'Bakit kami pa?! A-ano ba ang ginawa namin?!'
Nararamdaman ko na lang ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko dahilan para yumuko ako para hindi nila makita.
At doon pumasok sa isip ko kung sino yung sinusundan ni Luna nung nakaraan.
//FLASHBACK//
Kasalukuyan kong sinusundan si Luna kahit hindi ko naman alam kung sino ang sinisundan niya. Sadyang na-curious lang ako kanina sa inasta ni Luna sa room. Kaya eto ako ngayon, parang stalker niya na.
Pumasok kami sa isang bar at hindi ko alam kung anong gagawin niya dito--.
'Baka?!'
(ŏ_ŏ)
'Baka prostitute siya dito?!-- ay erase Jayn! Mayaman sila!'
Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Luna na nakaupo sa isang gilid habang tumitingin sa isang room na may nakasulat na "V.I.P".
Pero makaraan ng ilang oras at biglang umalis si Luna papunta sa C.R. Babae naman ako kaya sumunod ako. Habang sinusundan ko siya ay nagulat nalang ako sa biglang pagtago niya sa C.R ng mga babae at inilabas pa ang ulo nito na bahagyang nakikichismis ng hindi nakikita. Kaya nagtago rin ako sa isang galid ng hindi nakikita ni Luna at nakita para makita ang tinitingnan niya at nagulat ako sa nakita ko.
'Si Mary?! May kausap na lalaking may baril?! B-bakit?!'
Halata sa mukha ni Luna na gulat na gulat siya sa nakinkita niya, at pati rin naman ako.
'Pero p-paano?!'
Ng matnungan kong paalis na si Luna sa pwesto niya ay nagpauna na akong lumabas sa Bar at umuwi na ng hindi pa sinundan si Luna.
//END OF FLASHBACK//
'Posible kayang may kinalaman dito si Mary?!'
Iyan ang nasaisip ko ngayon habang tinitingnan si Mary na tahimik lang na nakayuko sa upuan niya.
'Tama bang paghinalaan ka? O tama bang pagkatiwalaan ka?'
Hindi na nagpatuloy ang klase dahil sa insidente at pinauwi na kami ng maaga. Bali-balita na rin sa campus ang paghagulgol ng nanay niya at nahimatay pa daw ito dahil sa sinapit ni Luna. Wala pa ring sapat na ebidensiya ang mga pulis na makakapagturo sa salarin.
'Bakit pa si Luna ang kailangang sumapit ng pangyayaring ito? Ako ang kailangan diba, bakit di na lang ako ang patayin nila?'
Wala akong ka gana-ganang lumakad palabas ng eskwelahan kaya kahit may nabangga ako ay parang wala man lang sa akin.
"Oh, Miss Jayn, are you okay?" tanong ng nakapamilyar na boses.
'Si Sir Tenz..'
Binigyan ko lang siya ng pilit na ngiti at pinagpatuloy ang paglalakad.
'Wala ho akong ganang makipag-usap sa inyo ngayon..'
Pero hinabol niya pa rin ako at hinawakan ang braso ko dahilan para tingan ko ito ng may pagtataka.
"S-sorry. I'm just worried cause you don't look okay.."
'Sino hong masaya sa nangyari, ikaw?'
"I'm here if you want someone to talk."
------------------------------------------------------
Andito kami ngayon sa isang cafè at dito na lang daw kami mag-uusap dahil refreshing daw. Tama naman siya dahil sa maaliwalas at simpleng desinyo ng cafè na ito na nakakpag-refresh ng isipan ko.
Umorder na muna siya habang ako ay nakaupo sa isang sulok habang pinagmamasdan ang mga pumapasok na mga tao sa café na ito. Ang pumapasok ay may mga dalang laptop para opisina, libro para sa eslwelahan, at mga taong pumunta sa café na ito para lang umorder. Pero halata sa mga mukha nila ang saya habang pumapasok sa café kahit na halatang stress na sila dahil sa mga kulubot sa mga mukha nila at mga eye-bags sa ilalim ng mata nila kahit mga bata pa naman sila.
