Chapter 7

11 0 0
                                    

Reality

-Xav-

NANDITO AKO sa sala habang iniisip yung kinuwento ni tita, may kapatid pala si Sniper, ang cute pa naman nung babae sa picture, bigla naman akong namula at kinilig ng maalala ko na ako pala ang dahilan kung bakit sumaya ulit si Sniper, parang tanga talaga si tita, gawin ko na kaya syang nanay ko HAHAHA. Mag-isa lang ako dito sa bahay, naiwan ako as taga-bantay ng aming house, si kuya nasa school na naman, by the way, 3rd year college na sya, med student din sya, si Xivian naman kasama ni mama sa grocery tas si papa, kaka-alis lang kahapon, kasama yung tatay ni Quart.

Busy ako sa kaka-imagine ng biglaang may pumasok sa pinto namin, alangan sa pinto, syempre. Si Quart, hingal na hingal sya, naka-tingin ako sa kanya, sumama na naman ang timpla ko, ano na naman ginawa nya dito? Ayoko syang makita

"Ha--Nasa bahay kasi mommy mo, sabi nya wala ka daw kasama dito kaya pinapunta na nya ako dito, alam mo ba---ang saya ko kasi mukhang tangap na ulit ako ni tita---" pinutol ko na sya at tinignan ng masama. "Di kita kailangan, makaka-alis ka na" nawala ang ngiti sa mukha nya at napalitan ito ng lungkot, umayos naman sya ng tayo at sinarado ang pinto. Yumuko muna sya at inangat muli ang ulo sabay ngiti ulit, pero kita mo sa mata nya ang lungkot

"Nag-almusal ka na ba? Teka pagluluto kita" papunta na syang kusina ng tumayo ako para pigilan sya, "Bakit ka ba nandito ha? Diba sabi ko di nga kita kailangan" sabi ko, pero mukhang di sya nagpapatinag sa mga sinasabi ko, instead he walked closer towards me "Ipagluluto lang kita then aalis na ako, para di na magalit ang Xiah ko" naka-ngiti nyang sabi while sadness is invading his emotions. Bumilis naman ang tibok ng puso ko, umalis na sya sa harapan ko at dumiretso na sa kusina

Ako naman ay bumalik na sa upuan ko at tumingin sa kawalan, so seryoso talaga sya na wala syang balak tigilan ako, well, di naman ako ang apektado, sya lang naman din ang masasaktan. Kamusta na kaya si Sniper, almost 1 week ko na syang di nakikita. Monday na bukas, gusto ko pa naman pumunta ng MOA. Pumunta ako sa facebook para tumingin ng pwedeng puntahan, sakto may poster 

'On June 12, Come along with Ben and Ben as we celebrate our Nation's Independence Day. Kiyo, Moonstar88 and December Avenue will be there as well. Tickets will be available on June 4, Friday at Mall of Asia Arena. Lets celebrate our freedom exactly 7pm in the evening'

OmO! Napatayo naman ako sa tuwa, kita ko naman sa pheripheral vision ko si Quart na para bang nag-aalala, agad ko itong shinare sabay tag kay Sniper, yehey! Makakapag-bonding ulit kami sa MOA! Wala pang 10 mins ng mag-react at mag-comment si Sniper sa post ko

'Gg, promise mo yan ah! Sa 12'

Sabi nya sa comment, ako pa yung dapat mag-promise ah!

'Alangan!' 

Nagreact na lang sya sa reply ko, i flinched when i felt someone's breath around my neck that made me looked back, it was Quart. He was peaking the whole time, agad ko namang tinago ang telepono ko, napaka-chismoso naman nitong lalaki na ito

"Pwede akong sumama?" he asked, wait! Bakit ang cute? Hala self! Naka-pout kasi sya guys, agad ko naman syang sinamaan ng tingin, excited  na ako sa June 12, sana mahalin na nya ako, myghad 3 years na ako nanliligaw. Nanliligaw pa nga

"Tantanan mo ako Quart" sabi ko at tumayo na, aakyat na sana ako ng may maamoy ako sa kusina, agad naman ako pumunta dun, ng makita ko yung pagkain sa lamesa ay natakam agad ako, nilagay ko naman yung buhok ko sa likod ng tenga para matignan ng maigi yung mgapagkain

Favorite ko lahat ito ah, agad naman ako napalingon kay Quart na naka-sandal sa entrance ng kusina namin, tinignan ko sya ng nagtatakang mukha pero sya naman ay naka-ngiti, ang laki ng ngiti nya, first time ko syang nakitang ngumiti ng ganito, lumapit sya saakin

"Nitong mga nakaraang taon, ito naging hobby ko, inaral ko lahat ng favorite mo na pagkain, noong una panget yung lasa pero inaral ko naman na, gusto ko sana matikman mo sya one day" nag-flashback saakin yung ginagawa nya saakin noon, yung pag-gawa ko sa kanya ng bento box tapos tatapon nya lang saakin, mula sa pagka-mangha at galit na naman ang namuo saakin, agad naman na akong tumayo at aalis na saan sa kusina ng hilain nya ang kamay ko

