula sa 'di kalayuan ay may nahagip ang mata ko na isang imahe ng tao. Nang dahil sa kadiliman ay hindi ko makilala kung sino iyon.

"Ang dalawang sintas mula sa mga oras na ito.." Nakikilala ko ang boses na iyon! Biglang bumukas ang mga ilaw ng poste at doon ko nakita at nakilala kung sino ang imahe ng taong iyon.. siya iyung matandang creepy! At nakatitig siya sa akin ngayon habang ngiting-ngiti. ".. ay tuluyan nang pumulupot sa isa't isa at hindi rin magtatagal ay maghihiwalay na ang mga iyon at magkakaroon ng tigkalahating kulay na puti at pula!" Tumawa siya na parang nababaliw at lalo naman lumakas ang hangin kaya't napakapit ako ng maigi sa poste.

Sa isang iglap ay bigla siyang naglaho at kasabay niyon ang pagkalma ng hangin.

Sandali akong natulala at pilit na kinakain ng sistema ko kung ano ang nangyari kani-kanina lang.

Nang makabalik sa ulirat ay agad akong tumakbo papauwi.

Aaminin kong natatakot ako ngayon, pakiramdam ko nawawalan na ako ng seguridad. Baka kung ano ang gawin niya sa akin.

Ngayon ko napatunayan na isa talaga siyang mangkukulam, hindi na iyon kaduda-duda.

Ngayon, ano ang pinaplano niya? Ano ang gagawin niya sa akin? Kung ako man ang isang sintas, sino naman ang isa? At kung sakali mang matanggal na ang pulupot ng sinasabi niyang mga sintas, ano na ang mangyayari?

Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nang makauwi ako ay dumiretso ako sa kuwarto at binuksan ang diary ko.

Nagulat ako nang may makitang Spanish word sa gitna ng papel na susulatan ko.

Ngunit kahit na ganoon ay hindi ko na lamang iyon pinansin at nagsulat na lang.

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

February 3, 2016

Dear Diary,

   Tulad kahapon ay walang nangyaring away sa pagitan ko at ng mga kabigan ni Andrei. Medyo umayos naman na yung bunganga nung pasmadong lalaking yon.. at buti nalang kasi kung hindi e masusupalpal ko na siya..

   Diareh!! Ang creepy >.< nakasalubong ko yung matandang creepy kanina habang papauwi ako T.T ang daming nangyari kanina pero hindi ko masabi kasi naookupa yung isip ko ng mga tanong sa kung ano bang mga pinaplano niya sa akin blah blah blah..

Ang Diary ni Pempem [SEASON ONE]Where stories live. Discover now