Chapter 75

4.6K 263 8
                                    

ELSIE’S POV (Daniela’s POV)





So, we end up talking in the living room kung saan nakaupo ako sa isang sofa at katabi si Zeid habang si William naman ay nasa tapat namin.
"Nagkaroon ako ng problema sa aking orenda at 'yon ang naging dahilan kaya hirap na akong gamitin ang aking magic.." Panimula niya. "Gumamit ako ng isang napakataas na level ng mahika kaya sa huli, ang epekto ay naging isa akong Black grinnier."

"Like I said, I should've roast him." Mahinang sabi ni Zeid.

At mabuti na lang hindi 'yon nangyari..

(=,=)

"Pero bakit ako ang nilapitan mo?" Tanong ko kay William.


"Hindi ko rin alam, your highness. Sa totoo nga n'yan, hindi ko masyadong matandaan ang mga bagay na nangyari noong isa pa akong ibon." Sagot niya. Huh? Bigla siyang naging pormal sa 'kin kung kanina lang ay tinawag niya ako in my first name? Ahh, nga pala, na-meet ko lang siya noong naka-disguise ako bilang Daniela. "Hindi pa man gano'n na bumabalik ng tuluyan ang orenda ko sa katawan, sinisigurado kong hindi na ako magiging grinnier ulit."

"That's bad, I'm expecting you to be a rat." Sabi ni Zeid.

"Kung gano'n, pasensya na dahil hindi 'yon mangyayari." Ayan na naman ang sukatan nila ng tingin.  Na-realize ko tuloy na magaling gumawa ng kaaway si Zeid kasi lahat na ata ng na-meet namin na lalake ay nakakaaway niya.

"Then, make yourself useful.. Can you bring back someone who had been called by Soul summoning ritual?" Seryosong tanong ni Zeid. Wait! Hindi ko pa nasasabi sa kaniya!

"H-hindi ko kaya.. Gaya nga ng sinabi ko, hindi pa tuluyang bumabalik ang orenda ko sa katawa—

"Useless." Napatayo na siya at astang aalis nang pinigilan ko siya.

"Wait!" Agad kong hinawakan ang kamay niya kaya napatigil siya. Bumalik ang aking tingin kay William. "Could you leave us for a minute?" Tanong ko.

Napatango ito. "Walang problema, your Highness." Yumuko pa ito saglit bago umalis na rin.

Hindi pa rin humaharap sa 'kin si Zeid as if hihintay lang ang sasabihin ko sa kaniya. "You're going back in searching again?" Tanong ko pero hindi ito sumagot. "Stop it, I've decided not to... go back."

"What?" Kunot-noo itong humarap sa 'kin. "You've said that you always wanted to go back then now?"

"I just have decided. It's hopeless, wala rin akong mahanap at kahit ikaw.. Kaya mananatili na lang ako and do my best to save this world."

"Save? From what?"

Napayuko ako sabay napalunok bago sumagot. "Destruction.. I'm sorry for saying this now, pero ang may pakana ng lahat ng kakaibang pangyayari sa lugar na ito ay si Lucia, we're the same at may mga kasama siyang tumutulong din sa kaniya. They're planning something na kailangan kong pigilan—

"And so what?" Malamig na putol nito sa 'kin. "If this place is under destruction, its already my job to save it.. Don't concern yourself." Hinila na niya ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ko at tinalikuran ulit ako.

What? Don't concern myself?

Agad na akong tumayo sabay humarang sa harapan niya at hinila ang kaniyang damit gamit ng aking magkabilang kamay. "Then, whether I stay or leave, its also none of your concern! Ako ang may hawak ng buhay ko at nasa akin na kung anong mangyayari sa 'kin! " Galit na sabi ko sa pagmumukha niya. "Listen to me Zeid, may ideya ako sa malaki nilang plano at gustong gusto ko iyong pigilan dahil may mga tao rin akong kailangang protektahan dito.. Sa madaling salita, hindi mo ako mapipigilan." Seryoso kong sabi. I know that everything Lucia told me was all a lie. She just manipulated me– use my desperation na makabalik para maitulak akong patayin si Zeid. Nagpaloko ako sa kaniya at iyon ang talagang kinaiinisan ko!

I Became the Princess of a Fallen Kingdom (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon