Heir 33: Let Me Go

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat... Hindi pa..."

Bigla akong natigilan sa mga salitang 'yun, hindi ko alam kung namamalik-mata ba ako, pero unti-unti bumata ang itsura ni Light, unti-unti ang nakikita ko nang Light ay ang batang Light five years ago, ang batang Light...

Iniling-iling ko ang ulo ko, ikusot kusot ko ang mata ko.

"I'm already dead, Gab... I am... Please let me go..." Tuloy tuloy na ang pagbagsak ng luha sa mata ko. Kitang kita ko din ang unti unting pagtutubig ng mata ni Light, at ang pagpatak ng mga luha n'ya. Hinawakan ko ang kamay ng batang Light.

"No... I won't let go. You're alive... You're alive..." Kahit nahihirapan akong mag-salita nakapagsalita pa din ako. Para akong ang batang si Nathaniel Gabriel Evans na nagmamakaawa kay Light na 'wag akong iwan. Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni Light, pero unti-unti nawawala ito. Sht. No!

"I'm already dead, please let me go..." Paulit ulit na sabi n'ya. Para akong masisiraan ng bait. Gustong gusto kong magwala pero, parang naistatwa lang ako sa kinalalagyan ko, at walang magawa kundi tingnan ang batang si Light na umiiyak at paulit ulit sinasabi ang mga katagang 'yun...

"No..." Paulit ulit na bigkas ko. Lumuhod ako sa kan'ya. "I won't let go." Matigas na sabi ko. Parang binibiak ang puso ko habang nakikita ko ang batang si Light na umiiyak at hinahaplos ang muka ko.

"Let go of me... Start a new life... Let go of what happened five years ago, time won't turn-back for you." Lalo akong naiyak sa mga salitang sinasabi n'ya.

"No... I can't." Pag-pupumilit ko. Niyakap ko s'ya. Rinig na rinig ko ang pintig ng puso ko sobrang bilis nito. Kabadong kabado din ako, baka mawala ang Light na yakap ko.

"You can, please let go... Let go of everything that's connected to the past." Humiwalay ako sa yakap at hinawakan ang pisngi ng batang si Light. "Please..." Pag-mamakaawa n'ya, durog na durog ang puso ko, habang nakikita kong nagmamakaawa sa'kin ang babaeng mahal na mahal ko. Damn.

Pinunasan ko ang luha n'ya, "Please don't cry, those tears are killing me slowly." I said. Pinilit n'yang ngumiti. Ang sakit sa dibdib, parang unti unting inaapak-apakan ang puso ko, ang sakit sakit na din ang lalamunan ko. Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha ko.

"Farewell, Gab Gab. Let go." With those words, unti-unting naglaho ang batang si Light, unti unti gumuho din ang mundo ko.

"Fck!" Sigaw ko. Kasabay nun ang matinding pag-kirot ng puso ko, at panginginig ang buong katawan ko. Damn. I lost her the second time around damn.

"Hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang lahat... Hindi pa..."

"I'm already dead, Gab... I am... Please let me go..."

"I'm already dead, please let me go..."

"Let go of me... Start a new life... Let go of what happened five years ago, time won't turn-back for you."

"You can, please let go... Let go of everything that's connected to the past..."

"Farewell Gab Gab. Let go..."

Paulit ulit sa utak ko ang mga salitang binitiwan ni Light, paulit ulit ito na parang sirang plaka sa utak ko, paulit ulit ito na tumatakot sa isipan ko, paulit ulit ito na halos masiraan na ako ng bait. Paulit ulit ito na nagpapasikip ng dibdib ko. Damn it.

"Putang*na! Tama na!"

"Ay putang*na mo din!" Parang bigla akong binuhusan ng tubig ng marinig ko ang sigaw na 'yun, napatulala ako sa nakita ko. Si Rivera na kagigising lang?

The Gangster HeirsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon