"Ganoon ba? Lalo tuloy akong nacu-curious kung magaling nga ba talagang silang dalawa"

Hindi na namin ipinagpatuloy pa ang pag-uusap ng may isang babaeng estudyanteng sa tingin ko ay grade-7 ang pumasok sa pag-aakalang sasali sa aming club.

"Ano pong kailangan nila?" magalang na tanong ko rito.

"Mag a-audition kaba? Heto ang iyong fi-fill up-an" tanong ni Tricia.

"Narito po ba si Gelo? Gelo Mortel daw po" tanong ng bata habang dahan-dahan lumalakad papunta sa tapat ng aming lamesa.

"Narito siya, anong kailangan mo sa kaniya?" tanong muli ni Tricia.

"Anong kailangan mo sa aakin, magandang bata?" sabat ko sa kanilang dalawa.

Tila naliwanag ang kanyang muka matapos mapag-alamang ang hinahanap niya ay nasa harapan na niya at ako pa.

"May gusto lamang po akong ibigay sa inyo. Ipinapabigay ng babae sa labas"

Sabi niya sabay lakad patungo sa akin matapos kong pahintulutan siya sa kaniyang ipinunta.

Marahan niyang inabot ang isang maliit na kulay berdeng kahon na may disenyong dahon sa pambalot at bago ko ito  tanggapin ay akin muna siyang tinanong.

"Sinong babae sa labas?" tanong ko sa kaniya habang hindi pa rin tinatanggap ang dala niya.

"Hindi ko po alam e kasi masyadong mabilis ang pangyayari tapos may ginagawa ba ako ng mga oras na iyan. Basta bigla nalang niyang nilapag iyan sabay sabing ibigay ko daw sayo. Hindi ko nga alam kung bakit ko sinunod e, boses pa lang kasi alam mo nang walang kakayahang gumawa ng masama" mahaba niyang sabi.

"Natatandaan mo ba ang boses niya ng sa gayon ay kung makikilala ay makapag pasalamat ako sa kaniya?"

"Ang natatandaan ko lamang sa boses niya ay tila boses ito ng anghel sa sobrang sarap pakinggan, napaka amo ng boses nito. Ayun lang kasi umalis na nga siya bigla"

"Ganon ba? Sige, salamat" pag papasalamat ko sa mumunting impormasiyon niya.

"Heto po, Kuya" sabi niya sabay abot sa akin ng kahon.

Ng mapansing hindi ko pa din ito tinanaggap ay siya na mismo ang naglapag nito sa aming lamesa sabay takbo palabas ng pintuan.

"Pinapasabi niya rin pong wag ka magpapaka-pagod kundi malukungkot siya!" pahabol na pasigaw niyang sabi sabay lisan ng silid.

Hinabol ko siya hanggang labas ng silid upang mag pasalamat sana at kung sakaling makikita ang nag pabigay nito sa akin.

Akala ko ba ay wala na siyang narinig na iba? Hmmm

May itatanong pa sana ako ngunit wag nalang at bumalik na sa aking upuan.

Tinitigan ko kung ano maaari ang laman ng maliit na kahon.

Akin itong kinuha at binasa ang maliit na papel na nakasingit rito.

"Kainin mo iyan para hindi ka maubusan ng lakas hanggang matapos ang iyong ginagawa"

Hindi ko maisip kung sino ang nag sulat dahil mahahalata mong printed ang pagkakasulat ng mga letra.

Wala din naman akong alam kung sinong may pagtatangi sa akin kaya wala akong ideya kahit isa sa kung sinong  nangbigay.

"Ayieee, ikaw ang lalaki ngunit ikaw ang may natatanggap" mapanuksong sabi ni Yanna na kakabalik lang dala-dala ang maliit na bag na lagayan niya ng make-up.

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now