Chapter 16 [Bradly]

1.5K 107 1
                                    

Chapter 16

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok na kanina ko pa hinihintay. Nakailang beses at ulit na akong magbilang ng tupa kaso hindi talaga. Pinakiramdaman ko ang buong bahay, wala ng ingay—marahil tulog na ang lahat.

Tanging kuliglig na lamang ang abot-dinig ng aking tenga. Kulilig na siyang nagbibigay musika sa madilim na gabi. Sa pamamagitan ng marahan kong pagkilos, binukas ko ang pinto ng aking kwarto saka lumabas sa sala at sa mismong tambayan namin sa labas.

Malamig na ang paligid kung kaya't napayakap ako sa sarili. Nag-angat ako ng tingin sa kalangitan at nakitang naroon ang mga bituing mabibilang lamang sa kamay at ang buwan na mistulang araw na nagbibigay tanglaw sa madilim na gabi.

Ngunit naalala ko na kung wala ang araw, wala rin ang buwan. Sa madaling sabi, hindi madaling makikita ang buwan sa dilim. Ang araw ang siyang nagbibigay liwanag sa buwan. Kailangan ng buwan ng araw dahil kailanman ay hindi makakagawa ng nakakasilaw na liwanag ang isang buwan.

Kung ako ang papapiliin, nanaisin kong maging isang bituin gaya ng araw. Hindi ko na iisahin ang lahat ng detalye pero ang pinakasentro ng mithiing ito ay kakayanin kong magningning nang mag-isa.

Isinandal ko ang aking likod sa papag para makapagpahinga at kung dito man ako aabutan ng antok, hindi ako mahuhulog sa lupa 'pag nagkataon.

"Bakit ba kasi hindi ako makatulog?" tanong ko sa sarili.

"Iniisip mo siya. Iniisip mo si Wilbert kung nasaan na siya ngayon," sagot ng utak ko. Muli akong nagpalabas ng hininga at minasdan ang paligid. Nakakita ako ng mga alitaptap na kumukutikutitap.

Isa ito sa mga pagkakataon na ngayon ko lang makikita ang gaya nito. Mga alitaptap na nagbibigay ng saya sa gaya kong simpleng tao—noon, oo, masiyadong marangya ang akala ko, hindi na ngayon. Sinimulan ko ulit ang pagbibilang ng tupa at umaasang makakatulog na nang may marinig akong sasakyan na papalapit sa gawi ko.

Tiningnan ko ang kalsada ngunit wala naman akong nakitang headlights. May dumating nga na kotse at huminto ito sa tapat ng bahay. Lumabas ang isang bulto ng lalaki rito at sinara ang pinto.

Madilim man sa puwesto na 'yon dahil hindi masiyadong abot ng post lamp pero alam ko na si Wilbert 'yon. Nabuhay ang dugo ko at mabilis na napatayo. Mukhang may tinatanaw si Wilbert sa bahay pero halos alas dose na ng gabi. Ano pa ba ang ginagawa niya rito sa amin?

Nilapitan ko siya nang dahan-dahan at ginulat. Napatalon siya sa ginawa ko at impit na sigaw ang iminutawi ng bibig niya.

"Fuck," he cursed silently. "Dis-oras na ng gabi, ah? Bakit gising ka pa?"

"Ikaw, gabing-gabi na ano ginagawa mo rito?" Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang at tinitigan siya.

Wilbert scratched his nape and looked into my eyes. "Susunduin sana kita… gala tayo..."

Nilingon ko ang bahay namin saka binalik ang tingin kay Wilbert. "Baka magalit sila—"

"Hush." Wilbert hushed me by putting his index finger on my lips. "Babalik din tayo agad. At saka tulog naman sila tita kaya hindi nila malalaman."

"Sige."

Pumasok kami sa kaniyang kotse na dala at pinaandar din agad ni Wilbert.  Tanging mahina lang na pag-ugong ng makina ang naririnig ko, mga kuliglig at ang mahinang pagtama ng hangin sa aking mukha. Tahimik lamang naming tinatahak ang daan na malaya lang itong binabagtas.

"Ang lamig ng hangin, 'no?" ani ko kay Wilbert.

"Nilalamig ka ba? Gusto mo ng jacket?" Binagalan niya ang takbo ng sasakyan at aktong may aabutin sa likod ng kotse nang pigilan ko siya.

Fontabella 1: The Businessman's TrapWhere stories live. Discover now