"But I'm better though, so I'll just shut up now." I said then laugh a little.

"Food is great." She said while pouting. Hay, ang cute talaga kaya ang sarap-sarap asarin.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa venue. Marami na ring tao, sa tingin ko nga'y nagsimula na ang party dahil may mga sumasayaw na mga magkasintahan.

"Late na yata tayo, babe." Mahinang bulong ko.

"We're just on time, we've successfully skipped the boring part. Let's go and meet my mom." She excitedly said then pulled me towards the group of sophisticated women in their mid 40's, I think?

Dinala niya ako sa pinaka simpleng babae sa grupong iyon, she's so simple yet so elegant. She looks like the older version of Lilith.

"Hi, Mom!" Masayang sabi ni Lilith at binitawan ang kamay ko para yakapin ang ina.

"Saan ka na naman galing na bata ka?" Sabi nito nang maghiwalay sila mula sa pagyayakapan.

"Sinundo ko lang po ang girlfriend ko, Mom." Naglalambing na sabi niya.

"Kayo na ni--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang mapadako ang tingin niya sa'kin. "Who are you, Hija?" Hindi naman nagsusungit ang pagkakasabi niya no'n pero pakiramdam ko ay kinikilatis niya ako sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Medyo naguluhan naman ako dahil ang akala ko ay expected na ng Mama niya ang pagdating ko.

"Good evening po. I'm Iniko, the girlfriend." Sabi ko at nilahad ang palad ko para makipagkamay. Tinignan lang niya ang kamay ko ng naguguluhan bago nakipagkamay sa'kin. "Happy birthday po." Nahihiyang sabi ko saka inabot sa kaniya ang gift ko.

"Thank you, Hija. Nag-abala ka pa. Make yourself at home, hihiramin ko muna ang anak ko sandali, ha?" Malumanay na mungkahi niya. Tumango naman ako. Tumayo silang dalawa at lumayo para makapag-usap ng pribado.

Hindi ko naman alam kung saan ako pupunta dahil wala naman akong ibang kilala rito maliban sa girlfriend ko. Parang gusto ko na tuloy umuwi.

Naglakad-lakad na lang ako hanggang sa makapunta ako sa garden ng pinagdausan ng selebrasyon.

Nagugutom na ako.

Nakalimutan kong hindi pa pala ako nakakakain simula kanina. Sana pala kumain muna kami ni Cat. Kumakain na kaya siya? Ano kayang niluto niya for dinner?

Mga 20 minutes din siguro ang nakalipas bago tumawag si Lilith sa telepono ko.

"Nasa'n ka, babe?" Matamlay na tanong niya.

"Nasa garden ako pero papasok na ako ulit d'yan. What's wrong? Are you okay?" Nagtatakang tanong ko.

"I'm fine, babe. Nandito ako malapit sa entrance." Sabi niya at sakto naman nakita ko siya kaya binaba ko na ang cellphone ko.

Pagkalapit ko sa kaniya ay hinalikan ko siya bigla sa pisngi at niyakap siya. "Are you sure?" Mahinang bulong ko.

"Opo, gutom lang ako at miss lang kita." Naglalambing na sabi niya at niyakap ako pabalik.

"Lilith, what's the meaning of this?" Naguguluhang sabi ng kung sinong babae na may halong inis ang tono ng pananalita kaya napahiwalay kami sa pagyayakapan.

"A-Ate Pam." Sabi ni Lilith habang nakatingin sa babaeng tingin ko ay nasa early 30's kasama si Percy.

"Kung hindi ko pa pinilit si Persephone, hindi pa siya pupunta. What's wrong with you two? At sino 'yang babae na 'yan?" Galit na tanong ng tinawag na Ate Pam ni Lilith.

I believe she doesn't like me.

"Percy, pwede mo bang samahan muna si Iniko? Kakausapin ko lang si Ate." Mahinahong sabi ni Lilith kay Percy. Kahit na mukhang kalmado si Lilith ay alam kong kinakabahan siya dahil nanginginig ang kamay niyang hawak ko na medyo pinagpapawisan ng malamig.