Puno ng pag-aalala yung mukha nya

"Why? Ayaw mo ba kumain, try mo lang, masarap sya---" di ko na sya pinatapos

"Tigilan mo na ako, Quart" sabi ko sabay tulak ko sa kanya para maka-akyat na, naiinis ako sa tuwing naalala ko yung mga nangyari noon, lumalaki galit ko sa kanya, padabog kong sinara ang pintuan

---

-Quart-

DAHAN DAHAN akong pumasok sa kwarto nya, tulog na sya, dahan dahan naman din ako naglakad papalapit sa kanya, umupo sa kama nya at tinitigan sya, ang ganda nya, may laway pa nga eh kaya bahagya akong napatawa, tinangal ko yung maliit nyang buhok sa mukha at ngumiti, hinawakan ko ang pisngi nya

"I wish i can turn back the time" i said, sana maibalik ko pa lahat, yung mga araw na ako pa yung gusto ni Xiah, di ako susuko, mamahalin mo din ako, i've waited for 3 years and i have no plans to give up at all

---

- Xav- 

Nag-ayos na ako, 8pm ang simula ng handaan sa bahay nila Sniper. Birthday nya and ang gusto ng mommy nya is simpleng handaan lang at hindi na yung magpapa-catering. Sa likod ako dumaan, kitang kita ko sa butas na nasa harap na ng cake si Sniper at sa tabi nya si Penelope at tita

"Lets wait for Xiah, malapit na daw sya" nasa kalagitnaan na ako ng paglabas sa pintuan ng inikot ni Sniper ang kamay nya sa bewang ni Penelope at huli na ako, nakita na rin ako ng mga bisita. Agad namanng tinangal ni Sniper ang kamay nya, tumawa na lang ako ng awkward at tumayo ng tuwid

"Ayan na si Xav" sabi ng mommy ni Sniper kaya umayos na sila. Sa may bandang likod ako pumwesto, cameras were flashing, kita ko si Sniper habang kinakantahan ng Happy Birthday na parang hinahanap ako. Anong ibig sabihin nung nakita ko? Ng matapos syang kantahan ay nag-wish na sya at nagpalakpakan na yung mga pinsan nya

Umupo na lang ako sa sofa at sya na ang nag-approach sakin. Ngumite naman ako ng napaka-laki dahil namiss ko sya ng sobra. Kasunod naman nya si Penelope na nginitian ko din

"Bakit wala ka dun sa unahan kanina, para kasama ka sana sa picture, di bali pakiki-usapan ko nalang yung photographer mamaya na picturan tayo pati kasama na rin si mommy. Tara kain na tayo" Tumayo na ako, nauna na sila, kumuha na lang ako ng plato habang nasa unahan ko sila Sniper at Penelope. 

Kitang kita ng 2 mata ko kung paano i-assist ni Sniper si Penelope sa pagpili ng pagkain na nakahanda sa lamesa. Kumuha na lang ako ng Carbonara, Chicken at Garlic Bread, humarap naman sakin si Sniper

"Ikaw Xiah? What do you want?" tanong nya, nginitian ko na lang sya ng pilit. Di ko alam pero kung anong meron ang bumabagabag saakin, baka dahil sa namataan ko kanina

"Uhmm, okay na sakin to" i just gripped my gift for him hard as well my handbag. Pumunta na lang ako sa mga lamesa sa labas, kumuha pa sila ng pagkain dun. Ng makita ako ay umupo na rin sila sa table ko. Ang awkward ng atmosphere sa totoo lang kaya sumubo na lang ako ng carbonara

Nabasag ang tahimik na table namin ng magsalita si tita na may wine glass at katabi nya si tito

"I only invited close relatives to my son's birthday. Once again, happy birthday sa gwapo kong panganay" na agad naman kinangiti ni Sniper

"I know all of you are aware lalo na sa pinsan ko at pinsan ng asawa ko, both sides of my family that my daughter died 9 years ago due to Leukemia and her death anniversary will be on Wednesday which is June 9. Once again you are all invited" tita smiled through the pain and tito just caressed her back 

People started to cheer her up. Death Anniversary pala ni Xerine sa next week Wednesday. Ill bring her flowers--

"Can i bring your sister some flowers, Sniper?" tanong ni Penelope sa ngumunguyang Sniper, nakatitig lang ako sa kanila at di ko mapigilan masaktan ng unti. Bagay sila. Yan ang bumabagabag sa isip ko. Tumungo naman si Sniper dun

I dont know why pero its his birthday, kaarawan ng taong mahal ko. I need to let this emotion pass first until the party ended

- End-






Wind Beneath my Wings ( Wind The Series # 2 )Where stories live. Discover now