CHAPTER 2

24 4 18
                                        


REMINDERS:

WALA PO AKONG ANY INTENTIONS TO GIVE BAD THOUGHTS ABOUT PROFESSIONAL WORKS at lahat lang po ito ay KATHANG ISIP LAMANG.

Kung meron mang pangalan ng tauhan, lugar, o pangyayari na pareho sa kwento ko at sa inyo ay hindi ko po ito sinasadya at nagkataon lamang.

JAYN'S POV

"I FOUND YOU!!"

Yan lang ang tanging nakasulat sa papel na nadatnan namin ni ate sa harap ng pintuan. Ang ginamit nito na ink ayun sa ilong ko dahil inamoy ko ito, ay dugo, pero ewan ko kung anong dugo.

'Sana nilagyan man lang ng contact number dito, paano kaya kung lalaki at gwapo ang nagpadala? Eh diba malay mo maakit ko pa yun at sabihan na wag na kaming saktan?'

Choz.

Pero ngayon talaga kinakabahan ako. Nanginginig ngayon ang kamay ko habang hinahawakan itong papel na ito. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Hindi ako mapakali, gusto ko ng malaman kung sinong gumawa nito pero may pasok ako. Bahala na.

Dahil sa late na ako ay ako nalang ang bumasag ng nakakabinging katahimikan na nakapalibot sa kuwadradong silid ng bahay namin na puno ng mga magaganda't masalimuot na alaala.

Ayyy char napa-tagalog ako dun ha! HAHAHAH

Pero mabalik tayo, sino ang nagpadala nito?

"A-ate, alamin m-mo kung sino ang n-nagpadala nito n-ng papel ha? May k-klase pa k-kasi ako." kinakabahan kong pakiusap sa kanya

"B-ba't ako?" naguguluhang tanong niya

"May pasok kasi ako. Bobo kaba? De joke. Alangan naman kasi ako lang ang reresolba. "I FOUND YOU!!" lang ang nakalagay dun eh, malay mo para pala 'yun kay mama pero di alam ng nagpadala na patay na siya kaya ngayon siya nagparamdam, oh e diba? Di naman kasi nilagyan ng pangalan, ang bobo, hayss"

"G*ga ano yun gangster mama natin? Pero may point ka. Baka sa kapitbahay pala natin diba? Ang sasama talaga ng ugali ng mga neighbors natin. UGH! I HATE IT! Apir nga!"

At nakipag-apir rin ako sa kanya. Same vibe kami eh.

"Pero bat ako ang hahanap--?"

"Huwag ka nang mag-reklamo."putol ko sa reklamo niya. "Para rin naman to sa atin eh. Walang kasiguraduhan kong anong pakay ng nagpadala nito. Baka pinagtripan lang tayo nito."

"Eh anong gagawin mo? Mag-aaral ka lang?! G*ga ka ba?"

"Mas G*ga ka!" ako

"G*ga ka 2 times!"

"G*ga ka 3 times!" ako "Basta ako? H-hindi ko alam gagawin ko."

"Eh punyeta ka pala eh! Ako lang magpapahirap dito?!"

"Hirap? Bakit dugo't pawis ba ang iaalay mo sa paghahanap?"

"Hindi naman." sabay pout niya

"Huwag kang mag pout. Para kang puwet na lumuluwa ng tae."

"Ikaw yung tae." Ate.

"Pero seryoso isa lang ang sigurado ako, kilala tayo ng nagpadala nito."

"Huh?" naguguluhan niyang tanong

"Diba? Kasi alangan naman random people lang 'yun ang magpapadala nito. Pwede rin naman na wrong send niya lang, sa kapitbahay pala natin to. Pero malakas talaga ang kutob ko na sa atin to. At tsaka hindi naman susugod yung kumatok kanina sa atin and give us a threat if he doesn't know us or if he didn't have any research about us. Kung ako kasi siya, kailangan kilala ko ang tatargetin ko, because the best way to defeat your prey is to---"

Keeps Forgetting Memory(ON - GOING) Where stories live. Discover now