"O-Of course. I'm sorry, Lils. Ayaw ako pakinggan e'." She said apologetically. Tumango lang naman si Lilith at hinatak na ang ate niya palayo sa'min.

"Percy! I'm glad you're here!" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil may makakasama na ako. Nakasimangot na tumingin ako sa kaniya. "Pero hindi ko alam na close na close pala talaga kayo ni Lilith, ha? Kilala ka pa ng ate niya at mukhang gusto ka niya."

"H-Hindi naman kami close, Iniko. Nagkataon lang na nakilala ko siya nang pumunta siya sa store ko." Hindi makatinging sabi niya sa'kin.

"Hindi naman ako galit, Percy. Don't worry, nagugutom lang ako. Hindi mo naman kasalanan kung gusto ka nila." Sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Gutom na talaga ako.

"Magugustuhan ka rin nila, Iniko. Halika na at kumain na tayo. Gutom na rin ako e'." Sabi niya kaya naglakad na kami papunta sa bakanteng lamesa. Pagkaupo namin ay may lumapit sa'ming waiter at inabutan kami ng Menu.

O-order na sana si Percy kaya lang may isang babae at dalawang lalaki ang lumapit saka umupo sa table namin.

"Hi, Perse! Akala ko hindi ka makakapunta?" Masayang tanong ng babae at nakipag-beso kay Percy.

"Give us the best and a bottle of red wine, thank you." Sabi ng lalaking blonde ang buhok na katabi ng babae na nakipag-beso kay Percy sa waiter.

"Hi, fine young lady." Sabi naman ng kasama pa nilang isa pang lalaki habang pinapasadahan ako ng tingin. Pervert.

Inirapan ko lang siya at tumingin kay Percy na ngayon ay parang constipated.

"Okay, people." Sabi niya habang nakataas ang kanang kamay na parang sinasabi niya na stop. "I want y'all to meet, Iniko. She's your cousin's girlfriend." Sabi niya habang nakaturo sa'kin kaya nabaling naman ang atensyon nila sa'kin kaya nginitian ko naman sila.

Ilang segundo siguro nila ako tinitigan bago sila tumawa na parang wala nang bukas. Unti-unti namang nawala ang ngiti at nagsalubong ang dalawang kilay ko.

"That was a good joke, Perse." Sabi ng lalaking tumingin sa'kin kanina habang nagpupunas ng kung ano sa mata niya.

"I'm serious." Seryosong sabi ni Percy habang ako naman ay speechless dahil sa nasasaksihan ko. I'm offended. I'm hot and all but they had the audacity to laugh at me? Oh, gosh. I'm starting to hate this family.

"That's impossible, you're her--" Hindi naman natuloy no'ng babae ang sasabihin niya dahil na-interrupt siya ng mga waiter dala ang order nila.

Naiwang tahimik naman ang table namin nang umalis na ang mga waiter.

"Are you serious?" Putol sa katahimikan ng babae.

"Yes, I am." Tipid na sabi ni Percy. Hindi makapaniwalang tumingin naman sa'kin ang tatlong pinsan daw ni Lilith.

Hindi na ako nakatiis kaya nagsalita na ako. "Look if you don't like me for your cousin, it's fine. I won't force you to like me, I had enough." Sabi ko at tumayo na. "No one ever laughed at me like that, I've never been this humiliated my whole life. Who laughs at someone they don't even know? Unbelievable." Hindi makapaniwalang sabi ko. "All of you are so fucking rude!"

Lalakad na sana ako palayo nang maalala ko si Percy. "Thank you for accompanying me tonight. Tell Lilith's mom my regards and tell my girlfriend that I'm going home. Enjoy the night." Sabi ko at lumakad na palabas.

How dare them? That place is full of sick people!


No Strings AttachedWhere stories live. Discover now