REMINDERS:
WALA PO AKONG ANY INTENTIONS TO GIVE BAD THOUGHTS ABOUT PROFESSIONAL WORKS at lahat lang po ito ay KATHANG ISIP LAMANG.
Kung meron mang pangalan ng tauhan, lugar, o pangyayari na pareho sa kwento ko at sa inyo ay hindi ko po ito sinasadya at nagkataon lamang.
THIRD PERSON'S POV
"Wha the f*ck! Ano ba ang sinabi ko sa'yo?! Na huwag ka muna kikilos ng hindi ko sinasabi diba?!"
Andito sila ngayon sa hideout ng "BOSS" nila kung saan kasalukuyang pinapagalitan ang kanang kamay niya, Si Mr. Tenz, ang P.E teacher nina Jayn.
"E-eh boss, natunugan ho t-tayo. Nalaman niya h-hong may p-plano akong patayin sila." kabadong pagpapaliwanag niya.
"W-what?! Paano?!"
"N-nakita niya po 'y-yung laboratory ko.."
"HA! UNBELIEVABLE! Eh kaninong kasalanan iyan?!"
"S-sa akin p-po.."
"Pwes! Ikaw ang umasikaso niyan! Imbes na nananahimik na ang organisasyon natin, pero dahil sa kagagawan mo posibleng makialam ang mga Agents dito! Nako naman! Hindi mo naman ginagamit ang utak mo! Ayusin mo ang gulong iyan, naiintimdihan mo?!"
"O-opo.."
"Sige na, bumalik ka na doon. Baka makahalata pa sila na nawawala ka."
"S-sige po boss.."
Umalis na ang kanang kamay ng "BOSS" nila at dumiretso na sa eskwelahan nila. Pagkapasok pa lang niya ay nakita niya na ang wala ng buhay na si Luna at may karumal-dumal na sitwasyon dahil sa sinapit ng katawan nito. Pina-eembistigahan narin ito ng mga Pulis. Nakita niya rin ang mga kaibigan niya na panay ang iyak dahil sa sinapit ng kaibigan nila. Pero hindi lang lungkot ng mga kaibigan ni Luna ang nakikita niya kundi lungkot ng lahat ng estudyante dito. At hindi lang lungkot ang nangingibabaw sa mga estudyante pero pati rin kaba at takot.
Pero nasisiguro ni Mr. Tenz na hindi siya mahuhuli sapagkat hindi sa lab niya naabutan na wala nang buhay si Luna. Pagkatapos niya itong barilin ay inilagay niya ito sa isang basurahan kung saan ipinagpilitan niyang ipagkasya si Luna dito na pati mga buto niya sa katawan ay baling-bali na.
Iniligpit niya na rin ang lab niya na sa tulong ng isang estudyante, ang estudyanteng kasama niya sa misyong ito. Sabay nilang dinala ang katawan ni Luna sa isang tagong lugar at binitay na para bang nagpakamatay ito. Nagsuot sila ng gloves nang hinawakn nila ang basurahan para walang kahit anong trace ang mahahanap ng pulis. Nagsuot rin sila ng malalaking boots na hindi akma sa laki ng paa nila. Nagsuot rin sila ng wig na hindi akma sa kasarian nila para mas lalong malito ang mga pulis. Sa ganoong kadaling oras ay nagawa nila iyon. Paano? Dahil yung ginamit niyang baril ay iba sa ordinaryong baril. Mahina lang ang tunog na iyon kapag ipinutok mo kaya walang nakarinig sa ginawa niya. At isa pa nang barilin ni Mr. Tenz si Luna ay andun na sa loob ang estudyanteng lasabwat niya, nagtatago lang ito para hindi mahuli.
'You can't catch me.' Iyan ang sabi ni Mr. Tenz sa sarili niya bago lumapit sa crime scene para magmukhang nalulungkot rin siya sa nangyari.
JAYN'S POV
Walang umiimik sa amin ngayon sa loob ng classroom dahil sa nangyari kanina. Kanina lang nakasama pa namin si Luna sa P.E pagkatapos naabutan na lang namin siyang wala ng buhay?!
Magkahalong kaba, lungkot, at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na sa murang-edad namin ay nangyayari na ito sa amin. At hindi ko ring maiwasang sisihin ang sarili ko sapagkat iniisip ko na may kinalaman sa akin ang mga nangyayaring kababalaghan ngayon.
YOU ARE READING
Keeps Forgetting Memory(ON - GOING)
General FictionEverybody wants to have a peaceful school life. Assignments, projects, crush, papel, etc., iyan lang ang poproblemahan mo. Pero paano kung isang araw may gusto palang pumatay sa iyo? That's how the 17-year old girl, Jayn Malasanas experienced. Wha...
