Tumango ako at pinalitan ang tubig sa planggana ng hinihugasan kong laman loob ng manok saka ito pinalitan para mawala talaga ang mga dugo nito. Alam kong malinis na ang atay kapag wala na masiyadong dugo ang humahalo sa tubig na pinaghugasan.

"Naku naku, nababalita ko nga na ginagamit daw ang vetsin sa inuman kaya maraming natitirada. Ewan ko." I kind of agree with her. Anyway, she is a very nice and eloquent woman on her own. Feeling ko nga ay kaya niyang mabuhay nang siya lang.

"Tita, matanong lang kita..." panimula ko habang tinatanggal ang tubig ng atay. "Balatan ko na rin pala itong mga gulay, ah?" pahabol ko pa.

Tumingin siya sa hawak kong sahog ng pakbet saka tango. "Oh siya, sige. Nandoon 'yong peeler." Inginuso niya ang nakasabit na peeler na kanina ko pa naman nakikita. "Ano 'yong tanong mo, anak?"

"Are you open about sex?" I asked.

Hiniwa ko muna sa maliliit na piraso ang kalabasa na kayang hawakan ng kamay ko, ngunit nang maramdaman kong may nakatingin na mata sa akin ay napalingon ako sa gawi nito. Minamasdan ako ni Tita.

"Tinatanong pa ba 'yan? Mawawala na nga ako sa forty's ko nag-se-sex pa rin kami ng Tito mo." Sabay lingon niya sa sala kung nasaan sila Hyden, napalingon din ako pero alam kong hindi nila kami naririnig dahil sa lakas ng telebisyon.

"I mean, minor like 16 or 15 gano'n?" paglilinaw ko. Binalikan ko na rin ang ginagawa kong pagbabalat.

"Hindi, bata pa sila," tanging sagot ni Tita. Precise and clear. Direct to the point and no hesitation.

"Kahit gumagamit naman ng condom?" My follow up question.

"Huh, it is still not good at a very young age like that na makipagsex ka sa iba. Ano 'yon, hindi ba uso landi-landi lang muna tapos saka na ang karat? May kamay naman at puwede mag joseng kalikot at maryang palad." Bahagya akong natawa sa huli niyang sinabi.

"Sorry, Tita, but I'm kind of agree po kasi sa minor na sex..." nag-init ang tainga ko sa hiya. Unti-unti pa ako napatingin sa gawi niya upang makita ang kaniyang reaksiyon pero mukhang wala naman. She seems cool with my opinions.

"So? What's your stand, in your opinion pala, anak?" siya naman ang nagtanong. "Oh, tikman mo muna itong sabaw ng nilaga." I turn to her way and see that Tita is holding a ladle with soup in it. Hinipan ko ito nang mahina bago hinigop.

Namilog ang mga mata ko dahil saktong-sakto at masarap ang timpla nito. "Masarap po," ani ko at ngiti. Napangiti rin siya sabay lagay ng gulay gaya ng petchay sa kaldero. Ganiyan din si mama, kapag naluto na ang karne saka pa lang ilalagay ang ibang gulay na natira. Para raw malutong pagkinain. Parang nag blanch lang siya, gano'n!

"Akin na 'yang atay... isasangkutsa ko na." Inabot ko kay Tita ang planggana ng atay at inis ang tugon ko sa kung ano ang stand ko sa opinyon ko kanina.

"Sa tingin ko naman, Tita, ayos lang makipag-sex ka kahit bata ka pa like as long as wala 'blessings' and use condoms and contraceptives para hindi mabuntis, hindi ba? And also, if it makes you happy then go with it na lang. Siguro ayos lang basta sa inyo-inyo lang ng makakatalik mo." paliwanag ko.

Ang napagbalatan ng mga gulay ay inilagay ko sa isang plastik para hindi kumalat ang mga ito habang naghihiwa ako. Kinuha ko ang kutsilyo saka narinig ang pagsangkutsa ni Tita sa sibuyas at bawang sa kawali.

