Chapter 57

5.7K 310 14
                                    

AUTHOR'S POV


Batay sa tradisyon ng Aragon Empire, ang kasalan ng Crown prince at crown princess ay magaganap tuwing ika-labing apat na araw pagkatapos ng corononasyon. Ngunit sa pangalawang araw pa lamang ay naging abala na ang lahat upang umpisahan nang ihanda ang lugar na pangyayarihan ng kasalan.

Pagod na napahiga si Elsie sa higaan nito. "Ugh! Ayaw ko na! Mamatay na ako eh!" Inis na sigaw nito habang pinapalo ang isang unan doon.

"Huwag kayong magsalita nang ganyan." Sabi ni Lara na malapit lamang sa tabi nito at abala sa pagpupunas ng mga gamit sa kuwarto.

Agad na napaupo rin naman ito. "Hindi ko akalaing marami pala akong gagawin! Ilang designers na ba nakausap ko? Hindi lang wedding gown pero pati bagong mga kasuotan, bakit ba kailangang kumuha pa ako ng mga bagong damit?! Nakakasakit lang ng ulo!" Mahabang reklamo nito.

"Hindi ba't ganito rin ang napagdaanan n'yo noong naghahanda rin kayo para sa kasal ninyo ni Duke Adam?" Tanong nito.

Napatigil naman si Elsie at saka napaisip bigla. "Hindi naman ako pinapili ng mga bagong damit.. Hindi rin ako yung pumili ng wedding gown ko."

It was Olga...

Naalala nito na si Olga pala ang nag-disenyo ng gown niya noong araw na 'yon at hindi niya rin maitatangging maganda ang nagawa nito.


Come to think of it, bukod sa dalawang 'basura', hindi ko pa nakikita ang b*tch na 'yon.


Parang gustong niyang malaman kung anong kalagayan nito pero nanaig pa rin ang pagkawalang pake niya kaya napabuntong-hininga na lamang ito at humiga ulit sa kama.

"Forget it, sana na lang at maikasal na ako kaagad."

Napangiti bigla si Lara sa sinabi nito.

Owoo.. Kahit sa dami ng reklamo niya, mukhang gusto na niyang maikasal kaagad.

Napapa-isip si Lara kung may namamagitan ba sa kanila ng crown prince mas lalo na noong nakita niyang binuhat ito nung araw ng coronasyon. Nang araw din na 'yon ay kasabay ng pagrami ng mga lumalapit kay Elsie na mga nobles ay ganoon din kay Lara. Kaso ang sa kaniya ay mga lalakeng nang aalok bigla ng kasal.


Ito ay sobrang ikinainis niya dahil halata ang mga tunay na motibo ng mga ito kaya umalis siya kaagad no'n at nakitulong sa kusina. Nang marinig niya ang gulo sa banquet hall ay agad siyang bumalik kung saan doon niya naabutang buhat-buhat na ng crown prince si Elsie. Mukhang mas nagulat ang lahat sa ginawang 'yon ng crown prince kaysa sa biglaang panggugulo ni Duke Adam.

Hindi kaya may namamagitan talaga sa kanila? Mas lalo na't naging magkasama sila ng ilang buwan kung saan naging assistant si Miss ng crown prince.

Mas lalong napangiti si Lara. "Miss.. Natitipuhan ba ninyo ang crown prince?" Tanong nito na may halong panunukso.

Tamad na napakaway kaagad ng kamay si Elsie. "Nah, never."

"Sus, huwag ninyo pang itanggi pa."

"Wala akong gusto sa kaniya... Nakakapangit pa rin nung ugali ng lalakeng 'yon."

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon