Chapter 5

9.2K 458 8
                                    

ELSIE'S POV (Daniela's POV)



W-what's this?


'....Wala ka rin makikita sa labas.' So, ito ba ang ibig-sabihin ni Julius? Para itong napabayaang lugar! It's a slum.
Nagpatuloy kami sa pagpasok sa lugar. Mabaho at napakaraming mga pulubi sa paligid. Para lang din itong nadaanan ng napakaraming kalamidad.

Napatigil ako at lumingon kay Lara na nasa likuran ko lang. "Sino namumuno sa lugar na 'to?" Seryosong tanong ko.

"Si Earl Barossa po Miss ang inatasan ng hari sa lugar na ito.."  Sagot niya.

"Alam mo ba kung saan matatagpuan ng mansion niya?"

Tumango siya. "Nasa pinakadulo po ng bayan. Batay sa lokasyon natin, makakarating tayo roon ng mga kinse minutos na lakaran."

Tumango ako. "Then, lead the way."


In politics, may rank or titles ang mga nobles. This is called the peerage rank, sila ang tumutulong sa King sa pamamahala ng buong kingdom.  The Duke, the Marquess, the Earl, The Viscount and the Baron. Of course, the highest and powerful in them is the title of Duke.

Lumipas ang ilan pang minuto ay napatapat kami ni Lara sa isang simpleng 2-storey na bahay. Not a mansion.

Napataas ako ng kilay. "Dito nakatira si Earl Barossa?" Pangungumpirma ko.

"Yes, Miss.." What?! He's an Earl! The third highest rank which means, he has a great power and wealth. He should be in a mansion. Laking pagtataka ko man ay kumatok na lamang kami sa kaniyang pintuan. Lumipas ang ilang minuto ay bumukas ito at sumilip ang isang dalagang babae na siguro ay mas bata lang sa  'kin ng kaunti. May katam-tamang kulay ang kutis at kulot ang kulay brown na buhok nito. Her deep green eyes looked at me questioningly.

"Magandang gabi. Uhmm... Ano po ang sadya n'yo?" Mahinhing tanong nito.


Ngumiti ako. "Magandang gabi din po. Gusto ko sanang makausap si Earl Barossa." sabi ko.


Napabalik-balik muna ang tingin niya sa 'ming dalawa ni Lara bago tumago din. She opened the door widely saka pinapasok kami. Sa loob, isa lamang itong simpleng gawa sa kahoy na bahay. Walang kung anong mukhang mamahaling mga gamit. There's no even guards.

Are they concealing their riches?


She lead us to the living room at pinaupo ako sa isang malumang maroon na sofa. "Nasa loob ng study room ngayon ang aking ama at abala sa kaniyang mga papeles. Bago ko siya tawagin, gusto n'yo ba ng maiinom?" Alok nito sa'min. 


I waved my hand. "Hindi na sa 'kin. Ikaw Lara?" Tanong ko sa kasama ko pero umiling lang siya.

"Hindi po ako nauuhaw, Miss." Sagot niya.


Binalik ko ang tingin sa babae "Hindi na. Salamat." Magalang na pagtanggi ko na ikinatango niya.


"Maghintay muna kayo at tatawagin ko lamang siya." Sabi nito at umalis.



Napatingin na ako sa kasama kong nakatayo sa likuran ng sofa na kinauupuan ko. "Lara! Ba't ka nand'yan?" Tanong ko.

"Sa labas po ba dapat ako tumayo, Miss?" Nakayuko nitong tanong.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon