I love him... so much. Pero kapag inabot ng pangangailangan ang isang tao at mas pipiliin kung anong nakakabuti para sa kanya, I have no choice but to accept it wholeheartedly.

Wala akong laban sa unang minahal. At iyon ang iisang bagay na tuluyang magpapatalo sa akin.

"Ganoon naman lagi ang ginagawa ko, hindi ba? So why still asking me that?" matigas kong tugon. He didn't uttered some words after that. Tila nakalimutan na niya ang namumulang pisngi dahil sa sampal ko. "I guess, I can now leave you here? Tawagan o text mo na lang ako kapag maayos na takbo ng utak mo."

I went out to the hotel room after that. Sumara pa lang ang elevator ay hindi ko na natiis na umiyak. I silently cried inside, feeling the pain that he gave me.

Masaya sana ang kahihinatnan ng gabing ito. He prepared a dinner for me and then the sudden news ruined my appetite and mood.

Para akong hangin, nasa tabi niya lang naman pero kahit ramdam na ramdam ako, hindi pinapansin. Hindi nasabihan kung anong naging plano niya para kahit ano naman, maging handa ako balang araw.

Sanay kasi akong kahit wala siya sa tabi ko ng ilang oras ay bigla naman siyang nagpapakita. And then after that, we are happily living the moment. Kayang-kaya niyang isarado lahat ng lungkot na naranasan ko noong wala siya pero kapag sa mga ganitong ideya, tingin ko ay hindi ko na kayang magtiis.

Hanggang sa pag-commute pauwi ng bahay ay hindi ako tinantanan ng luha sa mukha. This night's been cruel to me. Ibinuhos lahat sa akin ang kalungkutan at sakit na hindi ko naman inasahan.

Nakakasira ng pakiramdam ang ilang salitang narinig ko sa ngayon. Lalong-lalo na iyong nanggaling sa kanya.

I supported him but still labeled as selfish. Kailan ba ako nagpatigil sa kanyang mag-attend ng class para lang sa time na gusto niya? Did I contradicted his decision? Kailan ako kumontra para sa pangarap niya? Wala akong naaalala kahit isa.

Hindi pa rin pala sapat. He's a good man but one single word ruined it all. Nag-iisang salita pero nagawang paibahin ang tingin ko sa kanya. I guess that's how relationship works.

Nakikilala mo ang isang tao kapag tumatagal kayo. In my case, hindi pa man kami nag iisang taon ay nakita ko na ang ibang side niya. That's an advantage for me because at least, I got a chance to know about him more.

Though the memory's still fresh, I still managed to attend my classes. And I got no text from him. Na maski tawag ay hindi ako nakatanggap mula sa kanya.

Hindi na ako nag-expect kasi ako mismo ang nasasaktan. I ignored all the possibilities and focused my mind to my studies.

Pero kahit ganoon man ang nangyari sa akin, hindi ko sinabi iyon kay Jacob. I didn't tell him about what happened because I don't want him to be involved in here. Gusto kong magsumbong kasi kahit ganito ito, handang-handa itong makinig palagi sa akin. Pero sadyang ayoko lang talagang pati siya ay mahirapan din sa sitwasyon ko.

Ngumiti ako kaagad nang papalapit na ito sa akin. As usual, nakasabit sa kanya ang bag habang hindi naaalis ang tingin sa akin.

I waved at him and waited for him patiently. Gusto kong makasama ito kahit ngayon lang. Gusto kong matanggal ang kaunting lungkot sa akin.

"Kanina ka pa? Sorry, ah? Si Miss kasi, na-busy kakakwento tungkol sa buhay niya kaya late na kami nakalabas," pagpapaumanhin niya.

"Okay lang. Hindi naman ako masyadong matagal na narito."

"So saan tayo kakain? Libre ko na agad, mukhang pagod ka na nga, eh," napatawa ito saka ko hinampas ng mahina. "Seryoso. Anong nangyari sa'yo? Bakit mukha ka naman yatang naiyak ng magdamag?"

I shook my head and then smiled widely at him. Naroon sa kanyang mukha ang bahid ng hindi pagpapaniwala sa naging kilos ko.

"Nothing's wrong with me. Can I request something?" pag-iiba ko ng usapan. Tumango ito ng mabilisan. "Inom tayo, sagot ko. Hindi ba, marami kang alam? Dalhin mo 'ko do'n."

Natigil ito ng sandali sa naging suhestyon ko. I held his wrist to convince him because I can't think anything to ease what I am feeling.

Gusto kong malasing na agad para pagdating mamaya ng bahay ay diretso tulog na kaagad. Ayokong mag-isip masyado sa mga pangyayari.

"Seryoso ka? Bakit ka nang-aaya?"

"Dali na kasi. Kahit ngayon lang. Gusto kong tumakas sa school saka gawin 'yon kasama ka," pagpupumilit ko pa sa kanya.

"Aba'y dapat lang na ako ang kasama mo. Baka mabastos ka ng iba riyan tapos ako sisihin ng boyfriend mo." Napakagat ako sa labi nang marinig iyon. "Sige na nga. Tara tara."

I maneuvered my car and followed his. Hindi masyadong malayo iyon sa eskwelahan pero sakto lang kasi kakaunti ang tao. I can pay for anything just for today. Gusto kong mawala ang lahat ng iniisip kahit sa ngayon lang.

"Sigurado ka ba talaga? Baka naman trip mo lang? May ilang minuto ka pa para mag-back out," mahina ko siyang siniko nang makarating na kami.

He just entered the place and took me somewhere far from other people. He got a room for ourselves and he insisted to pay just the room only. Ako na raw ang bahala sa mga inumin.

Madilim sa loob at kung hindi pa dahil sa pulang ilaw na nagsisilbing kaunting liwanag ay parang hindi na ito matatawag na room pa.

I sat on the long sofa and then I watched him doing something on the karaoke located just in front of me.

May kung anong ginawa ito doon bago tuluyang naupo sa akin at inilagay ang dalawang mikropono sa mesa.

"So tell me what's your problem? Care to share it, sseb?" he started. Napatingin ako sa kanya, may pagtataka sa mukha at tila nagulat pa na nalaman niya ang tungkol doon.

"Wala naman. Bakit mo naisip 'yan?" sinabayan ko iyon ng tawa. Napailing ito na para bang hindi naniniwala sa tinuran ko.

"You can't lie to me. C'mon, share it to me. Promise, hindi kita iju-judge," he raised his palm. Ako naman ang napailing ngayon nang dahil sa kanya.

"Wala nga. Bawal ka bang ayain ngayon sa inuman? Bawal ka bang makasama?" I asked softly. Ilang segundo itong hindi nagsalita bago ako niyakap.

The embrace that I wanted to feel now. Kakaiba ang yakap ng kaibigan kong 'to kasi parang iyon ang kanyang paraan para maibsan kung anumang nararamdaman ko. Gusto kong magsumbong pero ayokong maawa siya sa akin, ayokong pati ang problema ko ay isipin pa niya.

Jacob's too precious for me. Gusto kong huwag ako ang atupagin niya.

"Sseb? Nandito lang ako, ha? Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. You can always rely on me. Hindi kita papabayaan at iiwan."

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن