Chapter 42

5.8K 325 41
                                    


ELSIE’S POV (Daniela’s POV)

Kinuha ko ito sa isang church noong gabing bumili ako ng ingredients para ipagluto si Zeid. Yeah, ito nga ang dahilan kaya natagalan ako ng uwi.

<<<Flashback<<<

Napatingala ako sa malaking church. I've read it once about the holy water. Isang bagay na kayang makapag-purify ng black magic. Halos pareho lang ito sa holy water sa pinanggalingan ko but this is more.. Magical?


Nagsimula na akong pumasok sa loob. It was a very classical style of a church. Malawak ito at maraming mga pews. Too quiet. Hindi lang ako ang nasa loob pero nakakabingi ang katahimikan. Halos nag-e-echo pa ang bawat yapak ng aking suot na boots sa gawa sa marmol na sahig. Habang naglalakad naman ako sa aisle ay may mga naabutan akong mga nagdarasal habang nakaluhod.

Dumeretso ako sa altar kung saan naroon ang isang matandang pari at isang nasa mid 30's na sacristan. Lumapit ako sa pari at binati muna ito bago sinabi ang aking pakay.
"Kailangan ko ng isang bagay na sa ganitong lugar lamang mahahanap." Sabi ko na mukhang nakuha naman ng pari at napatango.

"Maaari ko ba na malaman kung saan mo ito gagamitin?" Malumanay na tanong nito. 

"I've known that holy water can purify black magic.. " 

“Ang kayang kontrahin lamang ng holy water ay ang controlling magic na gawa ng isang black magic.”

Napangisi ako.
Right.. That’s why I need it.”

>>>End of Flashback>>>

Good thing at libre lamang ang holy water though dahil nasa church na rin lang ako noon, nagbigay na ako ng konting donasyon. Napaubo-ubo pa rin si Harry at napahingal-hingal as if hindi na makahinga. It was really a good sight to see.

“Now, your original body could also feel pain and that makes this thing.. Amazing.” Ngisi ko na agad rin na napalitan ng masamang tingin. “If you think na natakot ako then you are wrong, you just started a war.. Kaya tandaan ninyo, simula ngayon, tatapatan ko na kayo.”

Tinignan niya ako ng masama.
“I-it's your f-fault.. Binalaan n-na kita.. L-lumayo ka s-sa kaniya! ” Iyon ang huling sinabi nito bago na nawalan ng malay. Napahawak ako sa 'king chin.

Lumayo kay Zeid?

Malamang kaya rin nila ako inatake ay dahil hindi ko talaga sinunod ang utos nilang layuan siya. But is he something useful to them? Kahit gaano ko man isiping mabuti ay wala akong nakikitang bagay na makukuha kay Zeid.

Ugh.. Wala rin naman ako gaanong alam sa kaniya.

/(≈_____≈)\

Napatigil ako nang biglang bumangon ulit ang lalake at napatingin sa paligid.

“Hai.” Ngiting bati ko rito at agad niya naman akong nilingon na nasa likuran niya.

“I-ikaw yung…” Hindi na nito natuloy ang kaniyang sasabihin at bigla na lang siyang namula. Tumayo ito kaagad at pinagpagan ang kaniyang damit. “A-anong ginagawa ko rito?” Nahihiyang tanong nito.

Ah.. diba sabi mo na may sasabihin ka sa ‘kin?” Pasimpleng sabi ko.

“Sasabihin?” Takanang tanong nito at binigyan ko ulit ito ng matamis na ngiti. “A-ah! Oo.. a-ano.. Kase..” Nauutal na sabi nito at mas lalong namula.

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon