Chapter 37

7.8K 210 24
                                    

WHERE will I put the books?” she asked Alert who is now busy cutting letters and numbers. Oo at naiuwi siya ni Alert. Kanina ay halos magwala siya nang iuwi siya ng binata. Kulang na lang ay kaladkarin siya ng binata para maiuwi. Mabuti na lamang at napakiusapan siya ng kanyang Ate Yasen at Kuya Sim.

Ipinagpaalam naman siya ni Alert sa magulang niya at sa hindi niya talaga malaman na kadahilanan ay kung paano nito napapayag ang mga magulang niya. Pero baka gusto na rin ng mga ito na mawala siya sa bahay nila dahil buntis siya at ikinahihiya siya ng nga ito.

Pregnancy before wedding. . . it's not a Reyez thing. Kaya siguro nang alukin siya ng kasal ni Alert ay pumayag na sila. Dahil bukod sa mayaman ang binata ay matatakpan ang pagkakamali niya. It's like hitting two birds using one stone.

Pain rushed through her system because of that. Gusto niyang tanungin ang mga magulang niya kung ganoon lang ba siya kadaling ipamigay pero hindi niya na ginawa iyon. May mga bagay talaga na kahit anong ayos ang gawin niya, alam niya sa sarili niyang malabo nang maayos. No life is perfect indeed.

Nangangako siya na hindi niya gagawin sa anak ang mga naranasan niya noon sa kanyang mga magulang. She would shower her child with love and affection. Mamahalin niya ang anak ng walang katumbas.

“Just put that inside our room,” Alert answered her. Nabalik tuloy siya sa reyalildad dahil sa boses ng binata.

Nakita naman niya na tatayo na sana si Alert para alalayan siya sa pagtayo nang pigilan niya ito. She raised an eyebrow because of that.

“I’m just pregnant. Hindi ako baldado, tumigil ka,” she hissed at him.  Narinig naman niya ang pagtawa ni Alert. Lumapit parin ang binata sa kanya at hinalikan siya sa noo. Mabilis na umatras siya nang dumampi ang labi ng binata sa kanyang noo at alam niyang nakita niya ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito pero hindi na niya pinansin iyon. Mabilis na umiwas siya ng tingin.

Nagulat siya nang hawakan ni Alert ang kanyang kamay at hinila siya para mayakap.  “Ang sungit naman ng future misis ko,”  bulong ni Alert sa kanyang tenga. Nanigas siya dahil doon at natigilan nang bahagya. Noong nakaraan lamang ay sigurado na siyang ayaw niyang magpakasal kay Alert. Ilang beses niya itong tinanggihan.

Pero bumabalik na naman siya sa dati kaya natatakot siya. Dahan dahan ay tinulak niya ito.

“Hindi pa naman ako pumayag na magpakasal sayo,” she reminded him. Nakita niyang natigilan si Alert pero ngumiti ito nang malapad.

“Edi pipilitin natin,” he kissed her. This time, sa labi na.

"Hindi mo naman pwedeng ipilit sa lahat ng pagkakataon ang gusto mo, Alert," bumuntonghininga siya dahil ayaw niya sa ideyang gusto lang siya nitong pakasalan dahil may anak sila.

"Baby. . ."

"Ayaw kong magpakasal sa'yo" madiin na saad niya rito. "Hindi ako magpapakasal sa'yo."

Nakita niyang natigilan muli si Alert at tila hindi nito alam ang sasabihin kaya naman tinalikuran niya na ito. Pupunta na lamang siya sa kwarto nila para magpahinga at para matapos na ang usapan.

Pero mabilis na nahawakan ni Alert ang braso niya at hinila siya para sa isang yakap. He hugged her tightly making her knees wobble. She can't breathe properly because his hug is too warm and heartwarming. . . it's like he poured all his care into that hug.

"Let's talk about that later, hmm? Please let me fix our relationship, baby. Please let me marry you. . . because that's all I want right now, baby."

Hindi mo nga ako mahal, gago ka!  Her mind hissed but she chose to shut her mouth.

"This," her voice is thick because of too many emotions. "What we have is unfixable, Alert."

IF THIS IS LUST (Cruel Reality Series 1) -  [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن