"Anong sseb? Tae, itulog mo na nga 'yan. Kung ano-anong naiisip mo," suway ko saka inilagay sa palanggana iyong bimpo. Inutusan ko rin na suotin na niya iyong extrang damit na nakalagay sa mesang nasa gilid ng kama.

"Sseb kasi best friend kita. Corny ba? Ano bang gusto mong itawag ko sa'yo? Babe?" he chuckled and then messed his hair. I gritted my teeth and I pushed him to finally have his sleep.

"Gago. Baka tadyakan ka ni Alonzo, sige ka," panakot ko sa kanya. He just smiled bitterly and then hugged the pillow beside him.

"Alam ko namang kahit noong una, wala talaga akong laban sa kanya. Grabeng buhay 'to. Kailan kaya ako makakaranas ng kaginhawaan?" he mumbled. Ibinalik ko sa banyo iyong bimpo saka naghahanda nang makalabas doon sa kwarto.

"Tsk. Sa lagay na 'yan, naghahanap ka pa talaga ng kaginhawaan? Arte mo, ah? Yaman mo na nga, eh," dugtong ko pa.

"Ibang kaginhawaan ang tinutukoy ko."

"Eh ano naman?"

He sighed deeply as if finding it as a big problem. Nakapikit na ang mga mata nito at mukhang ang isip na lang talaga ang gising.

"Makasama ang taong mahal ko. Solve na ako kapag nangyari nga 'yon sa buhay ko," knowing him, I don't know if he's serious or not. Minsan ko namang nakita itong lasing pero hindi umaabot sa ganitong punto kung saan humuhugot masyado.

Paano ko siya matutulungan kung panay banggit ng taong mahal pero maski pangalan ay hindi ko alam? When it comes to that topic, he never mentioned any name in front of me. Ni hind inga ma-describe sa akin kung ano bang itsura, dating, paano gumalaw o kumilos.

In short, I have no any idea.

I left him inside the room without saying a word. Pagkalabas pa lang ay naabutan kong nasa gilid ng pinto iyong mga pinsan ko.

I eyed them suspiciously. Kahit mga lasing na ang mga dating ay tila nabuhay ang kanilang katawan nang makita ako.

I inhaled and then smiled a bit to them. Inignora ko ang kanilang pasensya dahil alam ko na ang kanilang dahilan kung bakit naroon sila.

"T-teka! Kumusta si... Jacob? Ang bilis mo naman yatang umalis, cous?" iyong tono ng boses ni Kaiser ay napaghahalataan.

He held my arm and then I faced him.

"Kamanyakan ang nasa utak mo. Wala kaming ginawa at kung gusto mong malaman na tulog siya, tignan niyo roon. Sige na, matutulog na ako," pananaboy ko kaagad pero hinigit na naman nito ang braso ko.

Kinabukasan ay halos tanghali na akong nagising sa haba ng tulog.

I woke up having missed calls from Alonzo. Hindi kaagad ako nakababa ng maaga dahil mas inuna ko pa iyon.

I bit my lip and read one of his texts.

Mapapauwi ako mamaya dahil may inihanda raw siya para sa akin. I automatically smiled.

Kahit na hindi na kami nagkikita araw-araw, pakiramdam ko ay naging mabuti naman ang mundo sa akin. Alam kong may dahilan lahat ng iyon kaya sino ba naman ako para kumontra?

Gusto kong kahit sa maliit na suporta man lang sa kanya ay maibigay ko sa pamamagitan ng hindi pagpe-pressure sa kanya sa relasyon namin.

We both have our priorities. Ang kaibahan, sa kanya ay naroon ang tila obligasyon sa pamilya. Of course, his father is a known doctor so it's like he should also be successful. Kaya maski sa kanilang hospital ay tila kinakailangan ang kanyang presensya.

Once in a Lifetime (Valdemora Series #5)Where stories live. Discover now