Chapter 2

14 0 0
                                    

Changed

-Xav-

TAHIMIK lang kami dito sa lamesa, si Quart at Sniper ang umorder para saamin. As usual magkatabi ang mag-jowa. Nasa tapat ko sila Dash, Bianxi, Vina at Gunter habang nasa tabi ko si Penelope kasi medyo nahihiya pa daw sya. Nakita ko na lang na papalapit na sila Sniper dala dala ang tray, punong puno ng pagkain

"Pen, sit here" Penelope is reseated at the end of the table, the chair she used to sit with is now occupied by Sniper. Nagulat na lang ako ng umupo si Quart sa tabi ko at ang laki ng ngiti nya. Naka-salamin na sya ngayon, baka di nya suot contact lens nya

"Here Xav, nag-order ako ng sundae tsaka fries para sayo, tsaka burger na rin at float. Kain ka na" di ko alam ang irereact ko sa ginagawa nya, napantingin ako kay Bianxi but she just shrugged her shoulders and starts eating. Kinuha ko yung tissue at mayonaise. Nilagay ko yung ketchup at mayo sa tissue para maging thousand islands

"Here Sniper, your favorite. Isawsaw mo jan" nilapag ko dahan dahan yung tissue sa tapat nya, kumuha ako ng fries at sinawsaw iyon sa thousand island at akmang isusubo yun kay Sniper. Agad naman nya kinain yun at ngumiti sya sabay nguya. Namula naman ako dahil dun

"Ahm Xav, kamusta ka na? Kwento ka naman oh" nagsalita bigla si Quart, tinignan ko lang sya, pero mukhang di sya nagpatinag dun. Ano bang nangyayari sa kanya? Parang ang cold cold lang nya saakin last 3 years ago ah! He smiled pero wala ng epekto saakin yun. I should act normal even thou i hate him so much

"Fine, nakapag-graduate naman, we met Penelope, masaya sa York House, Sniper always bring me to different places and tour me everyday. Masaya sa Canada lalo na nung nakasama ko pa si Sniper" nag-smile naman sila Vina at Bianxi doon. Napatingin ako kay Quart, sadness crossed his eyes but he remain smiling and starts chewing

"How about you, Quart? What happened to your supposed to be wedding, am i right?" I said at uminom sa float ko. My question made everyone silent. Dash starts to talk

"Ahmm Xav, i think you should no---" he was cut off by Quart who is busy looking at his burger, he smiled and he answered

"You're right about what you said 3 years ago. She is fooling me, i should have listen to you..." He said while looking down in his food, me as well my friends are anticipating for his next answer

"Pero wag mo na isipin yun, siguro isipin na lang natin yung pagbalik mo. I'm happy you're back, Xav! I missed you" he said those sentences while looking at me. I don't know how to react. Gulat ang bumabalot saakin, it was like the 5% of my heart is beating so fast but not enough

----

WHILE my hair is on a messy bun at ang kanang paa ko ay naka-taas sa upuan, nginu-nguya ko ang laman ng bibig ko habang nakatulala. Iniisip ko pa din yung sinabi ni Quart kahapon, pagka-rating ko sa bahay, ay natulog agad ako kasi may jetlag pa ako!

"Woi! Sino na naman yang iniisip mo" nagulat ako sa kuya ko, naka-pang alis sya at mukhang may pupuntahan. May hawak syang folder.

"Tsk! Panget mo! Saan punta mo?" I said at humigop sa kape na tinimpla ko. Inaayos pa rin nya ang buhok nya sa salamin. Feeling gwapo waleya

"Mag-eenroll kasi ako aba! Ikaw kailan mo balak mag-enroll?" Oo nga noh? 2nd week of May na, kinuha ko yung phone ko at nagchat sa GC namin. GC namin 'tong 7, di pa naman na-aadd si Penelope

From : Xavayag

Kailan kayo mag-eenroll?

Agad naman nila itong na-seen. Si Dash na ang sumagot

From : Dashboard

Mamayang tanghali, sabay kami ni Bianxi. Kayo?

Waleya Dashboard amp! Ano yan kotse? Ako nga Xavayag eh. Mukha ba akong bayag?

From : Di na VINAlikan

Pasabay na kami ni Gunter, kayo @Xavayag @QUARTerNote @Sniperangot?

Sniperangot added Penelope Shannia

Ayan na si Penelope, agad naman nag-hi ang mga kaibigan ko. Sabi ko sasabay na ako bukas sa kanila ng magchat si Quart. I just rolled my eyes

From : QUARTerNote

Ako din, I'll pick up Xav, kita na lang tayo jan!

Aangal na sana ako ng lahat sila ay nag-react na ng like sa chat ni Quart. Pati si Sniper, iyak na ako! Tinutulak na ako palayo ng baby Sniper ko

Hinanap ko ang I.D, Card at form 137 ko as well as my birth cert and my other documents at nilagay na sa folder, umakyat na ako sa kwarto ni mama at nagtutupi sya ng damit namin

"Ma! Mag eenroll na pala ako mamaya" sabi ko at tumayo naman sya palapit saakin

"Kunin mo yung credit card ng ama mo sa may TV sa baba! Iniwan nya yun" tumungo naman ako at nag-ayos na. Pagkatapos maligo ay tumawag ako kay Sniper

Calling Sniper Cute

"Hello"

"Masusundo mo ba ako Sniper? Pwease" pacute effect ko. I'll try and try until i succeed hanggang sa ma fall sya sakin. Baka Xavrina 'to. Fortalejo lang sakalam.

"I'm sorry i can't. Susunduin ko pa si Penelope"

"Huhu mas mahal mo na siguro si Penelope kesa saakin" acting ko na parang umiiyak. He didn't answer for a minute that made my act stop. I was waiting for his answer

"No, of course not! Ikaw lang ang Xav ko"

Okay guys! Ang pula ng pisngi ko, nagtalon talon pa ako, muntik na mahulog tapis ng tuwalya sa katawan ko. Iba talaga impact ni Sniper saakin uwu. Nagbihis na ako at baba na sana ng may narinig akong busina.

"Xiah! May bisita ka ata" sigaw ni mama kaya bumaba na ako, pagtingin ko sa bintana ay sinarado ni Quart ang kotse nya at papasok na dito at kumatok. Si Xivian naman ang nagbukas nun

"Hi po tita!" Bati nya kay mama pero tumungo lang si mama

----

-Author-

NALUNGKOT naman si Quart sa inasal ng mommy ni Xavrina. Alam nya sa sarili nya na ayaw sa kanya nito at mas boto kay Sniper. The 8 year old kid, Xivian hugged him that made him smile, he just played with the kid's hair. He saw Xavrina

She changed so much

Yan ang nasa isipan nya, at napangiti na lang ng mapait habang naka-titig sa taong mahigit 3 taon nyang inintay

-End-

Wind Beneath my Wings ( Wind The Series # 2 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon