Lyric

83 14 3
                                    

I RAN fast as I level up the speed of the treadmill. I catched my breath and exhaled it. Sweats fell down from forehead to my shoulders.

I glanced at the TV monitor when a drama flashed in it. It's all about a family who has a lot of secrets. I smiled sadly as I remembered a memory from the past.

It was a rainy evening. I kept running while covering my head using a box as if it can protect me from getting wet. I just finished selling sampaguitas on the streets but unfortunately, only few bought it.

"I'm home," I said as I got inside our small house.

Mom raised her eyebrow. "Where did you go?"

"I wandered on the streets to sell sampaguita."

She held out her hand. "Where's the money?"

I took the it on my pocket and gave it to her.

"Bakit ito lang?"

"Pasensya na po, kaunti lang po ang bumili ngayon."

"Hindi ako naniniwala!" Tinuro niya ako. "Kinupit mo 'yong ibang pera 'no?!"

"Hindi po," mabilis kong iling. "Hindi po ako gano'n."

"Eh saan mo tinago?!" Hinatak niya ang kwelyo ko at marahas na kinuha ang bag. "Dito 'no?!"

"Wala po r'yan! 'Nay, tama na po!"

Kahit anong paliwanag ko ay pinilit pa rin niyang buksan ang bag ko. Tinaktak pa niya 'yon dahilan para mahulog ang mga gamit ko. Kapagkuwa'y natigilan siya at nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin.

"Anong ibig sabihin nito?!" bulyaw niya saka pinulot ang mga notebook at lapis. "Nag-aaral ka?!"

Napayuko ako. "Libre naman po eh."

"Sinabi ko bang mag-aral ka ha?!" Tinuktok niya ang ulo ko. "Walang laman 'yan! Hindi ka matalino!"

"Napag-aaralan naman po ang lahat."

"Wala kang patutunguhan! Nag-aaksaya ka lang ng panahon!"

Namuo ang luha sa aking mga mata. Pigil na pigil ang pag-iyak ko dahil kapag narinig niya 'yon ay sigurado na papaluin niya ako. Mamumula na naman ang pwet ko sa dos por dos. Kinagat ko na lang ang labi upang maiwasan ang paghikbi.

"Meron po," mahinang tugon ko. "Kaya ko po 'yon."

"Iyong kumita nga ng pera, hindi mo magawa. Pag-aaral pa kaya?!" Sinipa niya ang mga gamit ko. "Itatapon ko 'to!"

Doon na ako napaiyak. "'Wag po!" pigil ko. "Tama na po, 'nay!"

Maski ang kapatid kong babae ay ginaya si nanay na ihagis ang mga gamit ko sa basurahan.

"Kailangan ko po 'yan, 'nay! Iaahon ko po kayo sa hirap kapag nakatapos ako!"

"Iaahon?!" mapakla niyang tawa. "Hindi na tayo makakaahon pa dahil lubog na lubog na tayo sa utang!"

"Hindi ko naman po kasalanan kung bakit tayo nalubog sa utang eh."

"Aba't sumasagot ka pa?!" Pumulot siya ng tsinelas at hinampas 'yon sa akin. "Wala kang utang na loob!"

"Anong nangyayari rito?" entrada ni tatay. Halata sa mata niya ang pagod dahil na rin sa trabaho.

Nabuhayan ako ng loob dahil siya lang ang kakampi ko rito sa bahay. Dagli akong tumakbo patungo sa kaniya at yumakap. "Tatay..."

Black Spades vs. DeltaWhere stories live. Discover now