'Sana tulad niyo rin ako, na kayang maging masaya kahit nahihirapan na.'
"Mukhang malalim ang iniisip mo ah.." sabi ni sir Tenz habang inilapag ang inorder niya.
"Nalulungkot lang ho kasi ako, gusto ko lang ho sana na makapagtapos.. pero parang ipinagdadamot naman po ng tadhana iyon sa akin."
"Alam mo, nalulungkot rin ako sa nangyari kay Luna. Of course bilang guro, natatakot ako sa inyo dahil baka mangyari ulit to na sana huwag na." humugot muna siya ng hininga niya bago magpatuloy. "..Kasi hindi man lang ikaw ang gustong makapagtapos, lahat ng nag-aaral gustong makapagtapos. Kaya alam kong mahihirapan kayo dahil sa nangyayaring peligro ngayon. Pero sana huwag mong pababayaan ang sarili mo.."
"Matagal ko na hong pinabayaan ang sarili ko. Sa hirap pa lang ng buhay namin matagal na akong sumuko." hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. "..Iyong halos wala kaming makain ng Ate ko, pagkatapos dumagdag pa ito. Hahahaha." plastik at sarkastikong tawa ko. "Alam niyo ho? Matagal ko nang gustong tapusin ang buhay ko--"
"Huwag kang magsabi ng ganyan! Maling maling tapusin ang buhay mo!"
"Alam ko ho, iyan ang isa sa mga rason kaya buhay pa ako. Gusto ko ng mawala sa mundong ito..p-pero hindi ko ginawa kasi mali, maling-mali na ako ang magdesisyon kung kailan tatapusin ang buhay ko."pinahid ko muna ang mga luha ko at tsaka nagpatuloy sa pagsasalita. "I-iyan na lang ang po pinanghahawakan ko. Pero kung hindi kasalanan ang pagkakamatay.."pagpapabitin ko sa sinabi ko at tumingin ng diretso sa mga mata niya. "..wala na sana ako sa harapan niyo ngayon.."
Nakita ko naman na natigilan siya sa sinabi ko. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko na lang pinansin iyon.
Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan bago ko binasag ito.
"S-sir, aalis na ho ako. Malapit na po kasing gumabi."
"H-ha? Ihahatid na kita.."
"Huwag na po sir, okay lang po ako. Salamat po sa oras niyo."
Mukhang may sasabihin pa si sir ngunit umalis na ako ng cafè at hindi na hinintay ang sasabihin niya. Wala pa namang masakyan sa mga ganitong oras sa lugar na ito kaya wala akong choice kundi maglakad.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng mayroong isang babaeng naka-harang sa harapan ko habang nakatalikod at nakapamulsa. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa presensiya ng babaeng nasa harapan ko.
"We meet again.."
Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko dahil sa malalim at nakakatakot na pagkasabi niya nito.
"S-sino k-ka?"
Narinig ko naman ang pagtawa niya ng mahina pero nakakatakot parin.
"Don't you remember me?"
Puno ng pagtatakang tiningnan ko siya mula sa likod niya subalit hindi ko talaga maalala kung saan ko siya nakita. Kahit nakatalikod siya ay parang nabasa niya naman ang iniisip ko at sinagot ang mga tanong sa isipan ko.
"I'm Agent An.."
At dahan-dahan siyang tumingin sa gawi ko na walang maskara dahilan para magsitayuan ang mga balahibo sa katawan ko dahil sa itsura niya.
'Wtf?!'
---------
Bakit kaya nagulat si Jayn sa itsura ni Agent An. Abangan! HAHAHAHAH.
Ikli no? Reklamo ka?
DON'T FORGET TO VOTE, COMMENT AND FOLLOW ME FOR MORE UPDATES, TNX! ^_^
BINABASA MO ANG
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...
CHAPTER 10
Magsimula sa umpisa
