Alert sighed as he kissed her collar bone. " I know. . . but please, baby, let me try fix it. Because I'll be damned if not."  Hinalikan nito ang kanyang balikat dahilan para mapaigtad siya.

"Pwede bitiwan mo na ako?" tanong niya sa binata dahil alam niya sa sarili niyang nahuhulog na naman siya lalo kahit hulog na hulog na siya. Kaunti na lamang at babalik na siya rito at natatakot siya dahil doon. "Please, Alert. . . let me go," she pleaded.

Alert stiffened for a couple of seconds before releasing her. Hinawakan nito ang kanyang mukha gamit ang mga palad nitong hindi man lang mararamdaman ng gaspang. He cupped her face while looking intently to her eyes.

"Baby, let me fight for you. Sana ay hayaan mo akong ipaglaban ka. Hayaan mong subukan kong ayusin ang kung ano mang mayroon tayo."

Her heart jumped because of that. Hindi niya alam ang sasabihin niya. Suddenly, she can't speak and she can't process her words.

"I can't trust you anymore, Alert," her voice is too weak when she said that but she's sure that Alert heard her.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang makita niya ang pagdaan ng sakit sa ekspresyon ng binata. A teardrop fell from her eyes. "I- I can't trust you anymore with my heart, Alert. . . I can't. No matter how hard I try to open it. . . I know, deep down I'm scared," she honestly told him while her eyes were still closed. Hindi niya tuloy alam ang reaksyon ng binata dahil nakapikit ang kanyang mga mata.

"Baby. . . " Alert's hands trembled. "Let me show you that I'm worthy for another chance. . . just this once, baby please. Please let me fight for you. Hayaan mong ipaglaban kita dahil ako alam ko sa sarili kong ikaw ang gusto ko."

Ramdam na ramdam niya ang panginginig sa boses ng binata kaya alam niyang maiiyak na ito kaya naman dahan dahan ay binuksan niya ang mga mata. There she saw a crying man.

"Bakit kasi ngayon lang, Alert? Bakit kasi hindi noong mga panahong wala pang takot sa puso ko. . . kasi ang sakit sakit na ngayon," tila batang iyak niya.

Hindi niya maiwasang masaktan kapag iniisip niyang hindi siya mahal pero pakakasalan soya dahil sa responsibilidad.

"Patawarin mo ako, Secretary. . .  pero sana isa pang pagkakataon. Isa pa at ipinangangako ko sa'yong gagawin ko ang lahat para sa'yo."

"Alert—"

"Tanggapin mo lang ako ulit at ipinangangako ko sa'yong gagawin ko ang lahat para sumaya ka."

Hinawakan niya ang kamay ng binata at tsaka tumango ng marahan dito. "Help me out, because I don't know what to do anymore, Alert. . . hindi ko na alam kung saan magsisimula."

"Baby, I'm so sorry," Alert suddenly sobbed. "I'm so sorry for all the pain that I've caused. I know. . . those pain are not acceptable. You're too young to experience those. I'm really sorry, baby. . ." Alert's voice cracked. "Please let's make this right this time,  baby."

Nanginginig na tumango siya kaunti. "Tulungan mo akong magtiwala ulit." Humikbi siya ng isang beses. "Kasi. . . natatakot na talaga ako sa'yo, Alert. Natatakot na akong masaktan. Natatakot na akong masaktan ang anak ko—"

Mabilis na umiling si Alert at niyakap siya. "Anak natin, Secretary. Anak natin. . . at magtiwala ka sa akin. Gagawin kong tama ang lahat sa pagkakataon na ito, Sec. . . gagawin ko ang lahat."

Dahan dahan ay tila ba nawawasak ang pader na binubuo niya para sa sarili. Dahan dahan ay alam niyang bumabalik na siya kay Alert.

Iniangat na niya ang kanyang kamay para yakapin sana pabalik ang binata nang may mahagip ang kanyang mga mata.

IF THIS IS LUST (Cruel Reality Series 1) -  [COMPLETED]Where stories live. Discover now