"May tama ka naman, anak... pero hindi naman lahat bumibili ng condom, 'di ba? Hindi lahat ng mga bata alam ang practice ng safe sex kaya sa tingin ko, bawal muna. Sa lagay nga na iyan eh nahihiya pa silang bumili ng condom sa mga tindahan, pero kapag nakabuntis at lumobo ang tiyan eh proud na proud pa. #Blessings. But, kidding aside, siguro, magiging ayos iyon kapag naitataguyod mo na sarili mo kung sakaling mabuntis ka dahil mahirap maging pabigat sa magulang lalo na at talamak ngayon ang teenage pregnancy. Naku naku, naging trend. Mga siraulo talaga."

Natawa ako sa paliwanag ni Tita. Sabagay, parehas naman kaming tama sa opiniyon naming dalawa at wala akong kaso roon.

"Pero kung mag-se-sex kayo ng anak ko, aba'y ayos na ayos!" Nanlaki na bigla ang mata ko dahil out of the topic na ito masiyado. Napangiwi rin ako sa approach ni Tita.

"Wala namang mabubuong bata, eh. Kung mayroon man, pagpalain kayo. Ako ang mag-aalaga." Sumulyap si Tita sa akin na may bahid na ngisi bago pa nag pan searing ng atay.

"Sino mag-se-sex, Mom?"

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses at nakita si Wilbert na kakalabas lang ng banyo. Nakasuot na siya ng pang-ibabang damit ngunit wala pa rin pang-itaas.

"Mind helping me?" Wilbert asks, making me snap out of my wild thoughts.

"Ohh, wait." I walk to him and help him like a baby with his sando. Matapos ay bumalik ako sa puwesto kanina.

"Thanks." Wilbert kissed me on my cheeks before kissing his mom's too.

"Ang bango naman niyan, Mom." Dinungaw ni Bert ang niluluto ng Ina, pinisil naman ni Tita ang pisngi ng anak.

"Naku! Sobrang guwapo talaga! Manang-mana sa pinagmanahan." Natawa kaming tatlo bago kami pinaalis ni Tita sa kusina, siya na raw ang bahala kahit na sinabi kong tutulungan ko siya. Si Wilbert na lang daw ang asikasuhin ko.

Dumaan muna kami sandali sa sala kung nasaan si Hyden. Nagliwanag ang mukha niya nang makita kami ni Bert.

"Elina will be here. Sinundo lang ni Fhil outside the town," ani Hyden at ikinaway sa amin ang cellphone. We walk to him and sit right next to him. On my other side is Wildert.

"How about Luke? Makakapunta raw ba siya?" tanong ni Wilbert.

Bumaling ako kay Hyden na umiling. "'Di ko alam, man. Wala namang sinabi, eh."

Hinilamos ni Wilbert ang kaliwang kamay sa kaniyang mukha. "Fuck that bullshit. Mom's expecting that we will be eating all here tonight." I noticed that Wilbert got frustrated easily. I started caressing his back to calm him down.

"Mainit na panahon, Wilbert, 'wag ka nang dumagdag pa." I planted a kiss on his cheek. Pagkakalma niya ay nanood kami ng football na kanina pa nila Hyden at Tito Fed pinapanood.

Na boring na lang siguro itong si Hyden.

"Hi, Tito," boses ng isang babae sa pinto. Sabay-sabay pa ang paglingon naming tatlong magkakatabi roon sa pinto at nasaksihan ang magandang si Elina. Tumayo rin kami para batiin siya, ngunit mas nauna niyang tinungo si Tito Fed para magmano. Gulat na gulat naman si Tito, maging ako.

"Kamusta, Eli? Long time no see, ah?" Nakipagbeso si Hyden sa kaniya.

"Oo nga, eh. I got busy with my scheds," she said and turned to me. "Hello..." she waved her hand at me, making me smile.

"Hello rin."

"Nice seeing you," bati ni Wilbert at nagbeso rin ang dalawa. Hindi pa kami masiyadong malapit ni Elina sa isa't-isa kaya siguro simpleng kaway lang ang bati niya sa akin. Ayos lang naman 'yon, walang kaso.

"Ako rin-" Naputol ang sasabihin ni Elina sa isip ko dahil nakita kong pumasok si Luke mula sa pinto. Bagong ligo na at nakaayos ang buhok. Mabilis na nag-landing ang mata niya sa gawi ko at sa hindi inaasahan ay naroon ang bruhilda.

Si Bradly.

TheButterflyReturns © 2022

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now