Ngumiti ako. 

Lahat ng mga tao dito, ang alam nilang kuwento ng buhay ko, iniwan ako ng mga magulang ko, tapos kinupkop ako ni Tita na inalagaan at minahal ako ng sobra.

Kasinungalingan, alam ko... pero kahit dito man lang, sa isip man lang nila, ay napangalagaan ako. Gusto kong malaman ng mundo na minahal ako ng pamilya ko. 

Hindi nila alam na limang taon ko na silang hindi nakikita. Na iniwan nila ako. Hindi ako pinili ng mga tao na kahit anong sitwasyon ay pipiliin ko. 

"Ipagpatuloy mo lang, ha?" huling sabi ko sa kaniya bago siya tuluyang umalis sa harapan ko.

Ang halos sa mga sumunod sa kaniya ay mga kabado halos lahat. Kung hindi nananahimik sa sobrang kaba ay dinadaan sa tili. "Tungkol saan po yung libro na ito, Ate?"

"A soul, who lost its mate?" hindi ko siguradong sabi.

"Totoo po ba yung timestamps? 'Yung iba po, nine years ago pa? O sa timeline na po talaga ng book iyon?" kuryoso niyang pahabol na tanong. Hindi ko na nasagot dahil agad siyang napalitan ng susunod. 

Sumasakit na ang pisngi ko kakangiti sa mga kinukuhang litrato bawat isa, pero totoo ang saya na nararamdaman ko. Sino ba ang mag-iisip na aabot ako sa ganito? Na magiging ganito ako katagumpay bilang manunulat?

Noong natanggal ako sa kompanya, gumawa ako ng sarili ko. Ang daming nagmamahal sa akin kahit marami pa akong hindi nakikilala sa kanila. Kung hindi ako umalis sa Pampanga, my comfort zone, mangyayari ba ito?

I now just realized that I cannot reconcile my home and my success... but someday, maybe, I can.

Habang pinipirmahan ko ang huling libro para sa araw na ito at inabot ko na sa nagpapapirma, nakilala ko ang kamay na iyon. "Thank you," sabi nito sa baritonong boses.

Natulala ako nang ilang segundo sa pagkukumbinsi sa sarili ko na guniguni ko lang iyon.

"Jiro." bigla kong sabi at tiningala ang taong iyon, pero naglalakad na siya papalayo.

Si Jiro. Kahit nakatalikod siya ay hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko siya at ilang taon ko siyang hinahanap-hanap para hindi ko makilala ang boses at katawan niya.

Tumayo ako kahit hindi pa tapos ang event, kahit hindi pa ako nakapagpapasalamat sa lahat ng dumalo para lang habulin si Kenjiro. Gusto ko siyang makita. Ayaw kong makalimutan ang itsura niya. 

"Trey, saan ka pupunta?" rinig kong tawag ni Elron sa akin pero tumatakbo na ako para mahabol ang matangkad na lalaki. 

"Jiro! Jiro!" I called him. 

Natigilan ako sa paghahabol sa kaniya nang may maalala. Iyong huling gabi na magkasama kami, hinabol ko rin siya ng ganito. At kung gaano ako kaawa-awa sa sitwasyon na iyon.

Tumigil ako sa pagtakbo at tumigil siya sa paglalakad. Wala akong ibang hiling kung hindi lingunin niya akong muli. Tumingin ka sa akin, Jiro... kasi hinahanap-hanap pa rin kita hanggang ngayon.

Walang nagbago. Simula dati, wala akong ibang hiling kung hindi ang lingunin mo. 

You did it back then, and I'm asking you to do it again now.

Humihingal akong umiiyak, pinanonood ang likuran niya. Pero pagkatapos ng ilang segundong pananatili niya roon ay hindi siya tumalikod para harapin ako. Lumiko siya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"I miss you," mahina kong sabi kahit wala na siya. 

Ganoon pa rin ba? Sinubukan niyang pumunta rito tapos nagbago ang isip nang makita niya pa rin si Tita Ameliora sa mukha ko? Does he hate me, us, that much?

Promises Etched in Poetry (Arte del Amor #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon